P R O L O G U E
And our America's top model is........... Katherine Alberts!
Napabusangot ka dahil hindi ang pangalan mo ang binanggit ng sikat na si Tyra Banks sa show nyang America's Next Top Model. Pero kahit disappointed ka, nakangiti ka pa rin at nagpapasalamat na umabot ka sa finals ng show na ito. Nakangiti ka pa rin dahil kahit hindi ka nanalo, alam mo na mas maganda ka pa rin sa winner ngayon.
♧♤♡◇
Jin Chou.
Iyan ang pinaka-the best na pangalan na ibinigay sa iyo ng Filipina-Korean mong nanay at Chinese-Korean mong tatay. Iyan rin ang pangalang titingalain ngayon ng mga tao sa international showbiz industry.
Nakapagtapos ka ng kursong Fashion designing sa USA. Ikaw ang nagsusuot ng mga gawa mong damit at lagi kang nafefeature sa mga sikat na magazines kaya sumali ka sa isang sikat na reality modeling show. Sa kasamaang-palad ay hindi ka nanalo pero marami paring tao ang itunuturing kang isang professional model and designer.
Naimbitahan ka na sa iba't-ibang bansa para sa mga promotions, commercials at kung anu-ano pa. Trending din ang pangalan mo sa mga social networking sites gaya ng facebook, twitter, weibo, instagram at iba pa. Bukod kasi sa galing mo sa pagmomodel at pagdedesign ay pinsan mo pa ang isang sikat na artista na si Jay Chou.
Isa pang kakaiba sayo ay ang pagiging transparent ng ugali mo. You say what you wanna say. You do what you wanna do. yAnd ou love what you are doing because you know you are just being yourself. You love the attention of the people. You love how these people praises you for being such an independent woman.
At dahil sa attention na nakukuha mo sa tao, masyado ka nang overconfident sa sarili mo. In a way na sa tingin mo ay ikaw lang ang pinakamagaling at pinakamaganda sa lahat. Aminado ka naman sa madlang people na ikaw ay may issue tungkol sa pagkukumpara ng sarili mo at ng ibang artista. Kaya naman as much as possible iniiwasan mo ang mga shows na may kinalaman sa pagkukumpara ng mukha, look-alikes and such. Malas mo pero hindi mo talaga kayang maiwasan ang issue'ng ganito.
Nandito ka ngayon sa China at guest ka sa isang talk-show na pinamagatang Talk to me baby. Alam mo na medyo weird ang pangalan ng show pero tinanggap mo dahil isa na naman itong opportunity para mapanood ka ng tao sa television.
"So Miss Chou. Is it true that Jay Chou is your cousin? And how does it feel to have a famous cousin?" nakakatangang tanong sayo ng host. Eto na kasi ang panglabindalawang talk show na in-attend-an mo pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ang mga tao kung talagang pinsan mo nga si Jay Chou. Ngumiti ka nalang at sinagot ang tanong nya.
"Yes he is my eldest cousin. He is 14 years older than me. It is really fun having a cousin like him because he is such a happy person. He treats me as his younger sister. We meet very often and visits me whenever he has time." magalang na sagot mo sa kanya. Last question na lang at maaari ka nang makauwi. Excited ka dahil everything is falling into place. Walang issue na ihahalintulad ang itsura mo sa ibang tao.
"I have here a picture of someone and tell me what do you think about the person you will see." Nagflash sa malaking screen sa likod mo ang isang nakapout na babae. Hindi mo siya kilala pero feeling mo sikat siya dahil biglang nagsigawan at nagtilian ang karamihan sa mga babaeng audience nyo.
Sinipat mong mabuti yung mukha na nasa screen.'Maganda siya pero mas maganda pa rin ako' sabi na lang ng isip mo. Inulit naman ng host ang sinabi nya kanina. Finagdagan nya ng description ang taong nakikita nyo ngayon. Ito raw ay singer, dancer at sikat na entertainer sa China at Korea. Sinabi pa ng host na idescribe mo daw kung ano ang nakikita mo sa kanya.
"Well, she looks adorable and squishy. I want to pinch her cheeks." sabi mo nalang dun sa host. Pinaparank nya sayo from 1 - 10 kung gaano siya kaganda. Agad mo namang sinabi na 9. Nine at hindi ten kasi para sa iyo, ikaw lang ang pwedeng bigyan ng perfect score. May sasabihin ka pa sana pero merong isang babaeng sumigaw kaya bigla kang natigilan.
"LU HAN IS PRETTIER THAN YOU, GIVE A TEN!"
Agad na nagpanting ang tenga mo at kumuyom ang mga kamao mo. Pinigilan mo ang sarili mo na wag magalit dahil nakakahiya at ayaw mong magkaroon ng gulo kapag pinatulan mo yung babae sa audience. Ngumiti ka at nagpasalamat sa mga nanood sa episode ng show na yun. Pagkatapos kang bigyan ng bouquet of flowers, nag-bow ka at umalis na agad sa lugar na yun.
♧♤♡◇
"I can't believe na ikinumpara ako ng isang audience sa isang rookie girl! It was just... Argh!! Fcksht Ma!! This is really unbelievable!!" maktol mo sa telepono habang kausap mo sa telopono ang iyong nanay. Nakasuot ka ng bluetooth headset dahil ikaw mismo ang nagdadrive ng iyong kotse kapag pupunta ka sa mga shows o iniimbitahan ka sa kung anong event. Hindi ka naman mapapahamak kahit wala kang driver o body guard dahil ang pamilya Chou ay nag-aral ng martial arts.
"Anak, huwag mo nang isipin yun. Ang mahalaga alam mo sa sarili mo na maganda ka. Iba-iba kasi ang klase ng ganda. Huwag mong bigyan ng malaking issue yung tungkol doon sa Lu Han na yun." sabi naman ng mabait mong nanay.
Ikaw naman hindi ka makapagpigil ng inis mo. Hindi mo pa rin matanggap na may nagsabing mas maganda pa sayo. At sa tuwing maiinis ka, lumalabas ang mga malulutong na mura sa bibig mo.
"Calm down Jin. Control your tantrums. Do not let your ego reach your head. I will see you after our cruise trip and long vacation. I love you." at saka in-end call na ng nanay mo. Ilang buwan na magbabakasyon ang parents mo sa kung saang mga bansa. Nalungkot ka sa fact na wala sila para icomfort ka.
Nakauwi ka na sa bahay mo dito sa China. Naglinis ka nang sarili mo bago humiga sa napakalaki mong kama. Wala kang masyadong gagawin ngayon dahil ang business ng pamilya nyo ay hinahandle ng close friend ng parents mo. Tapos na rin ang photoshoots sa modeling agencies nyo kung saan featured ang mga gawa mong damit na ikaw din ang nagmomodel.
Pagod na pagod ka. Pumikit ka at ipapahinga mo na sana yung sarili mo nang biglang nagflash yung picture ng Lu Han sa utak mo.
Kinuha mo agad yung laptop mo at binuksan ang mga accounts mo sa IG, twitter, facebook, weibo,at sarili mong website. Oo, meron kang lahat ng yun. Importante kasi na malan mo ang feedbacks ng tao sayo lalo na at sikat ka nga. As usual, yung mga feedback sayo ay magaganda. Meron din naman mga nakakairita pero keri mo lang dahil alam mong ganoon talaga pag sikat, may mga bashers at may anti's.
Pagkatapos mong tingnan lahat ng accounts mo. Dumiretso ka agad kay google. Tinype mo doon yung mga words na LU HAN BITCH GIRL. Yun ang itatawag mo sa kanya dahil bitch sya at nakikipagkumpetensya sya sa ganda mo. Tinignan mo yung wikipedia. Hindi mo na binasa yung iba dahil ini-scan lang ng mata mo yung word na Lu Han.
May nakita ka sa isang article na name nya tapos may nakalagay na 'currently promoting on Korea'. May light bulb na umilaw sa utak mo at napangiti ka. Since wala kang trabaho for few months, magbabakasyon ka. Haharapin mo ang kalaban mo sa kagandahan ngayon.
Saan ka magbabakasyon? Eh di kung nasaan si Lu Han.
Sa KOREA.
BINABASA MO ANG
Pretty Girl's Pretty Boy [ EXO-M LU HAN ]
FanfictionTo be very honest, HE IS PRETTIER THAN YOU....... EXO-Lu Han Short Story