W H O I S J E A L O U S ?
"Jin. Sino ba yang katext mo?" sabay kuha ni Lu Han sa cellphone mo. Nandito ka ngayon sa practice room nila. Kakatapos nyo lang kumain sa 'Le Kitchen at dito na kayo nagtuloy para magpahinga.
"Eh bakit ka nagtetext dito? Saan mo ba nakuha tong number nya? Hindi mo naman to kilala tapos ni hindi ka nirereplyan." masungit na sabi nya.
"Nakuha ko yan sa police station. Pinag-iwan ng info yung nagsumbong sa kanila. Nagpapasalamat lang ako, huwag kang OA diyan." nagpout ka pa habang sinasabi yun.
"Paanong hindi ako magiging OA? Nagtext ka sa kanya kagabi tapos sumagot na siya ng 'No Problem'. Tapos tinetext mo pa siya na kung pwede makipagkita siya sayo. Tingnan mo tong phone mo. Ikaw lang ang nagtetext sa kanya eh." himutok ni Lu Han sayo. Sa tingin mo naman kasi ay hindi naman masama na makipagkita ka doon sa isa pang nagligtas sayo. Gusto mo lang naman magpasalamat ng personal.
Tiningnan mo si Lu Han at napansin mo na may tinatype siya sa phone mo. 'HALA, baka inaaway na nya yung tao. Hindi ko na makikita yung itsura nun kapag nagkataon.' sigaw ng utak mo. Kaya naman, hinablot mo sa kanya yung phone mo at tiningnan yung tinext nya. Naisend na yun kaya hindi mo na mababawi. Eto ang sabi sa text na nilagay ni Lu Han:
Magpapasalamat sana ako ng personal. Magkita naman tayo. Huwag kang mag-alala maganda ako.
Nanlaki ang mata mo kaya naman tinanong mo agad si Lu Han kung bakit tinext nya yun. Sasagot palang sana siya ng biglang tumunog ang phone mo, sign na may text. Lumapit agad si Lu Han para tingnan ang reply nung hero mo. Tulad ng unang message sayo, dadalang salita lang ang laman ng mensahe.
Alam ko.
Kinuha ulit ni Lu Han ang phone. Hinayaan mo nalang sa kanya pero sinisilip mo kung ano yung itinetext nya.
"Gusto kita makita. Meet tayo bukas sa 'Le Kitchen. 12nn. Don't make a beautiful lady wait for you. ♡" Hindi mo tuloy alam kung matutuwa ka ba sa ginawa ni Lu Han. Kanina lang eh nagseselos na nakikipagtext ka sa number na yun. Tapos ngayon siya pa ang may gustong magmeet kayo. Baliw lang?
"Sasamahan kita bukas sa 'Le Kitchen. Doon tayo kakain at hihintayin natin dumating tong katext mo." medyo maawtoridad na sabi sayo ni Lu Han. Kung umasta siya ay parang boyfriend mo na siya. Pero okay lang naman sayo yung ganyang pakikisama nya. Alam mo kasi na nagseselos lang siya. At kinikilig ka sa isiping yun. Nagnod ka na lang sa kanya tapos biglang may nagtext ulit sa phone mo.
Ngayon lang ako available. Ngayon na tayo magkita. I will be there.
Yung dalawang salita kanina ay nadagdagan. Pero hindi yun ang ikinagulat mo dahil mas nabigla ka sa thought na ngayon makikipagkita yung katext mong bumugbog doon sa stalker mo.
Agad kang hinila ni Lu Han palabas ng practice room. Nagpahatid agad kayo sa driver ng EXO papuntang 'Le Kitchen. Umupo kayo sa pinakadulong parte ng restaurant at nag-order ng juice nyong dalawa. Napapalingon kayo parati sa dalawang entrance ng resto. At ichecheck nyo kung kayo ang pupuntahan ng mga bagong pasok. Tiningnan mo si Lu Han. Mukha siyang nangigigil pero hindi nya pinapakita sayo. Nung napansin nya na nakatingin ka ay umamo ang kanyang mukha at ngumiti sayo.
Ilang minuto na kayong naghihintay kaya naman nagpaalam ka muna kay Lu Han na pupunta sa powder room. Malapit lang naman iyon sa pwesto nyo. Pagdating mo doon ay inayos mo ang sarili mo. Dinagdagan mo ang light make-up na nasa mukha mo para matakpan ang lumalaki mong eyebags. Nagpabango ka dahil nangangamoy kili -kili ka na. Pinagpapawisan ka kasi dahil baka mag-away si Lu Han at yung katext mo kapag nagkita na kayo. Pagkatapos mong mag-ayos ay lumabas ka na ng CR.
BINABASA MO ANG
Pretty Girl's Pretty Boy [ EXO-M LU HAN ]
FanfictionTo be very honest, HE IS PRETTIER THAN YOU....... EXO-Lu Han Short Story