Paglimot?
Gaano nga ba kadaling makalimot?Hanggang ngayon aking natatanaw pa din sa aking isipan
Ang mga huling sandali na ikaw ay namaalam
At punong puno ng lungkot ang bawat larawan
Nagdurugo at naguguluhan pa rin ang aking puso at isipan
Sa mga tinamo kong malalim na sugat
Noong iyong lisanin ang mga binuo nating pangarap
Noong malagot mahigpit na yakap
Hindi ko noon akalain tapos na pala ang lahat
Sa bawat butil ng pagsuyo
Tila nawala ang dahon ng mga pangako
Ang dilig lamang ay pag-ibig at ang busilak na puso
Ngayon naman ang bunga ay ang pagkasiphayo
Sa pagtatagal ng aking pilat sa dibdib
Mga naiwang alaala'y minsan bumabalik
Ang kalungkutan sa aking puso at isip
Akoy umaasang maging panaginip
Tila ba ang iyong paglisan ay katulad ng araw
Dahil sa aking paggising ay muli kong natatanaw
Na sa kasalukuyan ay hi di ka pumanaw
Nandirito sa aking puso ang tibok at sigaw
At ito na nga sa muling pagsapit ng mga tag-ulan
Ito ay talagang hinihintay ko ay inaabangan
Baka sakaling ang mga naiwan ay mahugasan
At ang mga sariwang alaala at mabura ng tuluyan
Muli na namang magkakaroon ng bagong pintig
Dapat nating buksan ang ating pintuan para sa bagong pag-ibig
Mga hangin muna sa bandang hila ay muling iihip
Mga dulot nito ay mga magagandang panaginip
Muling sisibol ang mga suloy ng bagong halaman
At iti ay muling mamumulaklak sa kaibuturan
At ang mga paru-parong kayganda ay magliliparan
Na tila ba ang dala at isang kagalakan
Sa bawat pamumulaklak ng mga dilaw na rosas
Ang bawat kataga ay doon laman bumabakas
Ang mga talulot ay hindi talaga kumukupas
Ito ay isang simbolo ng pag-ibis na talagang tapat at wagas
Ang mga malupin na nakaraan ng kahapon
Tuluyan na nga ba itong ibabaon?
At doon sa kawalan ay itatapon
Upang harapin ang panibagong hamon.●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
You can reach me at:
Instagram: http.prxn
Twitter: prynsisah
Facebook: Princess Maralit
BINABASA MO ANG
Ang Paglimot (Tula)
PoetryNapakahirap lumimot ng isang tao lalo na kung mahal mo pa Sariwa pa ang mga ala-ala niya kahit umabot pa ang ilang dekada Ngunit ang mga ala-ala nga bang ito ay dapat talagang limutin ko na?