NAGISING LAHAT NG ESTUDYANTE sa sigaw ko. Naririnig ko lang ang kanilang mga yabag dahil narin eh ayokong imulat ang mga mata ko.
"Anong kaguluhan dito?" wika ni Mr. Gregory pag dating niya.
Nahuli niya ako sa ganong pusisyon. Nakaupo at Nakapikit ang mga mata. Habang pinalilibutan ako ng iba pang estudyante na nagising yata sa pag sigaw ko.
Secret no.05: The Bloody Suffer - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Pag mulat ko ay nakatingin sa akin lahat ng mga mata nila. Ang iba ay nagkikita kong nagbubulungan ng "Anong nangyari?" Habang ang iba naman ay nagtataka sa akin. Unti unti kong tinaas ang aking ulo at nandon parin ang babaeng naka puti. Hinawi ni patricia ang buhok nito at nalaman naming si Ashley ang naturang nakaputing babae. Nag sleep walk pala.
Pambihira sabi ko sa sarili ko. Halos mamamtay na ako sa takot pero buti na lang eh si Ashkey lang pala. Pero hindi pa tapos ang takot ko dahil ang next naman na haharapin ko ay si Mr. Gregory.
Dinala niya ako sa Deans office. Sa inis nito ay nagsindi nanaman siya ng mabahong amoy ng kanyang sigarilyo.
"Anong gingawa mo sa gantong oras ng gabi?" tanong niya sa akin.
"Iinom lang po sana akong tubig." sagot ko.
"Alam mo naman ang kauna unahang rules dito diba?" wika naman nito na halos lumalaki nanaman ang mata.
Mukang na te tense itong si Mr. Gregory nanginginig ang kamay niya. Parang mananaksak.
"Sige sa ngayon ay pagbibigyan pa kita. Pero may kasabay na yan na parusa. sa susunod." Pananakot nito.
"Oho. sabi ko ng nakayuko.
Lumabas na ako ng office ni Mr. Gregory. Sa labas ay hinihintay ako nila Michael.
"Dude anong ngayari?" tanong nito.
"Bibigyan padaw ako ng isa pang pagkakataon." sabi ko.
"Nako dude buti naman. Lika na tulog na tayo." wika niya sa akin.
Nagsibalikan na ang lahat sa kani kanilang mga silid. Pero yung iba ay hindi parin mapiiglan ang pag bulong para sialg mga bubuyog kung mag bulungan sabayan pa natin ng pag tingin sa akin. Haiii nako. Hindi na talaga maubusan ng chismosa sa mundong ito.
X~X~X
Na late na kong gising kinabukasan. Pano naman kasi eh hindi muna ako nakatulog sa nangyari. Langya kasi tong si Ashley eh. Tinakot ako nag sobra.
Pag upo ko sa dinig area ay nagbubulunga parin si Rupert at Goldie pero parang alam ko na ang pinag uusapan nila.
"Musta ang tulog mo scream boy?" tanong sakin ni Patricia na medyo tumatawa pa.
"Okey lang." sagot ko na medyo nahihiya.
Sabay tawa naman ng malakas ni Rupert hindi na hindi yata niya mapigilan ang pa ngungutya sa kin.
"Rupert tigilan mo na nga yan." saway naman ni Goldie sa kanya.
Si Ashley naman ay nakatahimik lang sa may gilid at tila nahihiya sa ginawa niya sa akin kagabi. At walang anu anuy bugla siyang lumapit sa akin.
"Joshua sorry ahhh. Hindi ko sinasadya." pagpapatawad niya.
"Nako wala yun." sabi ko naman sabay ngiti.
Agad namang dumating si Mrs. Patty na may dalang isang malaking lalagyan. Nilapag niya ito at binuksan.
"Wow!" bulalas ni Michael na nakita ang favorite niyang spaghetti.
Mukang espesyal ang niluto na agahan samin ni Mrs. Patty. Amoy na amoy ang aroma nito na sariwang kamatis at amoy ng oregano. Sabayan pa natin ng malalaking hiwa ng sausage salami at malalaking hiwa ng chesse.
"Bon appetit" wika nito samin.
Ha ha ang lakas talaga nitong maka italyano ni Mrs. Patty.
X~X~X
Nagpa quiz si Mr. Hugo sa english. Langya! pinagsulat ba naman kami ng 100 word about our self. Ano naman kayang isusulat ko dito. Bukod sa salitang dukha!
Halos nagka bali bali ko ang cells sa utak ko sa ginawa ko. HIndi ko narin tinignan kung tama ba naman ang mga grammar ang spelling ko. basta isa lang ang alam ko. Tapos na ko.
"Pass your paper!" wika ni Mr. Hugo. habang nakataas ang noo.
Kasabay non ay biglang ng ring ang bell! KRIGGGGGGG!
Buti naman ay tapos na ang isa sa mga disaster na tagpo ng araw na ito. Tapos nun ay napansin ko si Ashley sa may gilid ng bintana. Mukang may malalim na iniisip. Parang semana santa ang muka.
"Dude pansinin mo si Ashley kanina payan ganyan." sabi ko kay Michael.
"Oo nga. Pero sanay na kami dyan palagi namang ganyan yan eh. Nakakatakot lapitan parang mananakmal bigla." pabirong sabi ni Michael.
Nakita ko namang sinusuyo ni Goldie ang kaibigan pero parang nag thank you lang ito sa kanya at pinag patuloy lang niya ang pag sesenti sa may harap ng bintana.
Nasa sala na ng boarding school ang lahat ng tinawag kami ng Mrs. Patty para kumain na.
Ginigiling giling pa nito ang kanyang bewang habang dinadala ang kanyang favorite creation ngayong gabi. Ang sinampalukang manok.
Halos naglalaway na ako sa asim ng nasabing lutuin ng biglang may napansin si Patricia.
"Teka nassan si Ashley?" wika nito sa marahan ng boses.
"Baka nagmumukmok sa may taas!" pabirong sabi ni Rupert habang kumukuha na ng kanin.
"Sige tignan ko nalang." sabad naman ni Goldie habang papa tayo na sa upuan.
Habang papunta na si Goldie sa may taas upang puntahan si Ashley ay. Nag sikuhaan na ang lahat ng kanin.
Halos parang mauubusan na naman nang kanin tong si Rupert. Biruin nyo nakakuha na nga siya eh. Kukuha pa ulit. Talaga naman ohhhhh!
Habang kumukuha si Patricia ng kanin ay may tumulong dugo mula sa itaas ng kisame.
Una patak patak lang ito. Ngunit sinundan ito ng mas malakas na tagas.
Halos mapuno na ang plato niya ng dugo na nag mumula sa kisame. Unti unting dinutdot ni Patricia ang kanyang kamay mula rito at inamoy. Dun lang niya nakomperma na dugo talaga ito.
Lahat ay nabigla! Hindi agad kami nakapag salita. Sino ba naman kasing makakakain sa harapan ng hapang kainan habang may tumutulong dugo? Ang sagot wala!
Agad akong tumingala kitang kita ko pa buhat sa itaas ang malapot na pagtulo ng sariwang dugo.
"Ano ba ang kwarto na katapat ng hapag kainan?" wika ko sa pag tataka.
"Ang kwarto nila Ashley!" agad namang sagot ni Patricia.
Agad namang tumindik ang aming balahibo dahil biglang sumigaw si Goldie mula sa taas.
AHHHHHHH!!!!!
Na halos marinig ito hanggang sa buong campus.
_________
Author's Note"
Kung nakarating ka sa puntong ito nang pagbasa ng Magnum Secrets ay nagpapasalamat po ako sa inyong pagtangkilik. Pero ang iba pong chapter ng nobelang ito ay iyo pong mababasa sa Dreame.com. Opo tama po kayo ito po ay isang platform na katulad ng wattpad. Complete and remastered!
Hihintayin kopo kayo sa dreame. Just type my pen name Azulan. Thank you po ulit and God bless.
Its me Azul :)
BINABASA MO ANG
Magnum Secrets (Completed)
Tajemnica / ThrillerNapili si Joshua na maging scholar ng isang exclusive school ang Magnum Academy. Pabor naman ito sa binata dahil sa kabila ng may sakit ang kanyang ina ay isang kahig isang tuka pa sila. Okey naman ang mga unang araw niya rito hanggang dumating ang...