chapter 3

6 0 0
                                    

The game

*alarm*
*8:30*

Napatalon ako sa gulat nang makita ko ang oras.

"My goshh 8:30 na"
8 kasi ang oras nang pasok ko.

Tinignan ko ang araw sa cellphone ko
*Friday*

Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtanto kong Friday pala ngayon so restday ko, every Tuesday and Friday ang rest day namin ni anicka at pag sabado naman ay may pasok kami.

Naligo nalang ako dahil nawala na ang antok ko dahil sa pag ka bigla ko.

Matapos kong maligo ay umupo ako sa kama at isinandal ang ulo kong balot pa nang towel sa headboard ng kama.

Ipinatong ko ang aking loptop sa aking binti at nag umpisa nang icheck ang Facebook account at email account.

*34 friend request*
*87 notifications*
*3 messages*

Inuna kong buksan ang messages

*anicka*
        Good morning! Get ready for our frisbee later.

Oo nga pala rest day ko pero ngayon daw gaganapin ang p.e namin dahil hindi kami nakapag laro nung nakaraan.

*brayn*
       Heyy! Thanks for your time *wink*

Tss! Ni hindi nga sya nag paalam na dadalhin nya ako sa ganon

*harry*
     Whazz up!

Ignore.             Accept.  

"Harry?" Pabulong kong nasabi ang pangalan nya .

Naalala ko sya yung ka schoolmate ko dati nung highschool ako. Sya yung lalaking nag bigay sakin nang panyo nung nag break kami ni "August" oo ang first love ko, ang first boyfriend ko, ang ka puppy love ko.

Matapos nun ay tinignan ko naman ngayon ang notifications ko.

*harry likes your post*

*harry likes your post*

*harry likes your post*

*harry likes your post*

*harry likes your post*

Halos  karamihan ng nasa notifications ko ay si harry.

Anong meron bat sya nag paramdam.

Tinignan ko ang friend requests ko
At unang una dun ang pangalan ni harry.

Inaccept ko sya dahil kilala ko naman sya at hindi na din sya iba sakin.

Mag 11:00am na kaya nag lunch na ko para pag ka ligo ko ulit ay papasok nalang ako.

*knock knock*
Binuksan ko ang pinto at bumungad saakin si tita  ang step mother ko. Pangalawang asawa na ni daddy si tita Rosette, sino ba naman ako para hadlangan ang kasiyahan nang aking ama, wala pa silang anak kaya ramdam na ramdam ko ang pag mamahal na ibinibigay ni tita Rosette

Ngumiti ito at sinabeng
"Luto na ang ulam, kumain kana at baka malate kapa "

"Sige po" sagot ko at sabay na kaming bumaba at kumain.

Konting oras  nalanga ay p.e na namin.

Sinundo ako ni anicka at nag madali nang makapunta sa school.

Pag dating namin do'n ay maririnig agad ang pag pito nang aming prof.
Pinapipila na kami nito.

Dalawang linya ang pinapagawa para mahati sa dalawa ang isang section.

Nag umpisa na ang game namin, at hinihingal na agad ako.

Takbo dito, takbo dun. Kailangan kong masalo ang frisbee board at maka points manlang, kaya mas binilisan at tinaasan ko pa ang pag  talon ko.

Pumito na ulit ang aming prof. At idiniklara na ang nanalo, team A ako at team B naman si anicka.

"Okey class, the winner is team??.. A!!"

tuwang tuwa ako kaya nag tatatalon ako papalapit kay anicka. Proud ito sakin kaya hindi mababakas sa kanya ang pag ka talo nang grupo nya.

"Team A , get prepared you will be the representative of your section" sabi nito sa amin.

Masaya ang lahat at nag aapiran pa.

Mamaya ay tinawag na kami para makalaban ang isang section, ang mga masscom ang kalaban namin.

Pinaporma na kami at inaabangan na nang kalaban, nasa amin ang board at ako pa mismo ang may hawak nito, kaya bantay na bantay ako.

Nanlilisik ang mata ni gab na nakatingin sakin.
Bantay nito ang bawat galaw na gagawin ko, hindi nya hinahayaang makagawa ako nang kahit anong move na makapag papatalo sa grupo nya.

Nang maka lusot ako sa kanya ay pumalatik ito.
"Tsk" makikita sa mukha nya ang galit at pag ka inis.

Habang tumatagal ang oras ay umiinit naman ang laban malapit na kaming manalo isang puntos nalang.

Pinasa nanaman muli saakin ang board at agad to'ng sinalo.

Nasaharap ko nanaman tong queen bitch at base sa tingin nito hindi nya na muli ako papalusutin.

Naka ngisi ito na parang nang aasar.

Kailangan ko nang maka punta sa goal dahil matatapos na ang oras at isang puntos nalang ay mananalo na kami.

10 .... 9....8....7

Naka tingin ako sa time at malapit nang matapos ito.

Tatakbo na sana ako papunta sa Gilid ko para ma ilagay ko na ang board sa goal nang biglang may humarang na paa sa dinadaanan ko.
Napa subsob ako sa sahig naaninag ko pa ang pag tayo ni anicka at ni brayn sa kanilang kinauupuan kasabay nito ang pag ring ng bell habang lumalabo ang aking paningin, nakikita ko pang marami nang lumalapit sa akin hanggang sa hindi ko na alam ang nangyare.

The Missing KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon