Allison's
"Mga friends! Ang sakit sakit!" Kasalukuyang umiiyak or also known as nagdadrama si April nang dahil sa boyfriend niyang si Matthew. -____- Sinabihan na namin yan. Pero wala. Ayaw magpaawat. Ayan nasaktan, umiyak. Pag-ibig nga naman. Kaya ayoko niyan eh. Tss. -_____-
"Kasi.. Ang kulit kulit mo! Sinabihan ka na namin tungkol jan pero ang kulit mo talaga!" Sabi ko. Totoo naman eh. -____-
"Ano ba friend? Umiiyak na nga yung bestfriend natin, nagagawa mo pang pagalitan si April? Kung sa bagay di mo kasi naiintindihan. Kase, di. ka. pa. nag. ma. ma. hal!!!" Sarcastic na sabi ni Tiffany sakin. Tss. Wala akong pakielam. Sadyang ayoko lang ng ganyan.
"Kasi po, ayokong nagmamahal. Tingnan mo nga? Tingnan mo si April, umiiyak ng dahil sa bwiset na pag-ibig na yan! Kaya wag mo kong pagsasabihan jan!" Sabi ko sa kanila habang nakataas ang kilay. Ilang beses ko ng pinapaliwanag sa kanila ang tungkol sa pag-ibig na yan! Kesho masarap daw mainlove, kesho kahit masaktan, Achuchuchu. -____-
"Whatever! Alam mo Allison, maganda ka sana e. Warfreak ka lang at hindi naniniwala sa love!!!" Paarte na sabi sakin ni Tiffany habang pinapatahan si April. Tss. Iyakin. -___-
"Ewan ko sa inyo!! Ang hina niyo! Teka! Nasan na ba yang Matthew na yan at tuturuan ko ng leksyon yung kumag na yon!!" Tatayo na sana ako pero bigla akong pinigilan ni April. Lemma neto?
"Ally, wag! Please!" Tinanggal ko agad yung pagkakahawak niya sakin.
"Hindi ako papayag na paiyakin ka lang ng kahit sino nuh! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, tuturuan ko ng leksyon yun." At tumakbo na lang ako bigla. Tinatawag pa nila ako pero di ko sila pinapansin. Humanda ka sakin Matthew. Ipapatikim ko sayo ang lasa ng impyerno dahil ginawa mo sa bestfriend kong kumag ka.
Nagpunta ako sa tapat ng cr ng boys dahil dun lang naman lagi ang tambayan ng mga kumag na yon. Naaninag ko na ang mukha niya kaya nanggalaiti nanaman ang bones ko sa galit.
"Sino si Matthew sa inyo??" Sigaw ko sa kanila kahit malapit ako sa kanila.
"Ako bakit? Diba ikaw yung kaibigan ni April? Nandito ka ba para ipagtanggol ang kaibigan mo ha-- AWWWWW!" Isang malakas na suntok sa mukha at isang sipa sa tyan lang naman ang inabot niya. Hindi pa ako nakuntento at pati ang pinakaiingatan niyang parte ay sinipa ko. Ngawa siya eh.
"Kulang pa yan sa mga pinaggagawa mo kay April. Kayo? Baka gusto niyong maranasan ang nararanasan ng kaibigan niyo?" Sabi ko sa mga kumag niyang kaibigan. Natakot sila kaya napaurong na lang sila. Mga duwag pala sila eh! Girl vs. Boyssss??? Ang dami dami nila eh. -_____-
"Geh goodbye!!!" Sabi ko. Malambing yung pagkakasabi ko. Ginagamit ko ang charm ko sa mga kaaway at hindi ko gagamitin ang charm ko all-the-time nuh! Di ako malandi! Tss. -____-
Habang naglalakad di ko pa din maiwasang hindi manggalaiti sa galit. Nakakainis naman kasi yung kumag na yon eh. Eto namang April na 'to ano bang nagustuhan sa Matthew na yun eh alam naman niyang playboy yun. Pero hindi pa din nagpatinag. Sige pa din. Pag-ibig ang naman. Kaya ayoko niya eh. Over my dead body!!! Hinding hindi ako maiinlove.
Habang naglalakad ako, iniisip ko pa din kung paano ko napabagsak si Matthew. Akala niya huh? Kayang kaya ko siya. BWAHAHAHA.
"OUCH!!!" Sabi ko. Bwiset ang sakit. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa bwiset na bumangga sakin. Nakoo.. Matitikman mo ang naranasan ni Matthew sa mga kamay ko! Hindi man lang tumitingin sa dinadaanan. >:/
"Sorry miss." Sabi niya habang tinutulungan akong tumayo. Pero infairness ha? Ang hot ng boses niya. Parang familiar. Pero hindi ako maiinlove. Itaga niyo sa bato. Never!!!! Tapos ang bango niya ha?? Hay nakooo. Sinabi ng di ako naaattract eh! Pero ang hot promise! AAAAAHHHH!!! EWAN.
"Hindi ka man lang kasi tumitingin sa dinadaanan mo!!!" Nakayuko pa din ako dahil pinapagpag ko yung palda ko. Nakakainis.
Tumingala ako para makita kung sino yung bwiset na nakabangga sakin.
"IKAW??" Sabay naming sabi.. Grabe. Siya na ba talaga yan??
--
Short update!!! ^_______^
BINABASA MO ANG
My First Love, My First Heartbreak
Ficção AdolescenteSiya ang first love ko, pero siya din pala ang wawasak ng puso ko.