=Isvy Pov=
Grabe walang paglagyan ang saya ko ngayon, sa loob nang ilang taon ngayon lang ako ganito ka saya. Mabait talaga ang Panginoon dahil pinaramdam niya sakin kung paano sumaya.
Nagbago na pala ang set-up namin sa bahay, wala nang rules na dapat kung sundin. At sa iisng kwarto na kami natutulog pinalipat na niya lahat ng mga gamit ko sa kwarto niya. Ayaw ko sana lumipat kasi niilang ako pero mapilit siya at tsaka daw mag-asawa daw kami kaya dapat lang daw sa iisang kwarto kami.
Nandito ako ngayon sa kitchen nagluluto ng breakfast namin since hindi pa dumating si Manang Ester.
Kumakanta kanta ako habang hinahalo-halo ang fried rice ng biglang may yumakap sa likod ko at alam ko na agad kung sino yun dahil sa pabango niya.
"Good morning Honey" -si Lian sabay kiss sa pisngi ko. At ako naman kinilig haha parang teenager lang.
"Good morning. Sige na pumwesto kana dun sa lamesa at ihahanda ko na tong breakfast natin.
"Mamaya na nag-eenjoy pa nga ako sa puwesto ko eh." -Lian
"Eh kasi po Mister hindi po ako makakilos ng maayos."
"Ok lang yan hon. Bakit hindi mo pala ako ginising?" -lian
"Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising."
Ang ganda kasi ng katabi ko kaya ang himbing ng tulog ko." Naka smile pang sabi ni Lian sakin.
"Sus ang aga aga nambola kana. Sige na dun kana sa table."
"Totoo naman ah na maganda ang Misis ko." -Lian
"Oona alam ko na yun hindi mo na kailangan ipaalala sakin."
"Ay biglang humagin haha." -Lian
"Ehh babe naman eh."
"Babe?" -Lian
Hala bakit ko nasabi yun?
"Ah e wala. Sige na dun kana."
"Oy narinig ko yun sabi mo pa nga eh. "Ehhh Babe naman eh" At ginaya niya pa ang tono ng boses ko at kung paano ko yun sinabi.
"Narinig mo naman pala."
"Say it again hon I wanna hear it." -Lian
"Ayoko nga."
"Sige na please." -Lian
"Hay sige na nga, pasalamat ka mahala kita."
"I love you hon." -Lian
"I love you too babe." Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya at pinaharap niya ako at hinalikan sa labi.
"Kain na tayo baka lumamig pa tong niluto ko."
"Sige. Umupo ka nalang hon at ako nalang ang mag set-up sa pagkain natin since ikaw naman ang nagluto." -Lian
"Okay lang babe ako nalang ang magdala nitong ulam at ikaw ang sa kanin."
Pagkatapos ma set-up ang pagkain sa table ay nagsimula na kaming kumain.
"Hon kailan pala babalik si Manang Ester?" -Lian
"Sa next week pa ata babe or next day."
"Gusto mo kukuha muna tayo nang cook?" -Lian
"Ha? Bakit ayaw mo naba sa luto ko?"
"No hon it's not what you think. Ang sakin lang eh baka mahirapan ka kasi gumusing ka ng maaga para magluto at tsaka may work ka pa. Ayaw ko naman na mahirapan ka kaya gusto mo kumuha muna tayo hanggang wala pa si Manang." -Lian
![](https://img.wattpad.com/cover/14234206-288-k766823.jpg)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
Fiksi PenggemarHello po! Nagbabalik po ako sa pagsulat haha. Hope you like my second story. Ashrald Fanfic parin po. Thank you!! Hello po! Pangalawang gawa ko na po ito, ang una ko pong gawa ay A Girl Like You Ashrald Fanfic Completed hahaha promote lang. Ang st...