Secret no.03: Welcome to Magnum

3K 59 12
                                    

ILANG MINUTO RIN AKONG NAKATANGA sa harapan ng masasabi kong bago kong bahay. Isa itong sa palagay na nating state of the art na klase ng bahay pag dating sa mga disenyo nito.

"Pumasok kana iho!" yaya sa akin ni Mr. Ernesto.

Ayoko sanang pumasok dahil hindi pangkaraniwan ang nararamdaman kong kilabot. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan ng ilapat ko sa lupa ang mga paa ko. Sabayan pa natin ng malamig na hangin na hanggnag sa ikabuturan ng aking buto ay tila nakakapasok.

Tumingin muna ako sa muka ni Mr. Ernesto bago ko simulan ang aking pag lalakad. Dinala ako ng aking mga paa hanggang sa pintuan ng malaking bahay. Pag ka yuko ko ay nakita kopa ang nakalagay na doormat na nakalay ay welcome. Pero sa palagay ko eh hindi ako mawewelcome dito.

Secret no.03: Welcome to Magnum - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D

Nagulat nalang ako dahil biglang bumukas ang ilaw sa loob. Alam ko yun dahil gawa sa salamin ang ilang bahagi ng pintuan kaya naman kita mo ang loob.

Pag bukas nito ay sinalubong ako ng isang matandang babae na sa palagay ko eh nasa 40 edad na. Niyakap niya agad ako. Ano kami close agad!!!

"Nako iho. Matagal ka nanaming hinihintay. Welcome sa Magnum Academy!" bungad niya sakin. "Ako nga pala si Mrs. patty ang magiging pangalawa mong nanay dito." pahabol niya.

"Maraming salamat po!" mahina kong tugon.

Agad na akong pumasok sa naturang bahay. Pag pasok ko ay Bumungad sa akin ang kanilang lobby. Kulay pula ang mga ding ding nito na parang may black design. Carpeted ang sahig at may isang kaakit akit na chandilter.

Napamangha ako. Sandali kong binaba ang aking gamit sa sahig ng lobby. Pasensya na dahil ngayon lang talga ako nakakita ng katulad nito.

Tinawag ako ni Mrs. Patty. kasalukuyan na siyang nasa hagdanan at winagayway niya ang kayang kamay na senyales na lika na.

Nag tungo na kami sa second floor ng malaking bahay na yon. Binuksan ni Mrs. Patty ang ilaw sa hall way. Bumungad sa akin ang isang mahabang hallway na sa gilid ay puro pintuan. Bawat pinto ay may nakalagay na numero.

"Anong numero ng kwarto mo?" wika niya sa akin.

Agad kong binuklat ang maliit na puting papel na nakuha ko sa imbitasyon.

" 3 - 6 - 0 - ho. ayon dito.'' sabi ko.

Agad kaming nagpunta sa kwartong may nakalagay na 360 sa pintuan. Pag dating doon ay iniwan na ako ni Mrs. Patty.

"Matulog ka muna at bukas ng umaga. Gigisingin ka na lang kita." wika niya sabay alis.

Ang tahimik ng buong hall way. Mas lalo pa kong natakot dahil ako na lang mag isa. May mga ilaw naman na nanggagaling sa wall light sa bawat kwarto pero basta nakakatakot parin.

Agad ko ng binuksan ang pintuan. Madilim doon. Wala kong makita. Binuksan ko ang dala kong sinaunang cellpohne para gawing flash lidght. Kahit papano naman ay nakakatulong ito sa pag tingin ko sa dilim. Peste hindi korin makita ang switch ng ilaw. Hnaggang may natabig ako.

"Aaryyyy!!!!" wika nito.

Biglang bumukas ang ilaw. isang lalaki pala na himbing na himbing sa pag tulog ang nagising ko.

"Pasensya na!' pag papatawad ko.

Kinuha ng naturang lalaki ang kanyang salamin at tinignan niya ko simula ulo hanggang paa. Payat ito. Clean cut ang buhok at mukang matalino.

"Bago ka dito?" wika niya na parang nananginip pa.

"Oo bago lang." sabi ko.

"Ako nga pala si Michael." pagpapakilala niya habang naka labas ang kamay niya at handang makipag kamay.

"Joshua nga pala ako." wika ko ng  nakipag kamay din.

Agad na akong nagputa sa kabilang kama at nilapag ko muna ang aking malaking bag sa may ilalim ng kama

Pinatay ko na nag ilaw at kamiy natulog na.

X~X~X

Nagising ako sa sikat ng araw. Nag rereflect kasi sa salamin na malapit sa kama ko ang liwanag nito. Pag bangon ko ay nakita ko naman si Michael na nag susuot na ng sapatos.

"Musta tulog mo?" tanong niya sa kain.

"Okey lang namn ." sagot ko habang nagpaupunas pa kong muta.

"Dali na at handa na ang almusal." wika niya.

Naligo na ako at nagpalit ng damit. Sabay kaming nag punta ni Michael sa dining area. Feels like home ang tema. May walong upuan sa lamesa. Sa gitna ng hapag kainan ay may maliit na chandelier. Pawang brick red ang wall paper ng dining area kaya naman eh nakakadag dag ito ng gana sa pag kain. Mala ueropean nag dating ung mga nakikita ko sa internet.

Dumating narin si Mrs. Patty. Malayo pa lang siya pero amoy na amoy ko na ang dala niyang pag kain.

"Tarannnnn!" wika niya pag baba niya ng pag kain. 

"Kompleto ahh!" sabad ko naman .

"Syempre yan ay english breakfast!." ika ni Mrs. Patty.

English breakfast meron itong itlog, sausage, hashbrown, black fudding at kung ano ano pang hindi sakin pamilyar. at may gatas pang kasama. 

"Enjoy your food sabi ni Mrs. Patty. Sabay alis.

Masarap ang pag kain. kakaiba ang lasa nito walang kapares. Walang sinabi kahit yung mga nabibli na pag kain sa mga karinderya. Pero isa lang ang napansin ko. 

"Michael bakit tayo lang?" tanong ko.

"Nako may mga hang over pa kasi yung iba yaan mo makikilala mo rin sila mamaya." wika nito.

"Ganon ba?" matabang na sagot ko.

Excited pa naman akong nagpunta rito. Pero ang tanong excited kaya silang makita ako???

Pagkatapos kumain ay nagbihis na ako ng uniporme na bigay nila sa akin. Kasabay noon ay binigyan din nila ako ng mga gamit ko. Tapos non ay nagpunta na kaming klase ni Michael.

"Wow!" yan nag tanging nasabi ko pag pasok ko sa eskwelahan. Malaki pala talaga ang buong Magnum. Di ko kasi nasilayan ito kagabi dahil madilim. 

"What do you think?" tanong sa akin ni Michael.

"Grabe ang laki saka ang ganda." pagkamangha ko.

Maganda ang pagka gawa ng buong Magnum. Bago ka pumasok sa entrance ng school ay bubungad muna sayo ang isang malaking garden. Pag pasok mo sa loob ay isang magandang lobby din ang bubungad sayo sa kanan at kaliwa naman nito ay dalawang magkabilang hagdanan na tungo sa mga silid.

Nagpunta na kami ni Michael sa aming kwarto. Wala pang masyadong tao. Ako lang si Michael at isang babae na sa palagay ko ay maarte dahil . Todo tingin ito sa kanyang salamin.

"Oy patricia!" bati sa kanya ni Michael.

"Mornig. Ang who he is? tanong nito.

"Siya nga pala si Joshua.' pakilala sakin ni Michael.

Kumaway lang ng saglit si Patricia sa akin. Ngunit hanggang dun lang. Haiii pano pa kaya yung dating sakin ng iba?

Dumami na ang mga pumasok na estudyante. Gusto ko pasana silang makilala pero mamaya na. Duamating narin ang aming guro. Ang pakilala niya siya daw si Mr Bandom. Math teacher namin. Grrrr! ang inaayawan kong subject sa tanang buhay ko.

Pinakopya niya muna kami ng Lesson tapos later na lang daw niya i didiscust. As always.

Habang busing busy naman ako sa kakokopya sa black board ay. Bigang pumasko ang isang lalaki sa room namin.

Muka itong nakakatakot. Nakaitim ito at sa palagay ko ay hindi siya guro dahil narin sa way niya ng pag dadamit. Para siayng tiga bantay sa nito sa sementeryo.  Agad siyang bumulong sa guro namin at umalis na.

"Mr. joshua Alumpihit" punta ka sa deans office.  wika ni mr. Bandom

Magnum Secrets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon