Chapter 4

1.4K 38 7
                                        

Chapter 4

=Lian Pov=

Naging busy ako nitong mga nakaraang araw lalo na't may mga bagong nag invest sa company namin. Umaalis ako ng maaga at umuuwi ako ng hating gabi na minsan madaling araw pa nga. Ganyana ang ginagawa ko araw araw mas marami pa akong time sa office na nakatira kesa sa bahay ko.

Naging mabuti namana ang pagsasama namin ni Isvy, wala naman kaming naging problema wala din na namang naging problema sa bahay. Minsan ko nalang siya nakikita dahil narin siguro sa busy kaming pareho sa trabaho.

Akala ko magiging magulo ang pagsasama namin pero hindi pala dahil wala naman siyang ginawang bagay na kinakagalit ko. Masunuring asawa.

Nandito ako ngayon sa bahay dahil nag leave muna ako ng 2 araw, dahil bumabawi ako ng tulog dahil lately nga naging sobrang busy bilang isang CEO sa company namin. Si Daddy nadin ang nagsuggest na mag leave daw muna ako.

Pagtingin ko sa cellphone ko alas 9 na pala ng umaga kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. 

Pumunta ako sa kusina, pagdating ko dun ay may nakahanda nang pagkain. Umupo na ako sa upuan para magsimulang kumain nang may nagsalita.

"Gising kana pala. Kumain ka na. Pacensiya na kung yan lang ang naluto ko yan nalang kasi ang nakita kong groceries na natira sa cabinet. " -Si Isvy na naka apron pa.

Bakit nandito pa siya? Wala na siyang trabaho?

"Oh bakit ikaw ang nagluto saan si Manang Ester?"

"Ay nakalimutan ko palang sabihin sayo na nagleave si Manang Ester dahil binyag daw ng apo niya." -Isvy

"Ahh. Wala ka bang trabaho ngayon?"

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon