•S2-C14: Two Thousand Deaths•

370 13 5
                                    

Ang segundo ay naging minuto, ang minuto'y naging oras... Bawat oras na nagiging araw at bawat araw na lumilipas... Umabot na sa isang libo ang nasasawi. At isa na ako dun... Ako ang pang dalawang libo...

*Flashback*

Halos bali-bali na ang aking mga buto sa atakeng iyon... Bawat segundo ay humihina ang aking paghinga, habang patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban.

"Seya!! Kapit lang!! Potion!!" Sigaw niya at may lumabas na maliit at pulang uri ng bote sa kanyang palad. Pilit niyang pinapa-inom ito sa akin, ngunit wala na akong lakas upang tanggapin pa ito. Muli kong pinagmasdan ang Halimaw.

Congord the Truth Slayer
Level 28

Iwinasiwas nito at malaking Katana sa mga sumusugod. Mabilis namang naglaho ang mga ito...

Dead Count: 1,998

"Yaaaaahhhhh!!" Sigaw ng isang player sumugod siyang mag-isa Boss, itinaas naman nito ang espada sabay hiwa sa Player. Nahati muna ang katawan nito bago naglaho... Unti-unti ay nagdilim na ang aking paningin...

System Augmentation Complete.

System Ava-097QRD Has been Neutralized.

System Ava-097QRD Has been Neutralized.

Sys-Sytem A-Av-Ava-0-0-09999999777777----Unauthorized User has been detected!!! Data being Corrupted!!

System Ava-097QRD HAS BEEN RETRIEVED!!!!

System Ava-097QRD is now fully functional. All Data has been restored. Resetting System Ava-097QRD to Avalein Hera Maxmillan. Default to all Data.

Iminulat ko ang aking mata, nasa isang kwarto ako. Kwartong puno ng Grids at Inanimate na object. Purong green ang kulay nito habang may malaking screen sa tapat ko... Ako ay nakalutang sa gitna ng kwarto at parang may nakakonekta sa aking katawan.

"Hello dearest Dead User~" bati ng screen sa akin. Ako naman ay nakatingin lang dito. Nagliwanag ito saka napunta kami sa kalangitan na merin kapansin-pansin na Grids sa buong paligid.

"Sooo... Bakit hindi ka pa namamatay? Yan ba ang tanong mo sa iyong isipan?"

Now that she said it, may ilang image na nakita ko sa aking isipan dahilan upang halos mapaluhod ako sa sakit. I almost shriek by just that scenario... I was supposed to Die right? Then ano ang ginagawa ko dito??

"Hahaha Masakit ba? Well yan ang mga memories mo hindi ba? At hindi ito kayang tanggapin ng utak mo... Or should I say System?" Pinagmasdan ko lang ang screen na patuloy pa rin sa pagsasalita

"May isang Hacker na nangi-alam sa larong ito!! At ako'y wala rin naman otoridad na pakialaman ang system ng larong ito... You see sira na ang real world nyo~" may ipinakita itong Images sa Screen niya, puno ng pagsabig at mga nakahalandusay ng bangkay sa buong paligid. Bawat sulok ng mundo ay ganon ang itsura.

"World has ended" ipinakita ulit nito ang whole image of the Earth... It looked like a Barren wasteland. "At nasa Virtual World na kayo" tumawa muna ito. "Oii!! Magsalita ka naman!! Ano ka ba pipi?!! Please magsalita ka na!! Huhuhu so lonely na ako!!! UWWWWAAAHHHHH!!!" peste nakakarindi na!!

Virtually Connected: Just A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon