chapter 4

5 0 0
                                    

Care

Unti unti minumulat ko ang aking mga mata, masyadong maliwanag ang aking nakikita.

Inilibot ko ang aking paningin at puro kulay puti lang ang aking nakikita.

Lumingon ako pagawi sa kanan at nakita ko ang isang babae at lalaki na naka upo sa malapit sa pintuan
Palapit ito saakin.

"B-brayn" sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya, kumikirot ang ulo ko every time na may force akong inilalagay sa mga galaw ko.

Inalalayan ako ni brayn para maka upo.

"Thankyou," sabi ko sa kanya

Lumapit din si anicka sa akin at umupo sa tabi ko

"Ano bang nangyari sayo?" Ani nito.

"Ang alam ko lang tatakbo ako sa gilid ko. Ibabato sana sa kakampi ko at ma goal na pero may naramdaman akong paa na humarang sa dinadaanan ko" pag papaliwanag ko sa kanya.

Naka tingin lang ito sa akin at mababakas ang pag aalala.

"Tinitignan na ni sir. Yung cctv camera para makita ang totoong pang yayare" ani ni brayn.

Lumabas na ito nang pinto at dalawa nalang kami ni anicka nasa loob.
Naka tingin ito sa gilid at mukhang malalim ang iniisip.

"Sinong naka bantay sayo, nung nag lalaro ka?" pag tatanong nito

"Si gab, bakit?" Sagot ko

"Hindi kaya? sya ang nanisod sayo?" Pag bibintang nito.

"Wag ka muna mang bintang anicka, hindi pa natin alam yung nangyari" sabi ko sa kanya.

Mukhang nang gigigil ito kay gab tumayo na ito sa aking tabi

"Naku!, malaman ko lang talaga na sya yung gumawa nito sayo, malilintikan sakin yun" habol pa nito

Muling bumukas ang pinto at pumasok si brayn

"Brizza, pwede ka na daw umuwi kung kaya mo na, sabi ng doctor"

"Good" sagot ni anicka

"Hmm naka usap mo naba si sir,? About sa cctv?" Pag tatanong ko habang unti unting gumagalaw ayoko na rin dito kaya kakayanin ko, sa bahay nalang ako mag papahinga.

"Ahh, yah, sabi nya si gab daw ang gumawa no'n kaya kakausapin nya" ani ni brayn.

"Sinasabi ko na nga ba e. Lagot talaga yun babaeng yon sakin" gigil na sabi ni anicka.

Napa buntong hininga nalang ako sa sinabi nya, kahit naman pigilan ko sya gagawa at gagawa nang paraan si anicka para lang maipag tanggol ako kaya mahal na mahal ko yan e.

Mabilis kaming nakauwi at nasa pinto palang naka salubong na si daddy.

"Oh, god, thankyou, are you okey now?" Mababakas ang pag aalala nito.
Agad nya akong niyakap at ganon din si tita Rosette.

Pumunta na ako sa kwarto kasama si anicka at si brayn.

Umupo si anicka sa tabi ko habang naka higa nanaman ako sa kama ko. Si brayn naman ay naka upo sa single na sofa.

Makikita sa mga mata ni anicka na nang gigigil talaga sya kay gab, hindi ko alam ang pwedeng gawin ni anicka.

Si brayn naman ay busy sa pag babalat ng orange at nag hihiwa ng mansanas habang naka upo sa sofa.

Tahimik lang kami ng mga oras na yun kaya pinaabot ko kay anicka ang laptop ko at binuksan yo'n.

Nakita ko ang isang message sa fb account ko.

The Missing KeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon