Chapter 7

1.1K 42 13
                                    

Dedicated to Miss leng_08. Thank you po sa pag add ng story ko sa reading list mo. Sana po magustuhan niyo po yung sinulat ko. 

=Isvy Pov=

Pagkagising ko ay may nararamdaman ankong mabigat sa katawan ko, at sino pa nga ba ang asawa ko lang naman na nakadantay ang binti nakapulupot ang kamay sa bewang ko. Lagi nalang akong nagigising na ganito ang ayos namin. Nung una naiilang pa ako pero ngayon nasanay na ko. Baka inisip niyo na  na may nangyari na sa amin nagkakamali kayo dahil wala pang nangyari samin. (an: sa totoo lang wala pa akong idea kung paano isususlat haha,. pero baka wala na, ang hirap eh haha.)

Dahan dahan kong tinanggal ang mga braso niya na nakakapulupot parin sa bewang ko para hindi siya magising. Pero gumalaw siya ulit at binalik ang pagkayakap niya sakin. Hindi muna ako gumalaw, pinagmasdan  ko muna siya na mahimbing na natutulog. Bakit kaya ang gwapo lalo ni Lian sa paningin ko o sadyang hibang lang talaga ako sa kanya.  Hinahaplos haplos ko ang buhok niya pati narin ang mukha niya. Nagulat ako gumuhit ang ngiti niya sa mukat at nagsalita.

"Enjoying the view honey?"

Si Lian at hinalikan ako sa labi. So kanina pa pala siya gising nakakahiya  baka isipin niya pinagnanasaan ko siya.

"Kanina ka pa gising?"

"Hmm yes honey hindi mo lang ako napansin busy ka kasi sa  gwapong view na nakikita mo." -Lian

"Ang yabang hindi no,"

"haha admit honey." -Lian

"Sige bangon na  at magluluto na ako ng breakfast natin."

"Mamaya na honey, maaga pa naman eh. Dito muna tayo." -Lian

"Ok. Pero babe tanggalin mo muna yang binti mo na nakadagan sakin ang bigat mo kaya."

"Haha sorry honey. May work ka ba ngayon?" -Lian

"Titingnan ko lang ang restau mamaya at uuwi na din ako or magkikita kami ni Tricia. Ikaw?"

"May meeting ako mamaya hon. Siguro magiging busy na ako this week." -Lian

"Ah. So get up na, may meeting ka pala eh. Maligo kana at maghahanda lang ako ng breakfast."

Bumangon na kami at inayos ko ang bedsheet at yumakap si Lian sa likod ko.

"Kilos na babe para hindi ka malate sa meeting mo."

"Hmm ang swerte ko talaga sayo hon. I love you." pinaharap niya ako at hinalikan sa noo at sa labi.

"I love you too babe. Sige na maligo kana, e hahanda ko na ang damit mo dito sa kama ha?"

"Okay hon thank you. Love you."at hinalikan niya ulit ako sa labi ng mabilis.

Bumaba na ako sa kusina at nagsimulang magluto, ham, hotdog at itlog ang niluto ko para madaling lutuin. Pagkatapos kung magluto inihanda ko na ito sa lamesa at sakto namang bumaba na si Lian suot suot ang hinanda kong damit sa kanya.

"Ang gwapo namn ng babe ko. Halika at aayusin ko yang necktie mo."

Lumapit siya at hinapit ako sa bewang  at hinalikan sa noo.

"Siyempre hon ikaw ang pumuli nito kay gwapo talaga ako." -Lian

"Haha. O yan na ayos na necktie mo, let's eat na."

"Thank you honey. Ok let's eat." -Lian

Nagsimula na kaming kumain. 

"Sino ba e meet mo babe?"

"Si Mr. Tan honey mag invest siya sa company natin.  Sana nga magustuhan niya proposal ko eh." -Lian

"Makukuha niyo yun hon. Ikaw pa ang galing galing mo kaya."

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon