1.1 [Linggo]: Ang Sulat ni Apostol Pablo

67 2 0
                                    

Ipinakikita ng Roma 16:1,2 na isinulat marahil ni Pablo ang Aklat ng Roma sa Cenchreae, isang lungsod sa Grecia na malapit sa Corinto. Ang pagbanggit ni Pablo kay Febe, isang mamamayan sa kalakhang Corinto, ay nagpatatag na ang lugar na iyon ang dahilan ng nasa likod ng liham para sa mga taga-Roma. 

Isa sa mga layunin sa pagtiyak ng lungsod na pinanggagalingan ng sulat ng Bagong Tipan ay para masukat ang panahon ng pagkasulat nito.  Dahil laging naglalakbay si Pablo, ang malaman ang kanyang kinaroroonan sa isang tiyak na panahon ay nagbibigay sa atin ng pahiwatig tungkol sa panahon. 

Itinatag ni Pablo ang iglesia sa Corinto sa kanyang ikalawang paglalakbay misyonero, A.D. 49-52 (tignan ang Gawa 18:1-18). Sa kanyang ikatlong paglalakbay, A.D. 53-58,  kanya muling binisita ang Grecia (Gawa 20:2, 3) at tinanggap ang handog para sa mga banal sa Jerusalem noong malapit nang magtapos ang kanyang paglalakbay (Roma 15:25,26). Kaya't, ang Liham para sa mga taga-Roma marahil ay isinulat sa unang buwan ng A.D. 58.

Ano pang ibang mahahalagang iglesia ang binisita ni Pablo sa kanyang ikatlong paglalakbay misyonero? Gawa 18:23.

Sa pagbisita sa mga iglesia sa Galacia, nadiskubre ni Pablo na sa panahon na wala siya ay hinikayat ng mga maling guro ang mga miyembro na ipailalim sila sa pagtutuli at tuparin ang mga alituntunin ng kautusan ni Moises. Dahil natatakot siya na ang kanyang mga kaaway ay unang makarating sa Roma bago siya dumating, sumulat si Pablo ng liham (Roma) para biguin na maganap ang kaparehong trahedya sa Roma. Pinaniniwalaan na ang Sulat para sa Galacia ay sinulat din mula sa Corinto noong tumigil doon si Pablo nang tatlong buwan sa kanyang ikatlong paglalakbay misyonero, marahil ay ginawa kaagad matapos na siya ay dumating doon.

"Sa kanyang sulat para sa mga taga-Roma, itinatag ni Pablo ang mga dakilang prinsipyo ng ebanghelyo. Ipinahayag niya ang kanyang posisyon sa mga tanong na gumugulo sa mga iglesia ng mga Judio at mga Hentil, at ipinakita ang mga pag-asa at ang mga pangako na minsan ay para lamang sa mga Judio na ngayo'y inihahandog na rin sa mga Hentil." - Ellen G. White, [The Acts of the Apostle, p. 373].

Gaya nang sabi namin, mahalaga sa pag-aaral ng alinmang aklat ng Biblia na malaman kung bakit it isinulat; iyon ay, anong sitwasyon ang sinasagot nito. Kaya't, mahalaga para sa ating pang-unawa ng Sulat para sa taga-Roma na malaman kung aling tanong ang nagpapagulo sa mga iglesya ng mga Judio at Hentil. Ang liksyon sa susunod na linggo ay sasagutin ang mga tanong na ito. 

Anong uri ng mga isyu ang gumugulo sa iyong iglesya sa kasalukuyan? Ang mga banta bang ito ay nasa loob o nasa labas? Anong papel ang ginagampanan mo sa mga debateng ito? Gaano kadalas kang tumigil para tanungin ang iyong sarili tungkol sa iyong papel, ang iyong posisyon, at ang iyong isipan sa anumang pagpupunyagi na iyong haharapin? Bakit mahalaga ang ganitong pansariling pagsusuri?


=================================

Muling inilimbag sa Pilipinas ng Philippine Publishing House sa ilalim ng espesyal na pakikipag-ayos sa PACIFIC PRESS PUBLISHING ASSOCIATION ayon sa kapahintulutan ng General Conference Church Ministires Department. 

Produced by the General Conference Office of Adventist Mission. email: info@adventistmission.org website: www.adventistmission.org 

© All Rights Reserved. No part of the Adult Sabbath School Bible Study Guide may be edited, altered, modified, adapted, translated, reproduced, or published by any person or entity without prior written authorization from the General Conference of Seventh-day Adventists.

SALVATION BY FAITH ALONE: ANG AKLAT NG ROMA [TAGALOG, 4Q]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon