Chapter 1

1 1 0
                                    

The wedding.

Masaya ang araw na ito para sa mag-kabiyak na Alexier Montelibano at Lilac Dela Rosa.

A simple wedding but a full essence of love.

Sa isang lumang simbahan sa maynila ito ginanap.Kumpleto ang mga angkan ng bawat pamilya ng mga ikakasal.

Lahat ng mga ito ay saksi sa pagmamahalan ng dalawang taong kapwa nag iibigan sa matagal na panahon.

Walang pagsidlan ang ngiti ng babae ng sabihin niya ang katagang'i do'sa lalaking minamahal niya.

Ngunit,

'Itigil ang kasal!!'

Lahat sila ay napalinga sa kinaroroonan ng boses na siyang nagpahinto sa seremonya ng pari.

'Hindi ka maaring magpakasal alex!buntis ako!!'lahat ay tila natigagal sa sinabi ng babaeng ito.

Kasunod nito ang mga balisang ugong mula sa mga taong naroon sa simbahan.

Nanlalambot ang tuhod ni Lilac sa narinig mula sa kadarating na panahuing pandangal ng kanilang kasal.

Kasal na hindi na matutuloy pa.

Walang boses na mailabas ang lalaking kaniyang katabi.Samantalang siya ay parang pinagbagsakan ng malaking tipak ng bato sa kaniyang dibdib.

'Lilac,please let me explain.'mahinahong sabi nito sa kaniya.May kasiguraduhan siya sa kaniyang nararamdaman.

Talagang hindi na matutuloy ang kasal na pinapangarap ng babaeng katulad niya.

'Makinig ka sa akin lilac.Kahit anong magyari ikaw pa rin ang mahal ko.Hindi kita-'naputol ang sinasabi nito ng marinig niya mismo sa babae ang dahilan para ito manghimasok sa araw na pinakahihintay niya.

'B-buntis ako!buntis ako alex!at alam mong ikaw ang ama!'

Doon na nagsimulang mangilid ang mga luha niya.

Mga luhang hindi niya inaasahang dapat ay dahil sa kasiyahan ngunit sa kasawian natuloy.

'P-please..lilac let me explain,mahal na mahal kita at-'hindi na niya pinatapos pa ang dapat sana ay magiging kabiyak niya sa panghabang buhay ng malutong na sampal ang siyang sumambulat dito.

'Ano pang silbi ng lahat alexier!the wedding that we waited for so long is over!'saka siya umalis sa harapan ng nakararami subalit napahinto siya sa harap ng babaeng nagwasak ng kaniyang inaasam asam na araw.

Isang sampal din ang inabot nito mula sa kaniyang mga palad.

Ngunit kung tutuusin ay kulang pa.Kulang pa sa lahat ng ginawa niya.

Nawala na ang lalaking minamahal niya.Nagmukha pa siyang kaawa-awa sa mata ng madla at maging sa pamilya niya.

Ano pa nga ba ang dahilan kung ipaglalaban niya pa ang isang taong may nakaatang na responsibilidad sa isang bata sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Ayaw niyang mawalan ito ng mga magulang o pamilya.Katulad niyang isang ulila na kinupkop lamang ng siyang tumatayong pamilya sa kaniya ngayon.

Alam niya ang sakit at paghihirap na lumaking walang kinagisnang pamilya.

'Sayo na ang lalaking akala ko ay bubuo ng dapat sanang pamilyang pinapangarap ko.Ingatan mo siya at yang batang dinadala mo.Maging masaya sana kayo.'lumuluha siyang tumakbo habang sapol sa mga kamay ang kabigatang wedding dress na suot suot.

Pumasok muli sa alala ni louise ang araw na iyon.Hawak niya kasi ang magasin na nakuha sa tukador ng home office ng asawa niya.

Nasa pabalat ng pahina ang modelong iyon.Ang taong nakitaan niya ng paghihirap sa araw mismo ng kaniyang kasal.Lilac Dela Rosa.

Sikat siya sa loob at maging sa karatig bansa.No wonder na mahuhulog ang kahit sino sa kaniyang mapang-akit na mga mukha.Bonus na ang kaniyang kurbadang hubog ng katawan.

Maraming magasin ang siyang nakaimbak mula roon sa kabinet na nilinisan niya.Halatang hindi pa rin makalimot ang asawa niya sa babaeng sobrang minahal niya.

'Mam louise,gising na po si xander.'ang katulong nilang si mia.

Isang taon na simula ng maganap iyon.Simula ng husgahan siya ng nakararami.Simula ng iwan siya ng mga taong kasa kasama niya sa lahat ng bagay.

Nang malaman ng ama niya na nagdadalang tao siya ay walang pasubaling nakatikim siya ng malutong na sampal mula rito.

Nasa yugto na magtatapos siya ng kaniyang pag aaral sa kolehiyo ng malaman ito.Gusto ng ama niyang iharap ang lalaking kumuha ng pagkabirhen niya ngunit hindi niya ito magawa.

Paano niya maihaharap ang lalaking hindi naman siya makuhang pagtapunan ng tingin man lang.

Oo,dalawang taon mula ng una niyang makilala si Alexier Montelibano sa kanilang skwelahan.3rd year siya noon samantalang graduating na si Alexier sa kolehiyo.

Kilalang kilala niya ito dahil sa unang pagkakataon ay na'love at first sight' siya ng makita ito mula sa labas ng kanilang silid.

Kausap ang babaeng napapabalitang kaniyang kasintahan.

Nangarap na lamang siya bilang isang lihim na taga hanga sa una.Pero lumalim ito ng may pagkakataong sila ay nagkakilala.

Hindi man ganoon kalalim ang kanilang pagkakakilala.Para sa kaniya isa na iyong labis na kasiyahan kung maituturing.

Mabait at matalino ang una niyang pagkakakilala kay Alexier.

Simple lamang ito kung manamit.Walang arte sa katawan sa kabila ng natatanging yaman ng kanilang pamilya.

Ganoon niya isa-larawan ang lalaking minamahal niya noon.

Sadyang malaki ang ipinagbago nito. Simula ng panagutan ang anak na kaniyang naging dahilan para matali sa lalaking kaniyang minamahal kahit na ang kapalit ay isinusuka na siya nito.


Itutuloy...

Love Over The Million PainWhere stories live. Discover now