Chapter 2 --- Nakakainis ka! >.<

99 3 0
                                    

Alexa's POV

*Kring* *Kring*

Yeees! Bell na!

Naunang nagsilabasan yung mga kaibigan ko. Inaayos ko pa yung mga gamit ko. Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to? Di nga nila ako niyaya na sumabay sa kanila tapos ngayon mang-iiwan?

"Oy wait lang!" sigaw ko sa mga kaibigan ko.

"Gutom na kami! Kita na lang tayo sa canteen!" sigaw ni Nikka. Isa sa mga kabarkada ko. Babait talaga nila. Kaya mahal na mahal ko yang mga yan eh. -___-

Ako na lang mag-isa dito sa classroom. Nagmamadali na ako. Sa sobrang pagmamadali ko pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ko tumakbo na ako palabas. 

Shit! 

Leche naman ohh! Malas talaga ng araw na 'to. Mamarkahan ko 'to sa kalendaryo ko. >.< 

Sakit ng pwet ko. Shemay!

"HAHAHAHAHA!" sigaw ng mga students.

Nakita kong may powder sa lugar kung saan ako nadulas. Nakita ko si Ranz sa gilid tumatawa tas may hawak na powder. Ahhh! Siya pala may gawa nito. Tss! Habang ako nahihirapan dito, siya nagpapakasaya!! Bwiset ka! 

Tumayo ako tapos tumakbo papuntang CR at nilock agad yun.

"Parang *sniff* nabangga lang kita big deal na agad yun? Di ko naman *sniff* sinasadya yun eh. Bakit ganyan *sniff* ka?" pinunasan ko yung luha ko. "Hindi... Hindi dapat iniiyakan yung tulad mong walang kwenta. Sisiguraduhin kong mali ang kinalaban mo Ranz Kyle."

Pumunta na akong Canteen at hinanap ang mga kaibigan ko.

"Oy Alexa!" tawag saken ni Alyza. Oo, Alexa tawag nila saken pagnasa school pero pag kami kami magkakasama Xandra na tawag nila saken.

Pumunta naman ako sa table na kung saan sila nakaupo.

Si Alyza Jean D. Ramillano

Siya yung pinakamatino sa barkada. Kumbaga normal. Abnormal kasi yung iba. Jokks. Masaya kasama. Lahat naman sila masaya kasama.

Geraldine Joyce R. Castro

Kwela sa barkada. Gaya nga ng sabi ko may abnormal sa barkada namin. -__- At siya yun. HAHAHAHA! Di naman yung abnormal talaga na abnormal. Wala lang, yung parang siya yung pinakamakulit samin.

Hannah Mich S. Rodrigo

Siya yung pinakatahimik sa grupo. Kung magsasalita man siya napakahinhin. Tapos kapag nagugulat yan.. ay nako. Hindi mo aakalaing nagulat yan pero nagulat talaga siya. Hanudaw? Basta yun yon. Napakahinhin kasi talaga niya kahit na nagugulat siya.

Nikka Yassi N. Lim

May pagka-kikay. In short girly. Pero nagkakasundo parin kami kami. Kapag may occasions siya yung nag-aayos samin. Kapag kami lang nag-ayos sa sarili namin aayusan pa din kami niyan kasi parang amapanget daw tignan. Kahit malate kami ok lang sa kanya basta maayos lang kami tignan. Ewan ko ba jan. 

Dannica Ann T. Rivera

Kapag may problema ka sa kanya ka na agad dumiretso. Like love problems. Magaling yan mag-advice. Kahit di ko maintindihan. Sila sila lang nagkakaintindihan pagdating sa love.

Para kasing umiiwas na ako pagdating sa love kasi ayoko na mangyare yung tulad dati. Pero depende na lang siguro kung sino yung makakapagpatibok ulit ng puso ko, swerte niya. HA-Ha-Ha-Ha!

"Swerte mo girl katabi mo si Ranz. :">" sabi ni Nikka. Asan ang swerte dun? Nasa upuan? Bwiset pinaalala nanaman si Ranz.

"Anong swerte? Malas nga eh. Malas na malas! Bwiset siya."

"Malas ka jan?! Swerte mo! Palit na lang tayo." sabi ni Ann. 

"Kung pwede nga lang eh!"

"Teka nga. Ano ba nangyare sayo? Bakit puro powder yung palda mo? Tsaka bakit ganyan yung mata mo?" tanong ni Joyce. Buti pa 'to napansin yung powder. Pinagpag ko na siya kaso di pa natatanggal lahat. "Pero swerte mo nga talaga katabi mo si Ranz kyaaah!" ahh. Yun lang. May pahabol pala.

"Walaaa! Wag niyo ng intindihin 'tong powder na 'tooo. Bakit ba napakasaya niyo jan sa Ranz na yan? Parang crush na crush niyo yang pandak na yan??"

"Wag mong sasabihan ng pandak yan!" sabay sabay nilang sabi.

"Bakit hindi? Bansot naman talaga yun ah. Bat ba parang napakabait niyo dun?"

"Hindi mo ba siya kilala?" tanong ni Mich. Sa wakas nagsalita na din.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Read. Comment. Vote.

Perfect Two (Ranz Kyle Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon