1 - Anniversary

6 1 1
                                    

Mas nauna pa akong nagising kesa sa alarm clock ko. Ever since ito lang naman gusto ko eh. Be with someone who's always there for me. Everything is perfect. We are perfect for each other. Having the supports of out Families and Friends ay syang nag patagal samin ng ganito.

I looked at the clock beside my bed, it's already 6:45 am. I am so excited yet so nervous kase this would be my first time na gumawa ng surprise. Kaya halos hindi talaga mawala ang ngiti sa labi ko habang iniisip ang mangyayari. Tumayo ako sa aking pagkakahiga. Maliit lang ang kwarto. Queen size bed, maliit na bathroom at may mga nakadisplay na pictures ko sa wall at iba pang mga paintings na ako mismo ang may gawa. I like to paint kase.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin sa aking kwarto. Late na pala akong nakatulog kagabe. Ganun siguro talaga kapag sobrang excited. "Lumalaki na ang mga eyebags ko" I sighed habang pinagmamasdan ko ang aking mga mata sa salamin. "Pero ang ganda ko parin. Wooh POWER!" I shouted hysterically while still facing the mirror with matching posing pa.

"Good morning Ma!" Bati ko kay mama habang bumababa ako ng hagdanan na sya namang nag aayos ng aming agahan. "Aga mo ngayon ha? Sana araw-arawin mo yan ng hindi ka nahuhuli sa klase mo." Bulalas nya habang nag aayos parin ng hapag. "Eh kase po anniversary namin ngayon ni Jacob." Sagot ko habang patalon-talon pa na lumalapit sa lamesa. "Ah. May date kayo?" Mom asked at saka tabi sa upuan katabi ko. "Uhm? Maybe?" Sagot ko habang nag aayos ng upang makaupo na rin.

"Actually I'm planning to surprise him po." I added. "What?! Ikaw pa talaga 'tong mag susurprise?!" Halos maluwa nya ang kanyang kinakain habang nakatingin sakin. "Bakit Ma? Gusto ko lang talaga syang isurprise. Besides, he used to surprised me nama-" I cut my words nasurprise nya na nga ba ko? Nevermind. Baka mamaya may ihanda sya surpresa para sakin. Ang lawak ng ngiti ko habang iniisip ko kung ano kaya trick nya sakin mamaya. *blushed*

"Hys. Kabataan nga naman ngayon. Ibang-iba na sa kabataan namin noon" Puna nya habang nailing-iling pa. I choose to ignore her nalang. Bakit kaya ang bitter ng mga nanay ngayon sa generation natin? Psh.

Right after I finished my breakfast, nag paalam na ko kay Mama na may bibilhin lang ako. Pero syempre naligo muna ako. After I finished everything, I rushed to the nearest store to buy some meat and some vegetables. "Paki-cut na rin po nung meat." Utos ko sa nag cho-chop ng meat. Balak ko na mag handa nalang ng dinner date mamaya sa rooftop namin.

I cooked, clean and finalized everything. Candles? Flowers? Lights? Foods? Wine? They are all set. I did this all by myself. Gusto ko effort ko lang para mas ma-appreciate nya. My phone rang. I thought it's Jacob but it was klare. My Bestfriend. "How's your plan Bessy?" She asked na may kasama pang pagtili ang gaga. "All set Bessy thank you for the idea mwah! I thought it was Jacob who's calling. I'm waiting like century for his call, God!" I rolled my eyes in disappointment. "Century? Baka century tuna. So exaggerated, huh." I know it's exaggerated bessy. Pinatay ko na ang tawag.

I'm shaking right now kasi ngayon lang ako nag effort ng ganito and I'm hoping na maging worth it. He's my first. First Boyfriend. Hindi yung iniisip nyo. I'm still a baby. *Pacute* Nag ayos na ko ng bongga. Nakasimpleng dress lang ako at sinuot ko na rin ang aking mga jewelries.

I'll call him. I dialed his number at mga ilang ring pa bago nya sinagot. "Oh?" Walang gana nyang sagot. "Hi Babe. Wala kabang naaalala ngayon?" I asked. "May basketball kami. Ayon lang naaalala ko. Bakit?" Halos pag bagsakan ako ng langit at lupa dahil sa sagot nya. Really? You don't know?! You're so unbelievable Jacob! Though He's getting into my nerves, I still manage to calm. "i i it's our first anniversary, babe." Nauutal kong sagot.

Narinig ko mula sa kabilang linya ang pag exhale nya. "Pwede bang sa susunod na natin i-celebrate yan?" He asked. "I know na busy ka. But please Jacob. Please, be here I'm waiting for you. Please?" Kung di pa pagmamakaawa yan, ewan ko nalang. "I'll be there in 15." Sabay patay nya ng telepono. I sighed in disappointment.

Hinanda ko na ang lahat. Pinagmasdan ko ang lahat. Nag kalat ako ng petals ng roses sa sahig at gabi na rin kaya mas maganda ang ilaw ng mga kandila. Nasa gitna ang table na hinanda ko para sa aming dinner date. Binalutan ko lang ito ng puting tela at may kandila sa gitna nila. May mga petals din ng roses sa lamesa. Nasa gilid ang wine at nakahain na rin ang aking niluto para sa aming dalawa. Everything seems perfect. I sighed. "I hope"

Nakita ko syang papalapit kaya agad agad akong tumungo sa kanya at niyakap sya. Sobrang namimiss ko na sya. These past few days lagi nalang syang busy at halos di na kami nag bobonding. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "I miss you." Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya at agad inilahad ang regalo ko para sa kanya. "Happy Anniversary!" Bati ko sa kanya ng buong giliw. Kinuha nya ang regalo "Sorry wala akong gift" He apologized at agad umupo sa inihanda kong table.

Pinaghanda ko na sya ng pagkain at wine. Nakakabinging katahimikan ang bumalot samin. "Anong oras laro mo?" Tanong ko upang makapag usap na kami. "Alam mo miss na miss na kita. Hindi na kase tayo masyad-" Pinutol nya ang sasabihin ko. "Busy kase ako." He said habang may ginagawa sa cellphone nya. "I know, Babe. Gusto mo samah-" "No need" He said habang nakafocus parin sa cellphone nya. It's annoying fuck! "Ah okay" Tanging nasabi ko nalang.

Malapit na kong matapos sa kinakain ko pero sya halos dalawang subo palang ang nagagawa nya. Hinablot ko ang cellphone nya mula sa kaniya. I'm really pissed! "Kanina kapa may katext! Minsan na nga lang tayo mag bonding mas inuuna mo pa yan!" Sigaw ko. D*mn! I'm really pissed! Really really pissed!

Hinablot nya rin mula sa akin ang kanyang cellphone "Alis na ko" Akma syang aalis na pero napahinto sya sa sigaw ko sa kanya. "What's the f*cking wong with you, Jacob?! Ano bang nangyayari sayo?!" Mangiyak-ngiyak na ko sa sobrang galit at disappointment. Tumingin sya ng diretso sakin. Wala manlang expression ang kanyang mata. "Aalis na ko" Sabay talikod. Sabay alis. Ganun na lang ang nangyari. Naiwan akong nag iisa. Ito na ba yun? Haha. "Galing! Wooh!" Halos ipaghahagis ko na lahat ng hinanda ko para sana sa kanya. Sh*t!

Pinasadahan ko ng aking palad ang aking mukha sa sobrang pagkairita. Umalis na ko ng rooftop. Naiinis ako pero wala akong magawa. Tinanong ako ni Mama kung anong nangyari but I locked myself in my room. I don't have time makipag chitchat. I looked at myself in the mirror again but this time I'm slapping my face. "Ano bang problema mo?! Pumapanget kana ba, ha?!" Argh! I sat in my bed at agad dinial ang number ni Klare. Mga ilang ring pa bago nya sinagot. "Yes?" She asked. "He left me." Sagot ko na wala manlang expression. "WHAT?! He left you?! INIWAN KA NYA?!"Nag h-hysterical nyang tanong. Halos mapatay ko ang linya sa sobrang lakas ng bunganga.

"Not totally INIWAN, gaga. Kumalma ka nga dinaig mo pa ko. Umalis lang sya at iniwan ako sa rooftop." I explained. "PERO KAHIT PA HIND-" Pinatay ko na ang linya. Gusto ko lang ng katahimikan, oh Lord!

Reel or Real? (On-Going)Where stories live. Discover now