Kabanata 13

916 21 1
                                    

Kabanata 13

Kaiden

Hindi man lang nakuhang magpaalam ni Santillan. At sumama na siya duon sa bruhang si Fretzie.

Hindi ko maitago ang sama ng loob ko. Napansin man ni Daya ang literal na pagsimangot ko-habang nagliligpit ng gamit-nanatiling tikom ang kanyang bibig.

"Yve..." tawag ni Daya. Inilagay ko muna sa kahon ang huling hanger. Sold-out lahat ng items. "...okay na 'yan. 'Yong mga houseboy helper na lang naten ang magsi-seal niyan. Tutal sila naman ang magbabalik ng mga gamit sa bahay. Para naman makapagpahinga ka."

"Hindi na. Okay lang naman, tsaka wala naman akong masyadong ginawa."

"You're kidding. Hindi biro ang magpabalik-balik ka at magsalestalk. Even though, trying hard nga lang." nilangkapan niya pa iyon ng maikling tawa.

It doesn't sound like insult for me. Mas masakit pa ang ginawa ni Santillan.

"Hey, you want us to celebrate? Sa Infinity Club?" pukaw ni Daya sa pananahimik ko.

Iling lang ang naging sagot ko. Ganito pala ang masaktan ng taong gusto mo. Nakakawalang-gana. Hindi ko magawang kumilos. First time naman kasing mangyari sa akin ang bagay na ito. At parang ayaw ko nang maulit pa.

"Uuwi na lang ako."

"Ganyan ka naman, eh. Lahat na lang ng pagyayaya ko, tinatanggihan mo. Kailangan ko ba ngayon na i-blackmail ka para sumama ka?"


Tiningnan ko siya ng masama. Kahit na anong sabihin niya, hindi na niya ako maloloko pa. "Daya, next time na lang..."

"Kapag okay na 'yang puso mo." she shrugged her shoulders. Hindi na niya nakita ang ginawa kong matalim na tingin. Dahil mabilis niya akong tinalikuran. Habang kumakanta ng hindi ko alam kung anong title. Basta alam ko na pagsawi iyon.

THE NEXT DAY, namomroblema ako dahil next week na exam pero wala pa rin akong pambayad. Hindi ko na malaman kung saan ako kukuha. Nahihiya naman ako na mangutang kay Daya. Iyong sweldo ko naman sa mga magulang ay sa katapusan pa ng buwan, and it's two weeks after.

Halos masabunutan ko na ang sarili ko. "Saan ako kukuha ng pera?" ungot ko.

Tumitig lang ako sa kawalan habang napakahalumbaba. Dati-rati ang pinoproblema ko lang ay ang perang ipapadala ko sa probinsiya. Pero ngayon daig ko pa ang pasan ang mundo. Mabilis kong naipilig ang ulo ko. Hindi ito ang panahon para magablik-tanaw ako sa nakaraan. Ang kailangan ko ay gumawa ng paraan.

Naisip ko din na next year sa ibang university na lang ako mag-i-enroll. Hindi ko naman kaya ang napakamahal na fees ng SU. Palibhasa at mayayaman talaga ang mga estudyante dito. Hindi ko naman kayang makipagsabayan.

Hindi ko napansin ang walang humpay na pag-iingay ng cellphone ko. Sandali iyong tumigil tsaka tumunog ulit.

"Hello,"

"Hello?!" said the freaking tone in the other line. "Kanina pa ako tawag ng tawag, di ka naman sumasagot. Akala ko ba free time ka kapag ganitong oras? Busy ka ba?"

Pumikit ako at nagpakawala ng hininga. "Isa-isa lang ang tanong."

"Sorry..." paghingi ng paumanhin ni Daya.

Mayamaya lang ay naglalakad na ako papunta sa gym. Hindi ko alam kung bakit sumusunod ako kay Daya. Naboboring daw siya at walang makausap.

Malayo pa lang at nakikita ko na ang ulo ni Daya. May kasama siyang lalaki. Tatawagin ko sana siya pero bigla ang paglingon niya. Her cheeks flushed into red. Sandali siyang natigilan at nang mahimasmasan ay nagmamadali siyang lumapit sa akin.

Loving The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon