chapter 10

10 0 0
                                    

"Chapter ten"



Tahimik lang kong pinagmamasdan ang kanyang paa hahahaha

"ang liit pala ng paa mo ta ?" Wow ngayon ko lang na realize

"Hmm inferness ah ! Ang ganda ng pag kaka makeup sayo ta, Bongga Para kang reyna !" At bahagyang na pahigikgik

"Grabe ta ? Wala kana palang tagalang kamag anak ? Sayang sayo na putol yung lahi nyo ! Walang trill *pout*" hala nababaliw na yata ako

Pero promise ang ganda ng make up nya hihihi

"Pero okey lang yun ta ! Atleast na ka tipid tayo sa biscuit at kape mo ! H-ha ha *couch* *couch*" tapatigil ako sa pag tawa ng nasamid ako sa lamay ko

Sorry na ta ! Nag jojoke lang naman ako eh

"Tita naman eh bat kase iniwan moko agad sana naman sinama mo na ko diba para happy family na tayo" bigla naman humangin ng malakas .

"Hehe joke lang po hindi ka mabiro"

Bigla naman ako na lungkot ng maalala ko yung pag uusap namin ni tita bago sya maaksidente

Flash back

Tahimik lang kami kumain ng almusal ng mag salita si tita

"Natalie, saan mo gusto pumunta?"bigla naman ako na patingin sa kanya hmmm san nga ba ??

"Bilisan mo ngang mag isip kutusan kita eh !" Hala sya ! Ang hard talaga saken ni tita huhuhu

"Ang hard mo ta grabe huhuhu"

"Tsk saan nga gusto mo pumunta ?? Alis tayo ngayon ! Punta tayong Baguio !" Ngek nag tanong pa sya din naman pala pipili *pout*

"Hindi ako pwede ngayon ta, may pasok ngayon eh " huhu nakakainis ang dami kaseng test at quizzes at reporting ngayon eh !

"Nako umabsent ka muna ngayon bahala ka, hindi naman natin masasabi maikli lang ang buhay mamaya mamatay na ako o kaya bukas ! " nako hindi ka pa mamatay ta ang lakas mo pa nakakabatok ka panga ng malakas saken eh ! Gusto ko sana isagot kaso lang baka icombo ako bigla ni tita

"Nako ta wag muna wala tayong ipapakain sa bisita na biscuits at kape kawawa naman sila ! Hahaha" at malakas na tumawa !!

"Che! Combohin kita makita mo !!" Nge? Sabi na eh cocombohin nya ko eh

End of flash back

Dapat pala pumayag na ko siguro hindi to nangyare baka kasama ko paren si tita 

*ding dong*

Napatingil ako sa pag iisip ng may nag door bell? akala ko sira na door bell namen ?

Nagtataka kong tinungo ang gate namin at binuksan ito ng bahagya

"Sino po sila??"

"Ah nandyan ba si jinx jackson??" Wow ang ganda nya naman !! Parang manika, kaso lang mali yung sagot nya

"Hehehe ulitin ko po ang tanong, sino po sila ??" Muling tanong ko pero nag alangan pa tong sumagot pero sumagot din

" im Charlie bestfriend nya ko "at ngumiti ng malapad " ikaw sino ka ??"

"Ah pamangkin nya po ako. Natalie Sofia po "

"Ah nandyan ba sya ??"

"Opo nasa sala po sya "

"Talaga pwedeng pumasok ??" Ngek?? Eh nakapasok na nga sya ?

"Hehehe sige po pero natutulog po sya ?"

"Pwedeng gisingin mo ??plsss" hala pano ko higisingin si tita eh patay na yun ??

"Ahh hehehe natutulog po kase si tita sa kabaong sa may sala !" At ngumiti ako pero yung mukha nya parang hindi mawari !

"W-what?? A-anong kabaong?? Baliw kang bata ka !" Singhal nito saken ! Hala na baliw pa ko?

"Totoo po natutulog sya sa kabaong sa may sala puntahan nyo po !! Kayo na po ang bahala gumising sa kanya "kung magigising nyo po ! Gusto ko sanang idugtong kaso baka kombuhin nya din ako ! Best friend pa naman sila !  agad naman syang naglakad papasok sa bahay

"H-hindi "at lumuhod pa ito sa harapan ng kabaong ni tita at humugulgol

Hinayaan ko lang ito umiiyak hanggang mahimasmasan na sya

Inabutan ko sya ng isang baso ng tubig , titanggap naman nya ito agad " salamat iha" ngumiti lang ako sa kanya

"Hmm matagal na siguro kayo mag kabigan ni tita no??"

"Yeah , actually lima kame " mahinang sagot nito saken

"Hmm pwede po bang mag kwento kayo tungkol sa inyong magkakaibigan ??" Tumingin lang ito saken at bahagyang ngumiti na parang may naalala

"Alam mo ba --"

"Hindi ko pa po alam" mahina naman sya na tawa saken ! Ngek

"So yun nga nagsimula kame bilang mag kakaaway " nakangiting pahayag nito ! What ?!

"Hahaha na alala ko panon na nagsisiraan pa kame dahil lang sa isang lalake , para kaming mga baliw no?"tumingin lang ako sakanya

Malay ko ba wala naman ako doon eh

"Pero hindi nagtagal naging magkakaibigan kami hahaha para kaming mga buang noon dahil wala naman kaseng pinili samen tapos nag away away pa kami"mahina lang itong tumawa

" pero nag bago lahat yun ng may mga dumating na transferee sa school namin apat na lalaking magkakaibigan kaso masyadong mapaglaro ang tadhana dahil iidang lalaki lang ang minahal namin ng tita mo" ang lungkot naman pala ng love story ni tita wait? Wala naman syang love story kase wala naman syang naging jowa ah?

"Napaka bait ng tita mo dahil nagparaya sya para saken" at umiyak na sya

"Sabi ni tita hindi nya daw kailangan ng lalake sa buhay nya dahil sapat na sakan nyang makitang masaya ang mga kaibigan nyang masaya"dahan dahan akong naglakad sa kabaong ni tita . walang trip ko lang hehe

" sabi nya sapat na daw ako sakan nya "bigla na lang tumulo ang mga luha ko ewan ko kung bakit ang bigat bigat ng dibdib ko

"Kahit wala na akong magulang okey lang nandyan naman si tita sapat na saken yun, sya nag palaki saken mula ng mamatay ang magulang ko kaya mahal na mahal ko sya dahil hindi nya ko pinabayaan"

"Kaya walang makakapalit sa kanya sa puso ko kahit lagi nya akong kinocombo*pout*"

"Tita paki sabi kila papa at mama wag nila akong dalawin plsss mahal ko din sila onti lang hehehe" bigla naman natawa si miss charlie

Lah ?nabaliw na yata sya

"Alam mo iha nakakatawa ka" nge? Hindi naman ako nag papatawa eh

"Hindi naman po ako clown at hindi di. Po ako nagpapatawa" pero ngumiti lang sya

"Ah sige alis nako" sabi nito kaya hinatid ko sya hangang gate lang .

"Hey tita ? Totoo bang kaibigan mo yun??" Tanong ko kay tita baka sakaling magising eh malay mo, malay ko malaysia hehehe

my chubby boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon