drunk!

21 0 0
                                    

Here I am in our house, as usual hinihintay ko ang pagdating ng aking mahal na asawa. isang buwan na rin ang nakakalipas ng ikinasal kame. Pero sa tingin ko Malabo pa rin ang relasyon naming dalawa. Wala pang improvement! Haisttt…. Kaya gagawa ako ng paraan kung papaano kame magiging malapit sa isat-isa.

Flashback:

After the wedding

Nasa kwarto kami ngayon. Tapos na kasi ang kasalan. Para sa akin yon ang pinakamemorable sa buhay ko sa  wakas nakamit ko na rin ang pangarap ko haha! Naabot pala yon ang tamang term sakin. ^_^

“Take a risk’s. If the outcome isn’t what you expected, at least you can say you tried.”

Alam ko sa sarili ko ang pinasok ko, alam ko rin na pagsisisihan ko to pero ano ngayon at least mararamdaman ko ang saglit na saya diba? Eh marami nga djan na nagpapakamatay para lang makuha ang mahal nila? Eh anong magagawa nila kong patay na sila diba?! Ang tanga lang te? Kung mamatay ka lang din naman at least naranasan mong sumaya man lang kahit saglit lang diba?! Huwag maging tanga haha…. Pero ano ang tawag ko sa sitwasyon ko? Di ba tanga rin naman kasi hindi ako mahal ni dylan, kasi may mahal siyang iba eh ano ngayon? Basta mamahalin niya rin ako. Basta ang alam ko walang tanga sa taong nagmamahal.

Hindi ka pa ba magpapalit ng damit? Nabalik ang huwisyo ko ng nagsalita siya

Huh? tinignan ko siya.

Bumuntong hininga siya. Sabi ko di ka pa magpapalit at para makaligo kana? Iritableng sabi niya. Kahit ganun siya makapagsalita ayos lang basta hindi siya nagagalit sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. 

Kumonot noo naman siya. Kung hindi ka pa magpapalit matutulog nako.

Wait! Pigil ko sa kanya.

What? May halong inis na sabi niya.High blood naman ng lalaking to.

Ahmmm.. a-ano kasi p-pwede bang p-pakitanggal ang g-gown k- ko? Di ko kasi maabot at m-maibaba ang zipper eh, nauutal kong sabi. Nag-init ata ang pisngi ko! nakakahiya. Bat pa ko nauutal sa lalaking to eh kung sa tutuosin eh dapat hindi ako mahiya sa kanya. Di po ba pinilit ko siyang magpakasal sa akin kaya naman dapat eh mas makapal pa sa pader ang mukha ko. aisshhh.

Nagsmirk lang naman ito at lumapit sa akin.

Sure wifey! yon lang pala eh bat nauutal kang sabihin?nahihiya ka ba?deretsahang sabi niya. Hindi ko na lang siya sinagot

Nakikita ko ang repleksyon niya sa salamin. Nakaharap kasi ako sa malaking salamin sa aming kwarto kaya kita ko ang repleksyon niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Kung titignan mo ang mukha niya para siyang angel na hindi siya pwedeng makasakit. Pero sa likod ng mukha niyang napakagwapo meron din ba siyang tinatagong sekreto? Kung titgnan ko siya sa kanyang mga mata puro lungkot, sakit at galit ang nakikita ko. Gusto ko ring makita ang ngiti niya. Gusto ko siyang makitang masaya. At higit sa lahat gusto ko siyang makita kong paano siya magmahal. Gusto ko rin maramdaman kong papaano siya magmahal.

Bumalik ulit ako sa sarili ko ng naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa batok ko. Shit! Tumaas ata lahat ng palahibo ko sa ginawa nito. Napalunok rin ako ng sunod-sunod. Nang tignan ko ang repleksyon niya sa salamin seryoso ang mukha nito pero makikita doon ang kakaibang titig. Kinabahan ako na may saya sa dibdib ko.

Marry me  (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon