Kabanata 1

2K 52 2
                                    

Kabanata 1

Next Time

UBOS na ang isang buong sachet ng colgate. Dahil sa ilang ulit na ginawa kong pagtotoothbrush. At halos mapudpod na ang aking mga ngipin dahil sa diin ng pagkuskos ko. Ngunit hindi pa rin ako makuntento.

Pakiramdam ko ay nasa bibig ko pa rin ang kanyang laway. At nakadikit pa rin sa akin ang kanyang hininga. Kahit magmumog siguro ako ng muriatic acid. Hindi na iyon madadala pa. Hindi ko talaga matanggap na naglapat ang mga labi namin ni Caleb Santillan. Nangingitngit pa rin ako sa galit.

Isang katok ang gumulantang sa akin. “Eva, hinahanap ka ng ninang mo. Bilisan mo at paalis na sila.” sigaw ni Manang sa pagitan ng nakapinid na pinto.

“Sige ho. Lalabas na din ako.”

Itinapon ko sa lababo ang kawawang toothbrush. Hindi ko na iyon mapapakinabangan dahil bumuka na ang mga bristles niyon. May panghihinayang akong naramdaman. Ilang linggo ko palang iyon nagagamit. Bibili na naman ako mamaya. Ang lalong nagpainis sa akin ay mababawasan na naman ang allowance ko.

Sinuswelduhan ako nina Ninang sa paglilinis at pag tulong-tulong sa mga gawaing bahay. Nahihiya nga ako dahil sobrang kalabisan na iyon. Pinag-aaral na nga nila ako ng libre. Gawaing-bahay na nga lang ang maitutulong ko. Ngunit inaabutan pa din nila ako. Hindi na ako nagpapakipot pa at tinatanggap ko na lang iyon. Iyon ang pinapadala ko sa probinsiya. Alam kong kulang pa iyon sa mga gastusin ng dalawa kong kapatid. Idagdag pa ang pambiling gamot ni Lola. Hindi naman kasi pwedeng iasa na lang sa mga tiyuhin ko. Na puro reklamo din naman.

Bukod pa ang binibigay na allowance ni Ninang Tina. Minsan pa nga ay nagagalaw ko din at naipapadala pa kina Mama. Kaya naman minsan ay umeekstra ako sa pagtitinda ng gulay, sa palengke. Hindi naman pinagbabawalan nina Ninang. Lagi pa nga nilang akong  pinaalalahanan na mag-ingat at wag masyadong magpapagod. Wag ko din daw pababayaan ang pag-aaral ko. Okay lang naman sa kanila kung hindi ako makasama sa top.

“Ninang, pasensiya na po kayo at natagalan ako.” hinging-paumanhin ko.

Tiningnan niya ako at ngumiti. Nasa mid-forties na ang edad niya. Ngunit sopistikada pa rin siyang tingnan. Tila wala ni isang hibla ng kanyang buhok ang tumakas sa pagkakapusod niya. Maganda pa rin ang kanyang tindig. Stewardess ang trabaho niya at kapitan naman ng barko ang kanyang asawa. Pabalik-balik siya sa ibang bansa. Samantalang si Ninong naman ay isang beses lang sa isang taon kung umuwi.

Gusto ko sanang maging katulad din Ninang. Naeengganyo ako sa mga ikininkwento niya. Na iba't-ibang bansa na daw ang kanyang narating. Kaya naman kumuha ako ng kursong BS Tourism and Management.

“Okay lang, aalis na ako. Kayo ng bahala ni Manang Dulce sa bahay.” aniya.

Nakangiting tumango ako sa kanya. Sabay kuha ng inaabot niyang puting sobre. “Salamat po,” hindi pa man siya nakakaalis ay binuklat ko na kaagad ang sobre. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang halagang nasa loob.

“Dinagdagan ko na. Fifteen thousand 'yan.” umiiling na binalik ko ang limang tig-iisang libo. Sampung libo ang regular na binibigay ni Ninang sa akin. Tinulak niya pabalik ang kamay ko. “Wag na, nextweek dadagdagan ko 'yan. Kapag napadala ang Ninong mo. Ibili mo ng mga bago mong uniform.”

“Pero... N-ninang...bago pa naman po ang mga uniform ko.”

“Yan ka na naman. Nakita ko nga na naninilaw na iyon. At tsaka bakit dalawang pares lang ang uniform mo?”

Loving The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon