K N I G H T ♘I N ♘S H I N I N G♘A R M O R
Natapos na ang celebration. Nagpipicture taking lang. Pupunta ka na sana sa banyo para icheck ang itsura mo bago ka magpahatid sa driver ng SMEnt pauwi ng Lotte hotel. Wala halos tao sa lugar na yun dahil hall way yun at halos lahat ng tao ay sa main door lalabas. Nagulat ka nalang dahil may bumunggo sayo. Nalaglag yung hand bag mo at nagkalat yung mga gamit na galing doon.
Pinulot naman nung nakabunggo sayo. Chineck mo kung may kulang pa ba sa laman ng iyong bag. Napalinga linga ka ng hindi mo pa nakikita ang phone mo. Tumingin ka dun sa nakabunggo sayo. Hawak nya kasi yung phone mo. Hindi ka naman makalapit sa kanya dahil natatakot ka sa itsura nya. Nakasuot siya ng red cap, red mask tapos naka-all black syang outfit. Nakakatakot dahil nakasuot siya ng pulang contact lens at titig na titig sayo. Dahil hindi ka makalapit sa kanya, inilapag na lang nya sa sahig ang phone mo at saka umalis. Pinulot mo yung phone mo at di ka na tumuloy sa CR dahil natatakot ka na at nanginginig na yung tuhod mo.
Pagkarating na pagkarating mo ng Lotte Hotel ay nagshower ka kaagad at nagpalit ng PJ's. Humilata ka sa malaking kama mo at pumikit. Makakaidlip ka na sana nang biglang tumunog ang phone mo. May nagtext.
'Nakita ko ang ginawa mo kanina.'
Iyan ang laman ng mensahe. Napalunok ka na lang dahil agad mong naalala yung ginawa mo kanina kay Hye Ri. Agad kang nagreply sa unregistered number na yun.
"Sino ka? Anong nakita mo?"
Nakita ko lahat-lahat. Gusto mo bang sabihin ko sa kanya? Sa kanila?
Nanginig ka sa takot. Hindi mo akalaing may nakakita pala nung ginawa mo. Patuloy kang nakipagcommunicate sa stranger na nagtetext sayo ngayon.
"Kanino mo sasabihin? Ano bang kailangan mo?"
Sasabihin ko doon sa babae kung sino ka. At sasabihin ko rin doon sa lalaking dahilan kung bakit mo ginawa yun. Sasabihin ko kay pretty boy.
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Yun lang at isasara mo na sana ang iyong phone nang biglang tumunog ito ulit. Napalaki ang mata mo at bumilis ang puso mo dahil sa sobrang kaba. Tumatawag sayo yung unregistered number. Napatayo ka. Nalakad ka pabalik balik habang hawak mo ang cellphone mo. Sasagutin mo ba o hindi? Sa huli ay sinagot mo rin. Hindi ka nagsalita. Hinayaan mong magsalita yung tao sa kabilang linya. Wala ka namang naririnig kaya napilitan kang mag-hello.
"H-hello?"
Biglang nag-end call. Kasabay non ang pagdating ng isang mensahe galing ulit sa numerong yun. Binuksan mo agad iyon. Mahaba yung mensahe kaya medyo magtataka ka dahil ambilis dumating eh samantalang kakaend call lang naman nung unregistered number. Binalewala mo nalang at binasa ng malakas ang laman ng mensahe.
Susundin mo lahat nang utos ko. Huwag na huwag kang magkakamali na magsumbong sa kahit kanino. Alam ko bawat galaw mo ngayon. Kundi ikakalat ko to. Bibigyan kita ng 30 minutos para mag-isip. Kapag lumagpas sa oras at hindi ka nagreply, ihanda mo na ang sarili mo sa mga sasabihin ng tao sayo sa internet.
At nakaattach doon sa mensahe ang mga pictures mo na pinupukpok yung babae. Nanlumo ka sa nakita mo kaya naman kailangan talaga na sundin mo ang sinasabi ng mysterious guy. Kapag kasi ikinalat nya yung pictures mo ay masisira ang pangalan mo. And worst masisira ka kay Lu Han. Paano nalang yun? Ni hindi pa nga nag-uumpisa ang fairy tale mo with him tapos masisira na agad.
Kaya nireply-an mo agad yung number na yun ng Sige payag ako. Tapos humiga ka na ulit ng kama.
Tumunog ulit ang phone mo. May nagtext ulit at iyong binuksan agad yun. Ibang number naman. Buburahin mo na sana kaya lang nacurious ka kung anong laman ka binuksan mo an mensahe.
BINABASA MO ANG
Pretty Girl's Pretty Boy [ EXO-M LU HAN ]
FanfictionTo be very honest, HE IS PRETTIER THAN YOU....... EXO-Lu Han Short Story