chapter 2

14 0 0
                                    

Mock interview

Maaga akong nagising dahil may gaganaping mock interview sa school.
8 pa ang pasok namin pero 6 ako gumising sinasama kasi ako ni anicka sa school para tulungan sya mag facilitate ng program, sya kase ang president ng english club.

Nag hahanap pa lamang ako ng damit nang biglang may kumatok sa pinto.

"Sino yan" sigaw ko habang tuloy parin sa pag hahanap nang damit.

"Bubuksan o sisirain ko door knob mo"sagot naman nito.

"Hayyst, bakit ba ang aga mo" tanong ko sa kanya kasabay ng pag bukas ko nang pinto. Alam ko naman kasing si anicka lang yun,

Naka bihis na ito at mukhang ako nalang hinihintay.

"Pakibilis" sabi nito na tinatamad at papunta sa kama, umupo ito at binagsak ang katawan duon.

Matapos kong mag ayos kumain muna kami saglit bago pumunta sa school.

Medyo malapit lang ang school kaya mabilis lang kami naka punta dun.

Pag punta namin dun, abala ang lahat sa pag aayos ng upuan apat na upuan sa bawat sulok ng room isa para sa mag iinterview at tatlong mag kakatabi naman para sa mga students na iinterviewin.

Nag aayos ako nang mga upuan samantalang si anicka naman ang nag p-print ng mga tanong
Ng mag iinterview saamin.

Kasali parin ako sa iinterviewin ang nga excemted lang ay ang mga officer ng english club.

Mag ka iba kasi kami nang club na sinalihan mas gusto ko ang science club.

Nang matapos na kami ay panandalian na muna kaming umuwi,
Naligo ulit ako, kasi medyo malagkit na ang mga balat ko at amoy pawis nadin ako, naka handa nadin ang polo kong white slacks na black at coat.

mukha akong abogado pero sa totoo lang criminology ang gusto kong course pinag journalist lang ako nang daddy ko kasi daw masyadong delikado ang pag pupulis,
at dahil mock interview lang naman ito at ang mahalaga lang ay maipasa ko ito,nag apply muna ako bilang police officer.

Nasa school na kami at marami na ding tao, may mga nag aayusan pa nang damit at mga nag reretouch.

ayoko sanang mag make up dahil hindi bagay sa aapplyan ko, ang pag pupulis,
pero pinilit lang ako ni anicka na mag make up. Nilagyan nya ko nang primer liquid foundation face powder lips stick eye liner at mascara.

Para daw matakot sa mata ko ang mag iinterview sakin.
Nginitian ako ni anicka dahil na pansin nya ata na kinakabahan ako.

"Kaya mo yan, briz, madali lang naman yung mga tanong e,
inhale ~ exhale~" pag papakalma nito sakin.

Limang minuto nalang ako na ang tatawagin at kailangan kong galingan dahil sabi nila sapawan daw yun, yung kunyareng tatlo kayong iniinterview at nasabi nya na yung sasabihin mo bawal mo nang gayahin at kailangan mong mag isip nang sagot na medyo kakaiba sa sinagot nang nauna sayo.

"Miss Ashley"

"Miss kathlyn"

"Miss brizza sky"

sigaw ng isang babae na mukhang secretary nang interviewer.

Lalong kumakabog ang dibdib ko habang papalapit sa upuan,
Mabilis akong umupo sa una at ganon din ang dalawa na mabilis ding umupo sa tabi ko.

"Can i get all your resume?"

Binigay namin lahat nang resume namin sa interviewer.

"Okey, miss brizza, tell me about yourself" ako ang unang tinanong nang interviewer

The Missing KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon