Chapter 7
- Hina's POV-
Nanuod kami ng movie... tapos tumingin tingin kami ng books... di ko alam na ganito pala tong ugok na to...
Maganda siya kasama kasi nga madami siyang nakwekwento at alam na alam niya kung ano ang gusto ng babae...
Wait, don't tell me nahuhulog na ako sa kanya?
Asa naman siya ah!!!
Remember Hina, dapat siya ang mainlove sayo hindi ikaw... sa dami ba naman ng kasalanan niya sa yo...
He treated me some coffee at starbucks... tapos nag-usap kami.
"Para talagang nakita na kita somewhere..." sabi niya.
Whether he's talking about somewhere like Philippines, or somewhere like bulletin boards or newspapers... I couldn't take the risk of giving him a clue.
Malamang alam na niya na yung dating Nina is ang Hinang pinag-uusapan ng buong mundo dahil sa engagement nila ni Dane... pero ewan ko sa kanya, is he taking a gamble?
"Tanong ko lang, di ba sabi mo galing kang Japan... kailan ka dumating dito at bakit?"
Bigla ba naman siyang sumimangot. Di yung pangloko pero para talagang...
Natamaan ko siya sa sensitive part ng buhay niya.
"Dumating ako dito 5 days ago at kaya ako pumunta dito ay dahil may hinahanap akong babae."
Don't tell me ako yun?
"Babae? Girlfriend mo?"
"Oo..."
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko and I was like... trapped in time... pero biglang nawala eh, kasi tumawa tong lalaking to!
"WAHAHAHA!!! Uto-uto!!" nakalean siya sa chair niya habang tumatawa, nakahawak yung isa niyang kamay sa chan niya at yung isa naman nakaturo sa akin.
Kinuha ko glass of water na malapit sa akin tapos tinapon ko sa kanya.
Napatayo siya, gulat na gulat.
At binalisan ko siya ng tawa.
"WAHAHAHHAHA! ANG PANGIT MO!" sigaw ko.
Pinagtitinginan kami nung mga tao, tsk, tapos may narinig pa akong, "Uy ang sweet nila..." *
Ganun?
Sweet na yun?
Yung mukha niya, naiinis pero natatawa?
Tawa lang kami ng tawa HAHAHAHAH.
Malamang nilabas nalang namin yung coffee namin tapos nagpasama siya sa may damit ng mga lalaki.
Ako yung namili ng mga damit.
Nakapants siya kanina eh... anong maganda???
Pinilit ko siya na muna na siya sa dun sa cubicle na pagpalitan... tapos ako ang namili ng damit niya.
Kumuha ako ng stripes na t-shirt with collar tapos pants with belt na pang nerd nge, yung naka-connect sa shoulders. Tapos kumuha na rin ako ng nerd glasses na fake.
Pina-try ko sa kanya....
Tapos nagcomplain siya nung nasuot na niya pero kinuha ko kasi yung basa niyang mga damit kaya no-choice siya kundi lumabas ng nakaganun.
At naka-ready yung camera ko.
HAHAHAHA bagay niya, paano ba naman kasi, nakahawak siya dun sa tali sa chest niya tapso naka-dungkug pa siya WHAHAHAHAH
BINABASA MO ANG
FAKE BRO Gangster King
Novela JuvenilHina is engaged with someone... ayos na buhay nila eh... pero bigla nalang dadating yung former brother niya. Anong gagawin niya?!