Liksyon 1: Si Apostol Pablo sa Roma

62 2 0
                                    

HAPON NG SABBATH:

Basahin Para sa Pag-aaral sa Linggong Ito: Roma 15:20-27; Gawa 28:17-31; Filipos 1:12; Roma 1:7; Efeso 1; Roma 15:14.

Talatang Sauluhin: "Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan." (Roma 1:8, TAB)

Mahalaga para sa mga mag-aaral ng Akat ng Roma na maunawaan ang nasa likod na kasaysayan ng aklat. Mahalaga ang bawat konteksto sa pagsaliksik na maunawaan ang Salita ng Diyos. Kailangan nating malaman at maunawaan ang mga isyu na pinag-uusapan. Si Pablo ay sumusulat sa isang tanging grupo ng mga Cristiano sa isang takdang panahon at para sa isang tiyak na dahilan; na malaman ang dahilan hangga't maaari ay isang dakilang kabutihan para sa ating pag-aaral.

Kaya't, balikan natin ang panahon. ating ibalik ang ating mga sarili sa unang siglo sa Roma, maging miyembro ng mga kapulungan doon, at pagkatapos, bilang isang miyembro ng unang siglong iglesia, tayo ay makinig kay Pablo, at ang mga salita na ibinigay sa kanya ng Banal na Espiritu para ipahayag sa mga mananampalataya sa Roma.

Ngunit gaano man na ang kagyat na isyu ay para sa panahong pinupuna ni Pablo, ang mga prinsipyo sa likod nito - sa pagkakataong ito ang tanong na Paano maligtas ang taong ito? - ay pang kalahatan. Oo, si Pablo ay nagsasalita sa isang tiyak na grupo ng mga tao; at oo, siya ay may tiyak na isyu sa isipan nang sulatin niya ang liham. Ngunit gaya nang alam natin, maraming siglo ang dumaan sa isang lubos na ibang panahon at konteksto, ang mga salitang sinulat niya ay ayon din sa panahon ni Martin Luther kung paano ito angkop sa panahon nang sulatin ito ni Pablo. At ito rin ay angkop sa ating panahon ngayon.

*Pag-aralan ang ating liksyon sa linggong ito bilang paghahanda sa Sabbath, Oktubre 7.


=======================

Muling inilimbag sa Pilipinas ng Philippine Publishing House sa ilalim ng espesyal na pakikipag-ayos sa PACIFIC PRESS PUBLISHING ASSOCIATION ayon sa kapahintulutan ng General Conference Church Ministires Department.

Produced by the General Conference Office of Adventist Mission. email: info@adventistmission.org website: www.adventistmission.org

© All Rights Reserved. No part of the Adult Sabbath School Bible Study Guide may be edited, altered, modified, adapted, translated, reproduced, or published by any person or entity without prior written authorization from the General Conference of Seventh-day Adventists.

SALVATION BY FAITH ALONE: ANG AKLAT NG ROMA [TAGALOG, 4Q]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon