Memories Within 2

19 1 0
                                    

Kami na ang nagmaneho ng sasakyan namin at sinundan nalang ang driver. Nagpark kami sa gilid ng malaking bahay na sa tingin ko ay nasa loob lang din ng village namin, medyo malayo din pero sa tingin ko kayang lakarin lalo na if maisipan kong mag jogging. May na daanan din kaming park kanina malapit sa clubhouse.

Sinalubong kami ng nakangiting si Albert at kung di ako nagkakamali asawa niya ang kasama niya. Maliit lang ito at parang may lahing chinese. Di umabot sa balikat ang maitim at tuwid na buhok nito, may maliit na mukha at mata, maliit din ang ilong pero matangos naman, at naibabawan ng pulang lipstick ang mga labi. Makikita mo din na may pagkamahilig ito sa alahas dahil nakahikaw, kwintas, bracelet, at dalawang singsing. Naka make up din ito.

Ngumiti siya saamin. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.


"Hello Kirsty, Call me tita Eunice and wait-" lumingon siya sa loob ng bahay. "Charlotte, punta ka na dito dali. Nandito na siya." lumabas naman ang babaeng may mahabang itim at tuwid na buhok with bangs. Naka pink pllited skirt ito na hanggang med-thigh at white off shoulder shirt na may drawing din sa harap na cute na pink cat and bagay lang din sa doll shoes na kanyang suot. Maliit din ito, maputi katulad ni tita Eunice. Medyo chubby. Parang younger version ni tita, maganda din.


Hinawakan ni tita ang kamay ko. "Kirsty meet my daughter, Charlotte. I hope you'll be good friends." ngumiti naman ako sakanila at tinanggap ang kamay ni Charlotte.

"Nice to meet you tita Eunice-" tumingin ako kay tita then sa anak niya. "and Charlotte. I'm looking forward of us being friends." ngumiti ito.

"Glad to meet you too. And I'll be glad to be your tour guide if you want." sabi niya excitedly.

"Thanks. Sure I'll be needing you." hinila naman niya ako sa loob.

"Tyron, nice meeting you and let's continue our chit chat inside. Shall we?" sabi ni tita nong ipinagkilala naman sila ni tito.

"I'm pleased to meet you Eunice. Uhm sure." sumunod naman sila saamin.

Inilibot naman ako ni Charlotte sa kanilang bahay. Maganda din ito, ang totoo mas malaki nga ito kaysa sa aming bahay dito. May garden din at garahe na pwede ang lima o apat na sasakyan. Kulay white ang dinding at black ang atip ng two-storey nilang bahay. May dalawang guest room sa baba at dalawang cr, sala kitchen, dining area, at play/movie room.

Di ko akalain na madaldal pala si Charlotte. Yes, no, tango, at iling lang ang sagot ko sakanya. Di ako makasingit eh.

Lahat ng ipinapakita niya may kwento. Grabe lang, pero masaya ako dahil totoo nga siguro ang sabi ni daddy na ang pinay daw ay mababait. May lahing pinay naman si charlotte kaya ganon. Pero para sakin lahat naman ata ng tao may kabaitan.

Tinawag kami ng mama niya no'ng nakahanda na ang pagkain. Masarap ang luto ni tita. Filipino food ang inihanda niya for us. May beef caldereta na nagustuhan ko, pancit, turbo chicken, inihaw na bangus, may crabs at shrimp din, syempre di mawawala ang kanin, at ang dessert na buko salad at may banana cake din sila.

Napadami ang kain ko. Tiningnan ko si Tyron na sarap na sarap sa malalaking alimango at shrimp. Tumingin naman siya sakin na parang nagtatanong, umiling nalang ako ng nakangiti.

"Oh iha, ayaw mo ba sa crabs at shrimp? Masarap yan try mo. Or do you have allergy of sea foods?" napansin ata ni tita na ako lang ang walang mga shell sa plato.

"No tita, I don't have an allergy. I just do not know how to eat that. At parang mahirap po kasing kainin." sabi ko ng mahinahon. Tumawa naman sila.

MEMORIES WITHINWhere stories live. Discover now