Chapter 2: Outlast

18 1 0
                                    

(Elijah's Perspective)

Malakas ang tibok ng puso ko. Patakbo ako kasalungat ng kinaroroonan nila Shanie at Jervin. Matapos ako magpahuli sa isa pang malaking grupo ng mga sira ulong iyon ay nakatakas ako. Di sila madaan sa salita, kagaya lang naman nila kami. Ganito nanga ba ang resulta ng pangyayari ng impeksyon.

Naghiwahiwalay sila at nakikita kong unti unti nila akong naaabutan. Dali akong pumunta sa isang pabrika na puno ng mga naimpeksyon. Kinuha ko ang aking baril at nagpaputok upang makuha ang atensyon nila habang patakbo ako patungo sa kabilang labasan.

Sa itsura ng mga humahabol sa akin, para silang mga adik sa drugs. Sa kampanya ni Duterte, mukhang hindi naging malaki ang epekto nito sa mga drug users. Nagpahabol ako at ng nakalabas na ako ay laking gulat ko't sinalubong ako ng mga kasamahan nila. Suntok sa mukha at tumumba ako. Hilo ako't bigla akong tinadyakan sa katawan. Di ko inakala na ganito ang dadatnan ko.

"Tang ina mo ha. Akala mo ba matatakasan mo kami?!" Sigaw ng isa.

Pinulot ako ng dalawa at itinayo habang ako'y pinagsusuntok sa katawan at ulo. Di ako makalaban muli at di ko namalayang nahulog ang aking baril. Naramdaman ko ang dugo galing sa aking ulong at bibig at dumampot ang isa sa kanila ng pamukpok na kahoy at ihinampas ito sa akin. Tumama ito sa aking tiyan at naramdaman ko na para bang nabalian ako ng buto sa tagiliran. Napasigaw ako sa sakit at pinalubutan na ako ng mga ito.

"Ano na ang gagawin natin sa kanya?" Tanong ng isa sa kanila.

"Laking bigat ang dinulot niya sa atin. Mas mabuti pa't pahirapan muna natin siya." Sagot ng isa.

Inilatag ang aking braso at gamit ang kahoy ay ihinampas ito sa aking siko. Nawalan ako ng pakiramdam sa buong ibaba ng aking kanang braso sapagkat nabali na ito. Napasigaw muli ako sa sakit. Dumukot ang isa ng baril at itinutok ito sa aking ulo.

"Nasaan ang mga kasamahan mo?" Tanong nila.

Hindi ako nagsalita, at ng ikinasa na niya ang baril ay pumikit na ako sa pagkahanda mamatay. Nag-antay ako ng putok, ngunit nung madinig ko ito ay hindi galing sa baril niya. Pag dilat ng aking mga mata, nakahilata na ang kanyang katawan at pati ang kanyang ibang mga kasama. Tumakbo ang iba at paglingon ko ay nakita ko ang tatlong taong naglalakad patungo sa akin na may dalang armas. Palalim ng palalim ang sakit na nararamdaman ko at unti na ako nawalan ng malay.

Pagkalipas ng ilang oras ay nagising ako't nakahiga sa isang kuwarto. Nakatali ang aking nabaling braso at pati ang mga sugat ko'y nakatakip ng gamot. Sinubukan kong tumayo ngunit pinigilan ako ng nakaupo sa tabi ko. Unti unting luminaw ang aking paningin at nakilala ko siya.

"Huwag ka muna tumayo. Magpahinga ka muna, lalo't yang braso mo'y kakaayos palang." Sabi niya.

"Chloe.....Chloe ikaw ba yan?" Tanong ko.

"Nakilala mo rin ako sa wakas." Sabi ni Chloe.

"Nasaan tayo?"

"Nasa loob tayo ng bahay ni Eduardo. Buti nalang at naabutan ka namin, kundi patay ka na." Sagot niya.

"Ha? Teka, sila Alaniz, kailangan ko makabalik sa kanila."

"Alaniz? Ibig mong sabihin, nakaligtas rin siya. Sino sino pa kasama mo?" Tanong ni Chloe.

Bigla bumukas ang pinto at pumasok si Eduardo at ang kanyang kasintahan na si Ainza. Umupo sila't binati ako sa kalagayan ko.

"Kamusta yang braso mo?" Tanong ni Eduardo.

"Medyo masakit, pero unti unti ko ng nararamdaman muli. Salamat."

"Walang anuman brad. Maikwento mo nga kung bakit ka hinahabol ng mga iyon." Sabi ni Eduardo.

Last Days of High (A Last Of Us Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon