Chapter 1

20 0 0
                                    

Brizza's P.O.V.

Uuwi na sana ako galing sa last class ko nang biglang may sumigaw sa akin.

"Oyy!!" Sigaw sa akin ng bestfriend kong si Anicka. "Diba, may laban ngayon ang mga varsity?" ani nito at agad naman kaming pumunta sa gymnasium na kasalukuyan ngang nag lalaro ang mga ito.

Umupo kami sa may gilid para hindi kami tamaan ng bola, basketball kasi ang nilalaro nila.

"Wooooooo!!! Go! #14!!" pagsisigaw ni Anicka. Tinignan ko kung sinong chini-cheer ni nito at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Brayn, ang kaibigan ko. Naipakilala ko na sya kay Anicka , at sya ang nag susuot ng number 14 na jersey.

"Oy, Anicka okey ka lang? Si Brayn yan," pag lilinaw ko sa kanya. Baka kase malabo lang mata nya kaya akala nya ibang tao.

"Alam ko" sagot naman nito at patuloy parin sa pag cheer.

Hayyst, boring hindi naman ako mahilig sa basketball, at pagod na rin ako kaya niyaya ko na si Anicka na umuwi.

Palabas na sana kami ng campus nang biglang may humawak sa balikat ko na nanggaling sa likod, gulat na gulat ako kaya nasampal ko yun kasabay nang pag harap ko.
"Ouch!!"
Laking gulat ko nang tumambad sa amin ang namumulang pisngi ni Brayn.

"S-Sorry, Brayn ikaw pala. Bakit ka kasi nang gugulat?!" Pag didipensang sagot ko.

"Ahh sorry din kung nagulat ko kayo, iimbitahin ko lang sana kayo.
Alam mo na, kailangan din ng konting kasiyahan.. lalo na pag panalo" pag mamayabang pa nito.

"Whatt!!, winner kayo?! Congrats!" Pag singit naman ni Anicka.

Hayy ito talagang babaeng to, ang hilig sumingit sa usapan ng may usapan.

"Ano punta kayo huh?" Tanong ni brayn

"N-N--" sasagot na sana ako nang 'no' ngunit eto nanaman pinigilan nanaman ako mag salita nang bruha.

"Yes, pupunta kami, san ba ang event?" Pag tatanong nito.

"Ah, haha" tumatawa naman ito habang naguguluhan sa sinagot namin "Sa Shots spot ng 7 pm"
Matapos nyang sabihin yun ay naglakad na sya ng nakaharap sa amin, nakangiti ito at kumakaway na para sa pag papaalam "asahan ko kayo hah!" Sigaw pa nito.

Matapos nun ay umuwi na nga kami.
Pag uwi ko aakayat na sana ako nang kwarto ko nang bigla akong tanungin ni daddy " Oh, bat ngayon ka lang?"

"Ahh, nanuod pa po kase kami ni Anicka ng basketball nila Brayn"

Kilala ni Daddy si Brayn dahil kilala naman ni daddy lahat nang kaibigan ko.

Pag hakbang ko nang hagdan naalala ko na susunod pala kami kila Brayn so gagabihin pala kami ni Anicka. Napakagat labi ako at humarap ulit kay Daddy at tita na nakaupo sa sofa at nanonood ng t.v.
" A-ahh, daddy gagabihin pala ako" nahihiyang sabi ko.

Kumunot ang noo ni Daddy na parang nag tataka

"Susunod po kasi kami kila Brayn, inimbita nya po kasi kami ni Anicka kanina, if its okey to you daddy?"

Umaliwalas na ang mukha ni daddy at sinabeng "Sige, pero wag mag iinom hah? Ganon din si Anicka. Sabay kayong uuwi, at text mo nalang ako pag uuwi na kayo " pag papaalala din nito.

"Opo, thankyou daddy and tita, i love you." Natutuwang sabi ko

Umakyat nako sa kwarto ko para mag hanap nang masusuot, pag pasok ko sa kwarto ko ay binaba ko ang bag ko sa kama at agad nang nag hanap ng masusuot.
Ano kayang susuoutin ko? Anong klaseng celebration ba yun?
Umupo muna ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko.
5:30 na pala konting oras nalang ay pupunta na kami dun,at naalala ko kung saan ang event "shot spot".
Hmmmm.. muli akong nag ka idea kung anong klaseng celebration yun,
Base sa pangalan ng venue "shot at spot" hindi kaya sa bar yun??
Binalik ko na ang cellphone ko sa loob ng bag ko at bumalik na sa pag hahanap nang damit.

The Missing KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon