Chapter 5: Unity

27 0 1
                                    

(Jervin's Perspective)

Saan na ba hahantong itong bansang ito. Ang Diyos? Patunay na lamang ito na wala talagang Diyos dito sa mundong ito. We are on our own, tagal ko nang iginigiit iyon sa karamihan. Ngunit lahat naman ng bawat isa ay may sariling kalayaan para magdesisyon para sa kanilang sarili.

Ang hirap lamang din sapagkat kailangan ko maging matatag para sa aming magkakaibigan. Bilang lalaki at bilang kanilang katropa, kailangan ko maging positive. Sigurado akong iyon ang gusto ni Vic. Kakailanganin rin nila ako sapagkat ako lang ang inhinyero dito at sa panahong ito kailangan ko maging isang daang porsyento.

Nakalipas na ang isang araw mula nung pagsalakay namin sa outpost, at sa pagkawala ni Jonah. Si Phia ay wala parin sa dati, ngunit ganoon talaga. Si Alaniz naman ay nagmukmok ngunit masigla na muli't nasa maayos na pag-iisip narin. Ngunit napansin ko na lamang rin, malaki ang pagtatampo at galit ni Phia kay Alaniz. Di maiiwasan itago iyon lalo na sa akin ngunit maobserba akong tao.

"Jervin. Kaya mo bang ayusin itong mapa na ito." Tanong ni Shanie.

Dali niyang iniabot yung nakuha niyang parang radio na nakakapagproject ng mapa. Para bang hologram kumbaga. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya pa ng nakasanayan ko, ngunit kahit ganun ay kailangan ko itong maayos.

"Pakiulit nga ulit kung bakit natin kailangan nitong mapa na ito." Sabi ni Phia.

"Sabi kasi, itong mapa nato ay para sa mapa ng underground o kaya para bang pasilidad sa ilalim ng kanilang Headquarters. Nandoon yung sinasabing laboratory kaya kailangan muna natin ito makita bago tayo magplano ng pagsalakay." Sagot ni Alaniz.

"Ahhhhhh sige ba. Tutal ikaw naman matalino rito eh." Inis na sagot ni Phia.

Napatingin nalamang si Alaniz kay Phia at di na kumibo. Alam ko naman na hindi mo rin masisisi si Phia sa pagkawala ni Jonah.

"Basta ang importante ay makarating tayo sa headquarters nila ng ligtas." Aking sinabi.

"Ayun nga lang Palmaron Hospital iyon. Medyo malayo layo pa." Sabi naman ni Chloe.

"Siguro nga. Alam ko na! Gagawa ako ng masasakyan natin." Sabi ko.

"Ha? Pano mo naman gagawin yun?" Patanong ni Shanie.

"Kailangan ko lamang ng ilang mga piyesa at sasakyan na may gulong at kaya ko na makagawa ng masasakyan natin." Aking isinagot.

"Siguro nga. I mean, hindi tayo makakarating doon ng ligtas kaya't kinakailangan natin makahanap ng masasakyan." Sabat naman ni Elijah.

"Sa ngayon maghanap nalang muna tayo ng mapagsisilungan. Mukhang pumapatak na ang ulan." Sabi ni Chloe.

Dali kaming naglakad pa patungo sa isang mansyon na katatagpo lamang namin mula sa mga tabing kalye. Kakaiba ito sapagkat mukhang kakaiba ang itsura nito. Dali kaming pumasok sa loob at naglibot upang malaman kung may tao paba roon.

Makalipas ang paglilibot ay ikinandado na namin ang gate at nagpahinga sa loob ng bahay na ito. Ang dami pang naiwan na gamit kaya mukhang ito'y iniwanan ng may-ari sa kakapagmadali. Sana nga lang ay walang naimpeksyon.

Makalipas ang ilang minuto ay inilapag na muna namin ang aming gamit at namahinga ng saglit. Nung napadpad ako sa garahe ay nakakita ako ng sasakyan ngunit ng sinubukan ko itong paandarin ay ayaw nito gumana.

Binuksan ko ang hood nito at laking gulat ng makita kong bawas bawas ang makina at mga piyesa nito. Mukhang magiging matrabaho ang gagawin ko. Habang namamahinga sila ay inilifter ko na iyong sasakyan para makita at malaman ko kung ano bang kulang para mapaandar ito. Habang nasa ilalim ako nito ay lumapit sakin si Phia.

Last Days of High (A Last Of Us Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon