Chapter 6 --- Mall.

68 2 0
                                    

Ranz's POV

*Kring* *Kring*

Yes! Uwian naaaa!

Nakita kong nilapag ni Alexa yung phone niya sa upuan tapos nilagay yung bag niya sa desk at inayos yung gamit niya. Pagkatapos niyang ayusin yung gamit niya umalis na siya.

Oopsss... nakalimutan niya phone niya. BWAHAHAHAHA! Kinuha ko yung phone niya.

-________- May password.
7269 (RANZ) -Try again-

5953 (KYLE) -Try again-

2278 (ACPV)

Nabuksaaaan kooo! Ako na magaling.

Una kong tinignan yung pictures niya. Akalain mo yun, maganda din pala 'tong babaeng 'to. Teka? Sino 'to? Boyfriend niya? Ewan. Pumunta ako sa notepad niya.

Yung lalakeng minahal mo ng sobra pero para sa kanya laro lang pala lahat.

"HAHAHAHAHAHA!"

Alexa's POV

Shit! Phone ko? San ko ba nilagay yun?! 

"Hoy! Ano kinakalkal mo jan sa bulsa mo?"  tanong ni Joyce.

Nasa upuan ko nga palaaa! "Babalik ako agad! Saglit lang talaga 'to swear."

Tumakbo na ako paakyat sa classroom. Haaay! Ang shunga mo Xandra! Papasok na ako ng classroom. Nakarinig ako ng tawa kaya mas binilisan ko yung pagtakbo. Yung tawang ang sarap tusukin ng lalamunan niya. -__- Kahit pala sa pagtawa nakakabwiset parin. >.<

"Hoy! Balik mo saken yaaaan!" tumakbo siya. Bwisiiiit! Gagala pa ako. "Raaanz!!! Dali na kasiii!"

"Yung lalakeng minahal mo ng sobra pero para sa kanya laro lang pala lahat." sabi niya na parang ginagaya yung boses ko. Shitt! Binasa niya!! HUHUHUHU!

"Pano mo nabuksan yaaaan?!!!!"

"Matalino ako eh. HAHAHAHAHA! Yung lalakeng minahal mo ng sobra pero para sa kanya laro lang pala lahat." inulit ulit pa talaga oh. :((

"RAAAANNNZZZZ KKKYYYLLLEEE!!!" tumakbo siya palabas ng classroom. Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa nakaabot kami dun sa mga kaibigan ko. -_____- tumigil ako pagtakbo kasi pagod na ako.

"Huyy huyy! Bigyan niyo nga ng tubig yaaan!" sigaw ni Alyza.

Kumuha ng tubig si Ann sa bag niya at tumakbo palapit saken tapos inabot yung tubig saken. Ininom ko naman.

"Pasaway ka talaga Alexandra Claire P. Villamor!!" kaya mahal na mahal ko 'tong mga kaibigan ko kahit ganyan sila eh. :"> 

"Y-yung *gulp* phone ko ka....si ayaw i.....balik ni Raaanz!" lahat sila nagsitinginan kay Ranz.

"Kyaaaaah!" sabay sabay nilang tili. >.<

"Tigil nga!" nagsitigil naman sila. Magaling mga alipin! Char. HAHAHA! "Raaanz dali na!! Balik mo na phone ko oh. Please."

"Oh." inabot niya saken yung phone ko.

"Thank you. :)"

"Tss." sabi niya tapos umalis. :/ Sungit talaga nun. -___- 

FASTFORWARD

 "Ano bang pumasok sa kokote niyo at nag-mall tayo ngayon?" tanong ko sa kanilang 5. Ewan ko ba dito sa mga 'to.

"Ano ka ba naman? Birthday ni Mommy next week." sabi ni Nikka. WTH! Oo nga pala noh!

"Ay shit! Sorry nawala sa isip ko."

"Uyy Xandra! Bagay sayo yung dress na yun oh!" sigaw ni Alyza.

Wooow! Gandaaa.

"Daliii! Bilhin mo!!" sabi ni Ann. Pa-gastusin ba naman daw ako?

"Ayoko nga."

"Dali naa! Yan yung isuot mo sa party."

"Ewan ko sa inyo."

Naglakad ako palayo sa kanila peroo.... hinatak nila ako papasok dun sa store na yun.

"Sukatin mo ngaaa!" sigaw ni Nikka. Wala na akong nagawa kundi sukatin.

Pagkalabas ko ng fitting room 'tong mga baliw na babaeng 'to akala mo nakakita ng diyosa. Sabagay sa mukha ko ba namang 'to? Juuk.

"Bilhin mo na." sabi ni Mich.

"Oo nga." sabi ni Alyza.

"Bagay naman sayo eh." sabi ni Nikka.

"Tama." sabi ni Ann.

"Korak!" sabi ni Joyce

"Oo na oo na. Kaya pwede ba wag niyo na akong pagtulungan? Leshe." so yun nga. Binili ko na yung dress. "Ba't kayo hindi bibili ng damit?" tignan niyo nga naman oh. Pinagastos talaga nila ako.

"Meron na kami kaya regalo na lang bibilhin namin." sabi ni Mich.

Kasi dapat regalo na lang yung bibilhin ko eh, -______- Pero sige na nga. Minsan lang naman gumastos eh. HAHAHA!

Yun, bumili na kami ng kanya kanya naming regalo. Bumili ako ng bracelet. Medyo mahal nga lang pero ok lang. HAHAHAHA! Minsan nga lang gumastos pero grabe kung makasayang ng pera eh noh. :(((

"Hi. :)" nagulat ako sa nagsalita kaya tumingin ako sa gilid ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Read. Comment. Vote

Perfect Two (Ranz Kyle Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon