6 days to fall in love (KathNiel One Shot)

4.2K 98 46
                                    

Dedicated po sa kanya, nakikiFC lang po ako :P pero sakanya ko po naisipan magsulat ng isang KathNiel FF =))) Hihihihi.

Copyright © 2012 Mariangmanunulat - All Rights Reserved.

DO NOT PLAGIARIZE.

***

This unexpected love attacked me, within 6 days, I have fallen in love.

But for him? Is this love? Or just a deal? A game? A bet?

In this bet, I lost because I have fallen for him. How about him? Did he also lose 'cause he has fallen for me, too?

***

" Di ka ba nalulungkot? Kasi single ka? " - tanong sa akin ni Kurt

Michael Kurt Razon pangalan niya. Gwapo, ideal boyfriend. Ang saya ko nga ngayon e kasi naman nasa park kami, kaming dalawa. Bakasyon kasi ngayon e kaya palibot libot nalang kami sa park. Pero kanina andito mga barkada namin kaso naman iniwan kami, lahat kasi sila may girlfriend at boyfriend na.

" Bakit naman ako malulungkot? Single ako pero masaya pa rin ako " - sagot ko

Di na siya nagsalita ulit pati ako, nasa park pa rin kami.. Nakaupo, walang imikan, diretso lang ang tingin namin sa mga batang naglalaro dito sa park..

Mukhang ang ang lalim ng iniisip niya..

"Kathleen"

Tinawag niya ako. Ako pala si Kathleen Padilla, ang alam ko lang sa sarili ko, girlfriend material ako. Feeler. Wahaha!

" Bakit? " -sagot ko tsaka ko siya tinignan

Tumingin rin siya sa akin, titig pala. Nakakatunaw..

"Laro tayo" -sabi niya ng seryoso

Laro?!!! Anong klaseng laro?!! Grabe naman to, nagaaya nalang ng laro ganyan pa mukha niya. Gwapo niya pero kinikilabutan ako e >_<

"Laro? Tagutaguan? Ah! Badminton? Ano?" -sagot ko

Para naman siyang bata nagaaya mag laro. Napatawa siya sa sagot ko.

" Single ka. Single ako. Laro tayo. Maging tayo sa loob ng 1 week. Sinong mainlove talo ha? Bawal mainlove. Pero parang tayo rin. Boyfriend mo ko. Girlfriend kita. Deal?"

Nagulat naman ako sa kanya. Ano ako laruan? Ginawa niyang biro ang commitment?! Pero deal lang naman diba? Pero hindi!!! Ayaw ko sa laro na yan..

" Pumayag ka na. Para hindi na lang tayong dalawa ang OP sa barkada" - pagpipilit ni Kurt sa akin

Di ko alam kung papayag ba ako? Sige na nga gwapo naman siya, ideal boyfriend. Wahaha! Tsaka isang laro lang naman to e.

" Sige! Pero 1 week lang ha! " -sagot ko

" Oo, mainlove, talo"

****

Day 1 - Sweet Goodmorning Message

Kami na nga ni Kurt, kahapon lang sa park. Nakakakilig nga kahapon, hinatid niya pa ako. Wahaha! Pero hinay hinay lang, laro nga lang pala to. Pero sabi niya kelangan talaga para talagang kami pero bawal mainlove. Gulo no? Nakahiga lang ako ngayon sa kama, naghihintay ng text niya. Kakagising ko lang e.

After ilang minutes...

1 message received

From: Kurt

Pst. Kahapon tayo na, girlfriend na kita. Kaya dapat magarte tayo ng mag-on ha? Goodmorning Kathleen ko. Mas maganda ka pa sa umaga. Hindi good ang morning kapag wala ka :) I love you girlfriend ko.

6 days to fall in love (KathNiel One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon