5 - Boring

2 1 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay, nag browse ako agad sa YouTube ng mga volleyball stunts.

Desidido na akong mag ttry-out bukas. Marunong naman akong mag Volleyball dahil varsity ako dati nung Grade 9 ako.

Nawalan lang ako ng interest ngayong nag college na ako. Para sakin kase distraction lang yun kase kapag college na, madami nang inaasikaso.

Pero dahil gusto kong magkaroon ulit kami ni Jacob ng time para isa't-isa, babalik ako sa buhay Varsity.

I grabed my phone at agad nag text kay Jacob.

Ako: Hi baby. Are you busy?

Sinend ko na muna ang una kong mensahe.

Ako: I've decided na mag try-out bukas sa Volleyball team. Gusto ko kasing magkaroon ulit tayo ng time sa isa't-isa. Diba kase kapag mga Varsity laging magkakasama sa training? I love you.

Matapos kong matext sa kanya ang mga gusto kong sabihin, pinagpatuloy ko nalang ang panonood ko. Wala naman kase akong reply na natanggap mula sa kanya. Busy siguro.

Kinabukasan, inihanda ko na rin ang mga susuotin ko sa try-out mamaya. Napag-alaman ko kasing tanghali ang try-out which is after my class kaya dinala ko na ang mga damit kong kakailanganin mamaya. Ilalagay ko nalang sa locker.

Pagdating ko sa University, mukha agad ni Klaire na pawis na pawis habang natakbo ang bumungad sakin.

Pagkarating nya sakin ay halos hikain na sya sa pagod.

"Hala anong nangyari sayo?!" Pag-aalala kong tanong habang pinupunasan ang mga pawis nya sa mukha gamit ang panyo ko.

"I've been looking for you kanina pa but you are nowhere to be found!" Aniya habang may paghawak pa sa dibdib nya.

"Malamang te kadarating ko la-"

"Oo na! Oo na! Hindi na yun importante! But ... You won't believe what I saw!" Tinaasan ko sya ng kilay. Ano nanamang sinasabi ng isang 'to?

"SI NATALIE AT ANG MAGALING MONG BOYFRIEND, I SAW THEM MAKING OUT!" Sigaw nito na nakaagaw pansin sa mga taong nadaan.

Halos mangiyak-ngiyak naman ako katatawa. Ni katiting ng pagkatao ko walang pumapanig sa sinasabi ni Klaire. Shes fooling around again. Becuase I know Jacob very well and he won't do such thing as cheating.

"Ano ba Kiara! Hindi mo ba nakikita, I'm serious here! I saw them with my two d*mn eyes! Wake up!" Halos makuha na namin ang atensyon ng lahat dahil sa lakas ng sigaw nito.

Serious? Saw them with her two eyes? Ayokong pagmukhaing nag sisinungaling si Klaire pero I know Jacob.

"Hindi pa naman April ha? Advance ba fools mo?" Tanong ko habang nag pipigil ng tawa.

"F*ck! I can't believe you! SOBRANG TANGA MO! GINAYUMA KABA NG PUTANG JACOB NA YUN-"

"Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Jacob!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na rin ako. Ano bang problema nya? Kahit pa bestfriend ko sya, hindi ko hahayaan na sinisiraan nya si Jacob sakin ng ganito. And worse, tinawag nya pa itong puta.

"Sige! Paniwalaan mo ang sarili mo! Doon!" Sabay turo nya sa direksyon patungo sa Gym.

"Puntahan mo sila! Makikita mo kung paano ka ginagago ng hayop mong Jacob-" PAK!

Di ko na napigilan at nasampal ko sya. Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil di ko rin inaasahan na masasaktan ko si Klaire. Ang bestfriend ko.

"S-s-sorry K-klaire. I'm so sorry-"

Reel or Real? (On-Going)Where stories live. Discover now