>Mar's POV<
*Super Hero by Boyfriend Ins*
Nagising ako sa tunog nang alarm clock ko, 4:59 AM "1 minute nalang 5 na"
Tumayo na ako, at nag unat, tinignan ko sila JB at JC mahimbing ang tulog nila, habang humihilik. Si JC, nakahiga sa lower bunk yakap yakap ang pinakamalaking Stuff toy nya ng Pikachu. Si JB naman, nasa Upper bunk yakap yakap ang Unan nya. Haaay, mukha silang mga anghel. Pagtulog
Lumabas nako nang kwarto, magluluto nalang ako ng pang breakfast namin, masyado ba ako maaaga magising? nag eexercise kasi ako tuwing umaga.
Pumasok ako sa kwarto nila Justine, by height kasi ang arrangement namin bakit?
(AN: Facundo, ang mahiwagang magnifying glass, mag faflashback tayo)
*Flashback*
Habang nag hahapunan kami,
"MGA BRUUU, San pala tayo matutulog?" tanong ni Ely, tinignan naming lahat si Justine since sya ang nakakatanda sa aming lahat
"Ely bobo ka talaga! Malamang sa kwarto! Sa bed! Bakit gusto mo ba sa restroom?" Sabi ni Justine
"Grabe ka naman Bruu! Ikaw ata bobo e! Anong restroom? Baka CR! Comfort room ba? Pang hotel lang yung restroom e! Nasa hotel ba tayo? BOBO BOBO" depensa ni Ely
"Pare bobo ka! Sabi nga daw wala talagang term na CR or Comfort room e! Bobo ka talaga!!" Sigaw ni Justine
"Tumahimik na kayo nasa harap tayo ng hapag kainan" sermon ni JM
"Since, ako ang nakakatanda sa inyo. At talagang napaka grade conscious" sabi ni Justine, totoo yun kasi running for valedictorian sya "Yung mga matalino magkakasama, bali ako si JM at JB sa may Aircon na room"
"BRUUU! Hindi maaari yang iniisip mo! Ayoko ko! Hindi maari! No way!" Sigaw naman ni Ely
Sira kasi yung aircon ng isang kwarto.
"Bakit?" -JM
"Justine, JM hindi porket matataas mga grades nyo e inyo na ang aircon! Nag aabagan tayo dito diba?!" Sigaw ni Ely, pero naglabas na ng one whole si Justine
"Eto, since ako ang Top 1 nang klase natin!" Sabi ni Justine, tapos sulat lang sya ng sulat "Eto na" tinignan namin yung papel, pero inagaw nya "Eto, ako, si JM at JB sa kwartong may aircon. Bakit? Ang average ko ay 93.99, kay JM naman ay 90.83 kay JB naman ay 89.87! Tatlo lang kami, dahil isang deck at master bed lang. Dun tayo sa Kwartong walang Aircon si Mar ay may average na 87.99 si JC at Ely hindi ko alam, pero since lagi naman kayong nag kokopyahan mas okay nang mag kasama kayo" sabi nya. Maski ako na unfair-an
"HINDI! AYOKO NYAN! Ibahin natin, pa gwapuhan nalang!" -Ely
"Kahit pa pagwapuhan ang arrangement, sa kwartong walang aircon ka parin nakatadhana Ely"-JM
"Bakit? Ako pinaka gwapo, sunod si JM tapos yung kambal tapos si Mar tas last si Justine kasi kirat sya!" -Ely
"WAG MO NGA IARRANGE ANG PAGWAPUHAN MULA SA BATA HANGGANG MATANDA? AT TALAGANG INUNA MO SARILI MO?"-Justine, ang ingay na nila, tinignan ko yung kambal nakanganga lang sila
"Wag kayong magsigawan nasa hapag pa tayo! Payaman nalang" -JM
"BAKIT BA LAHAT NANG NAPIPILI NYO LAGI AKONG PANGHULI?" Sabi ni Ely, at huminga ng malalim "Ayaw nyo ba akong natutulog sa may aircon? Ngayon lang ako makakaranas ng aircon sa tanang buhay ko!" Medyo naawa naman kami sa kanya
BINABASA MO ANG
The Hopeless
HumorThe story about six hopeless guys. At kung ayaw mo ng HUMOR story at puro ka ROMANCE sa katawan, pwes~~ MAWALANG GANA NA~~ -RabbitSsi ♥