"Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego. Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya" (Roma 1.16-17, TAB). Ano ang sinasabi ng Roma 1:16,17 sa iyo? Paano mo naranasan ang mga pangako at pag-asa na natagpuan sa mga iyon?
Mayroon ilang mahalagang salita na lumabas sa mga talatang ito:
1. Ebanghelyo. Ang salitang ito ay mula sa Griyego na mayroong literal na kahulugang "mabuting mensahe" o "mabuting balita." Kung wala itong kasama, ito ay maaaring maiugnay sa alinmang mabuting mensahe; ngunit dahil ginamit na kaugnay sa pariralang "kay Cristo" ito ay nangangahulugang "ang mabuting balita tungkol sa Mesiyas" (Ang Cristo ay isang salitang Griyego na may kahulugang "Mesiyas"). Ang mabuting balita ay dumating ang Mesiyas, at ang mga tao ay maliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya. Na kay Jesus at sa Kanyang sakdal na katuwiran - at hindi sa ating mga sarili, o kahit na sa kautusan ng Diyos-makakatagpo ng kaligtasan.
2. Katuwiran. Ang salitang ito ay nakaugnay sa uri ng pagiging "mabuti" sa Diyos. Isang espesyal na kahulugan ng salitang ito ay nabuo sa aklat ng Roma, na ating ilalabas mula sa aklat na ito habang patuloy ang pag-aaral dito. Dapat na pansinin na sa Roma 1:17 ang salita ay pinahalagahan ng mga salitang "ng Diyos." Ito ay katuwiran na mula sa Diyos, isang katuwiran na Diyos mismo ang nagbigay. Gaya ng ating makikita, ito lamang ang katuwiran na sapat na magdadala sa atin sa walang hanggang buhay.
3. Pananampalataya. Sa Griyego ang salitang ito ay isinalin bilang "paniniwala" at "pananampalataya" sa mga talatang ito ang pandiwa at ang pangngalan ay binubuo ng magkaparehong mga salita: pisteuo (paniniwala), pistis (paniniwala o pananampalataya). Ang kahulugan ng pananampalataya ay kaugnay sa kaligtasan na lalabas habang nag-aaral tayo sa aklat ng Roma.
Ikaw ba ay nakikipagpunyagi sa katiyakan? Mayroon bang pagkakataong ikaw ay totoong nag-aalinglangan kung ligtas ka nga ba o hindi, o kung pwede ka pang maligtas? ano ang nagdadala ng ganitong takot? Ito ba ay nakabase sa katotohanan? Iyon ay, maaari kayang ikaw ay nabubuhay sa isang uri ng pamumuhay na tumatanggi sa paghahayag ng pananampalataya? Kung ganito, anong pamimili ang dapat mong gawin para magkaroon ka ng mga pangako at katiyakan na nakay Jesus ka?
=======================
Muling inilimbag sa Pilipinas ng Philippine Publishing House sa ilalim ng espesyal na pakikipag-ayos sa PACIFIC PRESS PUBLISHING ASSOCIATION ayon sa kapahintulutan ng General Conference Church Ministires Department.
Produced by the General Conference Office of Adventist Mission. email: info@adventistmission.org website: www.adventistmission.org
© All Rights Reserved. No part of the Adult Sabbath School Bible Study Guide may be edited, altered, modified, adapted, translated, reproduced, or published by any person or entity without prior written authorization from the General Conference of Seventh-day Adventists.
BINABASA MO ANG
SALVATION BY FAITH ALONE: ANG AKLAT NG ROMA [TAGALOG, 4Q]
SpiritualitéIt was in Romans that Luther found the great truth of "justification by faith" alone. It was here that this man, struggling with assurance of salvation, uncovered the great truth-not just of Romans, not just of the New Testament, but of the entire B...