"Chapter twelve"
Natalie P.O.V
"Natalie?" Tawag saken ni tita charlie pero hindi ako tumingin sa kanya
"Okey lang ba sayo yun?"hindi ako sumagot
Hindi okey yun ayokong umalis sa bahay namin ni tita mamaya pasukin ng magnanakaw to tapos wala ako dito edi walang tatawag ng pulis
Syempre kapag walang pulis walang huhuli sa magnanakaw at kapag walang huhuli makukuha lahat ng gamit namain kaya ayoko
" hindi po"sagot ko at tumingin sa mga mata nya
"Bakit?"
"Ayoko pong iwan ang bahay namin ni tita" hindi kaya gusto nyang kunin saken ang bahay ni tita
Sabi na eh budol budol gang sila ehhh
"Hindi mo makukuha saken ang bahay namin ng tita ko dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko" matapang na sabi ko at tumayo sa harapan nya. Pero kapag bangkay na ko makukuha nya pano yun?
"Wait mali pala ! Take two tita charlie!" Sigaw ko
"O-okey?" Nagaalinlangan sabi nito
"Natalie, gusto sana namin na doon ka nalang tumira sa bahay namin, dahil ikaw na lang mag isa dito titira sa bahay nyo at sa panahon ngayon delikado na magisa ka lang lalo na at babae ka"
"Hindi ako sasama at hindi nyo makukuha ang bahay namin dahil nakakabit ito sa lupa at mahihitlrapan lang kayo kaya sumuko na kayo" taas noong sabi ko , aha akala nila ah! Hindi nila ako maiisahan
Aba baka gusto nyang ipamulto ko sya kay tita para makombo sya nun at para hindi nya makuha ang bahay namin ng tuluyan
"Wait? anong-"
"Sige maghihintay ako" sabi ko bigla nya naman na hampas ang noo nya
Lah? Wala namang lamok dito ah ?
"Natalie,makinig kang mabuti hindi namin kukunin bahay nyo okey ?" Tumango lang ako
Hehe hindi naman pala nila kukunin pero bakit nila ako isasama?
"Eh kung ganon bakit nyo ko isasama?" Bigla naman na lukot ang mukha nipang mag asawa
Eh?sinaniban ba sila?
'Hindi kaya sinaniban sila?'
Bigla nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip koPosible yun ! Tama baka sumanib si tita sakanila
Dahan dahan kong itinaas ang dalawang kamay ko sa ulo nila at dahan dahan ipinikit ang mga mata ko, sana umipektib
"Oh tita ! Kung nandyan kaman sa katawan nila! Wushh wushh alis alis iwan mo sila at sakin ka sumanib este sa iba ka sumanib oh--*pak*" napatigil ako sa pag sasalita ng bigla nilang tabigin ang kamay ko
"Aray" mahinang naing ko
"Juskong bata ka. Kung ano ano na lang pumapasok sa isip mo tinatanong ka lang namin "at mahinang napabuntong hininga na lang ito