Chapter 4: End

5 0 0
                                    

Hindi na ako nag aksaya ng panahon. Hindi ko man alam kung okay kami ay mas mabuti kung magexplain pa rin ako sa kanya kahit sa tingin ko ay hindi dapat.

With all my strength, tumakbo ako palabas ng dating opisina. Hinihingal man ay nagawa ko pa ding magtanong sa nakasalubong ko.

"Have you seen Angel?", tanong ko. Iling lang ang tanging sagot na nakuha ko. Enough for me to understand that they didn't saw her.

Patuloy ang pagtakbo ko while saying her name softly with my endearment, almost a whisper.

Hanggang sa makarating ako ng parking lot kung nasaan siya. She's about to get inside her car when I called her.

"Angel"

She turned her gaze to me, leaving the window open. Nagtataka ang kanyang mukha pero nang makita ako ay agad itong napalitan ng lamig.

"It's not what you think", panimula ko habang paunti-unting lumalapit sa kanya.

"Don't come near me. Maintain 2 meters distance. That's enough. You can tell what you want to say but don't come near me.", her voice remained cold and distant.

Para akong may nakakahawang sakit sa paraan ng pagtutulak niya sa akin na ayaw niyang lapitan. Para akong isang estranghero na kakakilala niya lang ngayon.

"It's not what you think. She's just teasing me an--

"You call that teasing?", putol niya sa pahayag ko sabay angat ng isa niyang kilay. "So, when a girl unzipped her dress in front you, you'll call it teasing?", dagdag niya.

"That's now what I mean.", napasabunot ako sa aking buhok dahil sa frustration. Hanggang sa matanong ko na ang isang bagay na bumabagabag sa aking isipan.

"Are you still the Angel I know? Are you still My Angel?", nanghihina ang boses na tanong ko sa kanya. Nanatiling kalmado at matatag ang aking tindig kahit dumadagundong na ang kaba sa dibdib.

Pagak siyang tumawa na para bang nakarinig ng isang joke na bentang benta sa kanya. Oh, how I missed those laughs. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang nakapikit na tumatawa. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko kung paano parin siya tumawa. Nakapikit ang mata. Hawak ang dibdib. No doubt, she's still my Angel.

Napatigil siya sa pagtawa nang bumukas ang kanyang mata. Nakatitig na siya sa akin ngayon gamit ang malamig na tingin.

"You really think I'd come running back to you?", masakit ang tanong na iyon pero nagawa kong lunukin.

"Why not? I am your baby. I am your Kairo. And you are my baby. You are my Angel. The girl I lo---

"Love the most? The girl you cherish? Adore? What other sweet words are you going to say after my name, Kairo? Stop giving compliments as if I'm the only girl in the world", napatigil siya at akmang papasok na sa kanyang kotse nang walang pag-aalinlangan ko siyang lapitan at hawakan sa kanyang pulso.

"What's happening to you, Angel? Hindi na kita halos makilala. Ni hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko sa mga nagdaang taon. Hindi naman ako nagpuntang U.S para mambabae o magpalipas oras. I was there because of my condition. At diba nga ikaw pa ang nagtulak sa akin na magpagamot? Na magpagaling para sa kinabukasan natin? Bat ngayon, Angel? Bat parang kumakawala ka na agad?", nanghina ang hawak ko sa kanyang pulso kasabay ng paghina ng aking boses. Nasa tamang pagkontrol pa naman ako sa aking emosyon kaya napigilan ko pa ang mga luhang nagbabadyang lumabas. I should not cry in front of her.

"Hindi ko pinupunto ang pag-alis mo. Hindi ko pinupunto ang dahilan ng pag-alis mo. Ang gusto ko lang iparating sayo, maraming maaaring magbago sa loob ng limang taong pagkawala mo.", sagot niya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Know them Well (Bachelor's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon