'Is everything ok?' Text ni April.
'Ok lang ako.' Kahit hindi. Hindi ako nagpakita kay April nang hapon na iyon, ayokong makita niya na bangag nanaman ako sa kalungkutan. Nakasakay ako sa bus ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gusto kong pumunta sa malayong lugar na hindi ako pamilyar. Gusto kong iwanan ang lahat.
'Where are you Froylan? Please tell me. :-(' Reply niya.
"Uhmm. Sorry April. Wala ako sa mood eh. Hayaan mo muna akong mag-isa. Magiging ok din ako.' Sabi ko sakanya.
'Ok :-( Just be safe. I love you.' Sabi nya. Hindi na ako nagreply. Makakapagsabi pa ba ako ng 'I love you kung nalalabuan na ako sa lahat ng bagay? Pero bakit kelangan? Mahal ko naman talaga si April.
Bumaba ako sa isang lugar na hindi pamilyar saakin. Nasaan na ba ako? Wala akong pakialam. Basta naglakad lang ako, papalubog na ang araw noon at bumubukas na ang liwanag ng lansangan. Alam ko na siguro kung nasaan ako ngayon. Taft, pambihira. Dito lang pala ako dadalhin ng pagkabadtrip ko. Akala ko malayo na ang narating ko. Alam ko na kung saan magandang pumunta, sa Roxas Boulevard. Sumakay ako ng jeep at mabilis naman akong nakapunta doon. Nasilayan ko pa ang paglubog ng araw at tuluyang pagkawala nito sa dagat. Kaunti ang tao na naglalakad sa paligid. Dahan-dahan kong ninamnam ang pag-iisa ko. Umupo ako sa gilid ng Manila Bay at pinagmasdan ang paghahalo ng kulay kahel at kulay ube sa kalangitan. Napakaganda nitong napipinturahan ang paligid na para akong nanonood ng isang pintor na hinahalo ang dalawang kulay sa kalangitan. Maya-maya pa ay nag-vibrate nanaman ang phone ko.
'Pre asan ka?' Si Topher ang nagtext.
'Bakit pre?' Tanong ko sakanya.
'Tinatanong kasi ni April kung kasama ka ba daw namin.'
'Eto, nagmumukmok. Basta. Hayaan nyo muna ako pre.' Reply ko.
'Naikwento na ni April ang lahat. Hmm. Nakapag-usap na pala kayo ni Camille. Ok ka lang?'
'Alam mo naman ako pre, ano bang bago sakin? Kahit naman maging ok ako eh hindi parin talaga.' Sabi ko sakanya.
'Pupuntahan kita pre. Hindi ko sasabihin kay April. Oks ba?' Napaisip nanaman ako. Siguro nga kelangan ko nanamang ilabas toh. Sa kabarkada ko nanaman. Hindi na nagsasawa ang mokong na toh sa pakikinig ng sentimyento ko.
'Sige na nga, Nasa Roxas ako ngayon pre. Mukmok. Sa harap ng Max's. Tawid ka lang sa bay.' Sabi ko sakanya. Hindi na siya nagreply. Alam ko namang pupunta talaga siya. Ilang minuto akong nagmukmok. Hindi ko na mabilang. Nakatulala parin ako sa kalangitan kahit na tuluyan nang dumilim. Maya-maya pa ay may nag-abot saakin ng isang bote ng T-Ice. Umupo siya sa tabi ko, si Topher iyon. Seryoso ang muka niya habang nakatitig din sa kawalan.
"Umiiyak si April, tinawagan kami. Hinahanap ka samin. Hindi mo nireplyan?" Tanong niya. Umiling lang ako.
"Pagkakataon talaga noh?" Sabi niya sabay lagok ng kulay asul niyang inumin. Nilagok ko narin ang akin at nanahimik saglit.
"Baka may gusto kang ikwento?" Binasag niya ang ilang minuto naming pananahimik. Umiling ulit ako.
BINABASA MO ANG
Abot Langit
Non-FictionAng sequel ng Patunayan. Kapag mapait ang buhay kailangan ng chaser. Matuto tayong lumangoy kapag nalulunod na tayo sa alak at pag-ibig mga bro! :-) -EMPriel