Memories Within 3

14 0 0
                                    

Ibinaling ko na muna ang mga mata ko sa bawat nilalang na pumapasok sa gate ng paaralan. Nakahinto ang aking sasakyan sa gilid habang hinihintay ang sasakyan ni Charlotte. Pinagbigyan ko na siya na magkatabi ang cars namin sa parking lot. Sabi niya malapit na daw siya. Malaki ang paaralan kaya may parking lot para sa may mga sasakyan.

I chuckled when a guy bumped at the girl who suddenly stopped to look at the huge gate, maybe checking if it's the right building she's about to enter. Nakakatawa lang kasi yong guy, pano ba naman di babangga? Eh nakatingin sa'kin habang naglalakad. Maybe he's curious my whereabouts or why am I still outside or maybe when he saw me drinking my chuckie? Cause my window is rolled down, and it could be that he was wondering why do I still drink kid's drink. Nagsorry siya sa babae at dali daling pumasok sa smaller gate.

Nang mapansin ko ang inaantay kong sasakyan, sinenyasan ko si Charlotte na susunod ako sa kanya. Pinahinto siya ng guard at ipinakita niya ang id niya. She's an old student here that's why she have one. Nang turn ko na ipinakita ko ang card na nagsasabing bago lang akong student. Pumarada siya sa may malapit sa puno ng kahoy. Pinatay ko na ang makina ng kotse nang katabi na nito ang kay Charlotte. Lumabas na ako at hinintay siya sa gilid.

"Wow! You look great. Good morning. By the way, welcome to Robinson's Academy!" masaya niyang sabi habang nakayakap a sa'kin at hinalikan ako sa cheeks. "Sana ganyan din ang katawan ko na kahit simple lang ang isuot parang model." Naka black jeggings paired with white long sleeves shirt and black wedged sandal lang naman ako at naka ponny tail ang kulot kong buhok. Just simple clothing but I guessed I brought it well base sa sinabi ni Lotte.

"Mornin. And you're cute with your outfit. You don't need a body like mine to be a model you know. Anyway thanks." I said giving her a genuine smile. Tiningnan ko ang suot niyang below the knee white with pink dress paired with a 4-inch pink heels. Nakalugay din ang maganda niyang buhok. Ang liit niya pero that's made her cute and adorable.

Madaming bumabati sakanya at binibigyan ako ng ngiti. I did the same. I'm not a snob so why not.

Hinatid niya ako sa room ko. "Have fun! See you later." Nakangiti pa niyang sabi at tumalikod na. Inantay ko muna siyang mawala sa paningin ko bago pumasok sa room.

The class started last week and I don't know kung ako lang ba ang late. Pati din si Charlotte di nakapasok ng first week kasi nandon sila ng mama niya sa China noong Friday lang din sila bumalik.

Tumahimik ang classroom ng pumasok ako kaya napatingin ako sa paligid. They were giving me a curious look. Maybe wondering if I'm in a wrong class. I don't know what to react so I just looked for a vacant seat. I found three vacant seats at the back so I went straight there.

Meron din namang student sa likod, kadalasan lalaki. Tumabi ako don sa isa, yong natutulog. I'm not late, 20 mins more before the class starts.

May pumasok na babae. May bumati sakanya ngunit nginitian niya lang ito. Kasing tangkad ko siguro siya, maganda ang balat niya kahit di kaputian. Kahit sa simple blue jeans at printed white t-shirt di maitatago ang magandang hubog ng kanyang katawan. Mukhang mabait at parang ang gaan ng loob ko sakanya. Tumingin muna siya sa paligid at tumuloy sa likod malapit sa'kin. Nginitian niya ako at inayos muna ang mga gamit sa upuan.

"Ikaw siguro ang isang student na papasok. Ako nga pala si Cindy." Nakangiting inabot niya ang kanang kamay sa'kin. Tinanggap ko naman ito ng nakangiti.

"Kirstine. Just Kirsty or KM. My first day today. I hope I do not have too much to catch up." I said wondering.

"Don't worry. Di naman masyadong importante ang lessons namin last week." She said with a smile. Tumango nalang ako at ngumiti.

MEMORIES WITHINWhere stories live. Discover now