Kabanata 38

945 20 4
                                    

Kabanata 38

"Yve..." he called.

Hindi ko siya pinansin. Nilagyan ko ng headset ang tainga ko. Tila may nagkakarera sa loob ng dibdib ko.

"I missed you," he sighed. "Akala ko hindi na darating pa ang araw na 'to. But look at you, you're as inches away from me. Mas gusto ko 'yon kesa naman sa kahit na anong gawin ko hindi kita maabot."

Nakakunot ang noo ko ng sulyapan ko siya. Nakatingin siya sa sa akin. Kaya naman pala siya salita ng salita. Hindi niya siguro alam na may nakapasak sa tenga ko. I lowered down the volume.

Naging anino ko siya kahit saan man ako magpunta. Hindi ako napapayag ng kanyang mama. Hindi naman ako ang tipo ng tao na nadidiktahan ng ibang tao. Mas gusto ko na sarili kong desisyon ang lahat.

"Kahit na hindi mo ako kinakausap. At least hinahayaan mo lang ako na bumuntot sa'yo."

Anumang oras ay gustong tumulo ng luha ko. Masyado na niyang binababa ang sarili niya. This is not the usual him. Mayabang, arogante at mataas ang tingin sa sarili, ganun ang isang Caleb Rye Santillan.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?" malamig na sabi ko habang umiikot ako.

Bakas sa kanyang mukhang ang pagtataka. His eyebrows narrowed. Pero nakangiti siya na parang timang. Gusto kong maasar lalo pa at nagpapanggap siyang hindi niya alam ang gusto kong ipunto.

My heart missed a beat. The way how he looked at me right now. Nangungusap na mga mata. Oo at nakikita ko kung gaano siya nasasaktan pero nandon 'yong pag-asa na magkakaayos pa rin kami.


"Yve, palabas lang namin ang lahat. Gusto namin ni Fretzie na maniwala silang nagkakagustuhan kami. Tapos makikita nila kung paano kami hindi ka-compatible. Na hindi na kami masaya sa isa't-isa. Para sila na din ang sumuko sa pagrereto sa aming dalawa.


Naiinip na ako na mayakap ka. Ayaw kong patagalin pa ang palabas namin ni Fretzie. Dahil ayoko na mawala ka pa."

---

"Ano ba naman kasi ang pinag-iinarte mo?"

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang lingunin ko si Fretzie. "How dare you." pabiro ngunit matigas na sabi ko.

After all, may kasalanan din naman siya sa mga nangyayari.


"Girls, 'wag kayong mag-away dito." pigil ni Josh.

"Hindi kami nag-aaway, sweetie." sagot niya sa nobyo. Halos maitirik ko ang mga mata ko pagkarinig sa tawagan nila. Hindi pa rin ako sanay. "Minumulat ko lang yang mga mata ni Yve na mukhang nakapikit pa rin hanggang ngayon. Hindi pa yata kumakawala ang likod sa kama."

"Bakit nga ba hindi mo pa patawarin si Caleb?" tanong naman ni Gretch. Kausap namin siya sa skype. Nasa Germany naman siya ngayon para sa isang fashion week.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Lalo pa nga at hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko para kay Caleb. Katulad dati, natulog lang naman iyon. At ang mga kaibigan ko. Heto at panay ang pagkukumadrona dito.

"What if—"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na iyon ni Fretz. "Sus, tigilan mo na ang what if na 'yan. Tumatakbo ang oras at baka pati si Caleb tumakbo na din palayo sa'yo. Ano?" nanlalaki ang mga matang turan niya.

That made my decision up. Hindi pa man hustong nakakatigil sa mismong harapan ng bahay namin ang sasakyan ni Caleb. Nagbilin na ako sa kapatid ko. "Papasukin mo na lang si Caleb. May kukuhanin lang ako sa kwarto ko."

Loving The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon