*Oh stop! catch your avatar, oh my avatar~~ you and me ~~*
Nagising ako sa bagong alarm tone ng cellphone ni Lola sa kabilang kwarto, lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto nya at kinuha ang Samsung galaxy pocket nyang cellphone at pinatay ang alarm.
Bumaba ako nang hagdan,
"Good Morning La!" bati ko kay Lola habang nag hihiwa ng carrots sa kusina, tumango naman sya at pinagpatuloy ang pag hihiwa.
"JB, mabuti pa't gisingin mo na ang kakambal mo, para matimplahan ko kayo, ano ba gusto nyo? Coff. .ee, Mil. . .k or Hot Choco. .late?" sabi ni Lola habang binabasa ang isang papel, ano yun kodigo?
"Hot Choco sakin La!" sabi ko tapos umakyat papunta sa ikalawang palapag ng aming bahay, di ako kumatok sa kwarto nya. Bukas ee, kaya pumasok na ako.
Nakita ko syang nakaupo sa kama, malapad ang ngiti at para syang sinaniban -_-
"Hi! Alam kong aakyat ka, pasabi kay Lola I want Coffee" -Sya
"Bat di ka bumaba at ikaw ang magsabi nyan?" sabi ko sa kanya tapos bigla syang tumayo nang nakangiting malapad, lumabas ng kwarto nang nakangiting malapad, bumaba ng hagdan ng nakangiting malapad at nahulog sa hagdan ng nakangiting malapad. At tumayo sa pagkakahulog ng nakangiting malapad!
"Ano bang meron JC at nakangiti ka ng malapad?" tanong ko
"Sssh! Bukas na ang alis natin, dapat di malungkot si Lola" bulong nya, tapos bigla syang sumigaw "Good Morning La, I want Coffee! Keopi joa haeyo!"
tss, kaming tatlo ni Lola Emy, JC at ako ang nakatira dito. Ang parents namin nasa SoKor kasama ng dalawa naming Ate~~
Si JC, Identical kami, yun bang mahirap kami idistinguish? Pero sasabihin ko difference namin, Una mas matanda ako ng 6 mins (so madidistinguish na namin kayo nyan?) , Pangalawa pag nakita mo kaming dalawa mas pogi ako kesa sa kanya, Pangatlo yung mga jaw namin mag kaiba, Pang apat may kulay ang buhok ko, Pang lima, galing syang ibang planeta ako galing earth, last at pinaka importante sa lahat, Abnormal sya Normal ako!
"Oh, ang mga inumin ninyo! bilisan nyo at magsisimba tayo dahil linggo ngayon"- Lola, at pumunta sa labas
"JB, I'll miss GrandMa~~"- Sino pa ba?
"Tigilan mo ko sa english mo! Alam kong nagbabasa ka ng mga libro ni J.K Rowlings! pero wala kang naisagot kung sino ang Author ng Harry Potter! kaya tumahimik ka" sabi ko habang pinapalamig ang Hot Chocolate ko
"Siguro di mo mamimiss si Lola? puro ka kasi Gold fish, Chocolate, Gold fish~~" sabi nya tapos nag cross arms, Isa lang ang masasabi ko
Budoy? -_-
"Mamimiss ko si Lola noh!!" sabi ko "Di ako puro Gold fish at Chocolate! Ikaw nga ee Pikachu? -_-"
"Pika pikachu, pika pika?"- JC, kukutusan ko to naiirita ako
"Ubusin mo nga yan!" sabi ko, tapos inubos ko yung hot chocolate ko. May narinig ako.
"one two three four"
"JC?" -tanong ko, humarap sya
"Miss mo ko?" sabi nya habang nakangiti ng malapad di ko pinansin tanong nya
"nagbibilang ka ba?" tanong ko
"HA? sino nag bibilang?" tanong nya, di ko matiis nahampas ko ng kaldero sa ulo
"SABI KO. NAG. BIBI. LANG. KA. BA?!" tanong ko
"Ah? ako? di ah!" sabi nya nagulat ako nang sumigaw sya "La? HAHAHAHAHA Fighting ^_^, JB si Lola nag bibilang HA-HA"
![](https://img.wattpad.com/cover/15469791-288-k126661.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hopeless
HumorThe story about six hopeless guys. At kung ayaw mo ng HUMOR story at puro ka ROMANCE sa katawan, pwes~~ MAWALANG GANA NA~~ -RabbitSsi ♥