Ang Paglimot

263 3 0
                                    

Ang mga ala-ala mo nga ba ay dapat ng kalimutan?

Napakahirap lumimot ng isang tao lalo na't mahal mo pa
Sariwa pa ang mga alaalang iniwan niya kahit umabot pa ng ilang dekada
Parang araw-araw kang nilulullaby ng pait
At araw-araw din sumisigaw ang bawat sakit.
Kung meron nga lang ditong gamot pang tangal ng aking memorya ininon ko na
Ngunit hindi pala lahat ng pait at sakit ay masama
Sa totoo lang masarap ito lalo na kapag dahan dahang nawawala
Habang kumikirot at dahan dahan kang lumuluha
Lumuluha sapagkat naaalala mo ang mga alaalang naiwan niya
Bakas sa mukha ang pagmamakaawa
Pagmamakaawa na sana maibalik pa
Ngunit huli na nga ba?
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nahihirapan
Nahihirapan sa tuwing nakikita ka ng harap-harapan
Siguro nga ang iyong mga ala-alang naiwan
Ay nakatatak pa rin sa aking puso at isipan
Paano ko ba ito malilimutan?
Paano ko malilimutan ang mga ala-alang naiwan?
Naiwan ng taong mahal mo ngunit napako ang pangakong hindi ka iiwan
Pangakong hindi kaiiwan ngunit ikaw pala ay nilisan
Paano ko malilimutan kung palagi kang sumasagi sa isipan?
Paano ko nga ba maiibaon sa limot?
Maiibaon ang mga ala-ala na kasing dami ng mga lumot
Dapat pa bang limutin o habang buhay ko na lamang iisipin?
Iisipin kahit napakasakit sa damdamin
Ang iyo nga bang mga ala-ala ay dapat ko ng limutin?

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

You can reach me at:

Instagram: http.prxn
Twitter: prynsisah
Facebook: Princess Maralit

Ang Paglimot (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon