Hindi lahat ng storya laging happy ending. Hindi ito isang fairytale. Pwede kang mangarap. Pwede kang umasa. Pero ihanda mo ang mata mo para sa napakaraming luha.
—
Ito na talaga yon. Sasabihin ko na. Hindi ko na din naman kaya eh. Para na akong sasabog sa tuwing kasama ko siya. Ngayon lang ako tinamaan ng ganito! At, ngayon ko lang gagawin 'to. Kaya mo yan Ally. Kayang kaya!
"I-I like you Tyler!" Sabi ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad niya. Humarap ito sakin at saka tinitigan ako mata sa mata. Wag kang iiwas Ally. Nasabi mo na eh. Panindigan mo yan!
"Anong sabi mo? Gusto mo ako?" Paulit ulit? Unli? -.-
"Oo nga!" Nilapitan niya ako.
"Sorry." Napatigil naman ako sa sinabi niya. Wag niyang sabihing irereject niya ako katulad nung ginawa niya dun sa Nicky? Oh my god! Dapat pala di ko na lang sinabi.
"Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo Ally, sorry." Dun na nagsimulang tumulo ang luha ko.
"K-kaibigan lang? Pero bakit ang sweet sweet mo sakin? Bakit lagi mo akong pinagtatanggol? Bakit? Ano yon? Wala lang ba yon sayo?" Out of nowhere kong tanong sa kanya. Muntik na niyang makuha ang first kiss ko kanina! He is so sweet, everytime! Tapos kaibigan lang? THE HELL, KAIBIGAN LANG??
"Ally, masyado lang akong naging friendly sayo nun. I'm really sorry Ally. But I don't love you. Para sakin, kaibigan ka lang."
Para sakin, kaibigan ka lang.
Para sakin, kaibigan ka lang.
Para sakin, kaibigan ka lang.
Para sakin, kaibigan ka lang.
Parang sirang plakang nagpaplay ito sa utak ko. Bakit nga ba kasi ako umamin? Eh alam ko din namang masasaktan lang din ako. Nilunok ko lahat ng pride ko para lang gawin 'to! Sa pag-aakala kong may pag-asa ako sa kanya, na mahal niya ako. Edi sana hindi na lang siya nagbigay ng motibo na gusto niya ako kase masakit! Nag-expect ka pero nauwi sa wala! Tanga ko din eh!
"Tyler!!!! Nag-expect ako! Nag-expect akong gusto mo ko! Sana hindi ka na lang naging sweet at friendly sakin!!! Edi sana, wala ako sa posisyong 'to, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito! Umasa ako! Umasa lang ako sa wala!!!!" Humahagulgol ako sa pag-iyak. Hindi ko na kaya eh. Ang sakit sakit eh!
"Ally, sorry--"
"Wala ka bang ibang alam na sabihin kundi sorry? Aanhin ko pa yang sorry mo eh nasasaktan na ako? Sorry kase hindi mo ko mahal? Kase kahit na ang sweet sweet mo sakin, KAIBIGAN ko lang ako!!"
"Makinig ka muna Ally hi---"
"Siguro nagpakasweet ka din kay Nicky kaya ka niya nagustuhan ano? Muntik mo na ba siyang mahalikan non ha? Ganun ba yon?" Gusto ko siyang sumbatan. Lahat lahat!
"Alam mo Tyler, malandi ka din. MALANDI KA TY---"
"THE HELL ALLY?!! MAKINIG KA MUNA SAKIN!! Ayokong saktan ka kaya sinasabi ko yung totoo. Ano yon? Magpapakatanga ako tapos sasabihin ko sayong mahal din kita eh kasinungalingan lang naman yon! Ilang beses ng may umamin sakin. Pareparehas lang din kayong madadrama!" Sinamapal ko siya ng malakas. Nagawa pa niya kaming sumbatan ganon?
"Hindi mo alam! Hindi mo alam kung gaano kami naghanda para masabi yung totoong nararamdaman namin! Nilunok ko yung pride ko. Pati na din yung ibang babaeng umamin sayo! Pinaghandaan ko yung araw na 'to! Bakit ka ba ganyan makapagsalita ha? Diba ikaw din ang may kasalanan nun? Ha?"
"PAANO KO NAGING KASALANAN YUN ALLY?"
"KASE NILANDI MO KAMI! KAYA NA'INLOVE' TULOY KAMI SAYO! TAPOS TATANUNGIN MO AKO KUNG BAKIT MO NAGING KASALANAN YUN?" Sarkastikong sabi ko. Wala eh, di ko talaga kinaya kaya lumabas na lahat ng sama ng loob ko!
"I'm really sorry Ally. I'm sor--"
"OO NA!!! OO NA!!! Alam ko na! Oo na! Oo na!!! Ang saket Tyler! Ang saket!!!" Napaluhod ako at hinayaang lumabas lahat ng luha ko. Shet! Ang sakit talaga. Ngayon na nga lang ako nainlove, masasaktan pa ako!
"Tama na Ally. Alam kong makakahanap ka din ng tamang lalaki para sayo. At alam nating hindi ako yon." Patuloy padin sa pagtulo ang luha ko. Sana hindi na lang sya nagsalita ulit. Tagos na tagos eh.
Tumayo ako at naglakad papalayo. Biglang bumuhos naman ngayon ang malakas na ulan. "Ally!" Rinig kong sabi ni Tyler. Napahinto ako. Tinaas ang kanang kamay ko. "Ayoko na Tyler. Nasaktan na ako. Tama na yun. Sapat na yung mga narinig ko. Bye." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Masakit para sakin ang lahat ng mga nangyari. Sobrang kong minahal si Tyler! Sagad sagad eh! Tapos, masasaktan lang din pala ako! Damn it!
Sa bawat pagpatak ng luha ko, kasabay nun ang pagpatak ng ulan mula sa langit. Pati pala ang panahon nakikiramay sa pagdadamdam ko ngayon. Isa lang naman ang malalapitan ko eh, ang bestfriend ko.
Tyler Wu, My first Love, My first Heartbreak.
->>
Lame prologue. -.-"
BINABASA MO ANG
My First Love, My First Heartbreak
أدب المراهقينSiya ang first love ko, pero siya din pala ang wawasak ng puso ko.