The Start

21 1 0
                                    

Gelo's Pov

Nandito kami ngayo ni Ain sa Time Zone, Kanina pa kami naglalaro tapos narin kasi kaming manood ng movie.

"Elo tara paramihan tayo ng score sa basketball. Ano?" Aba! Ako pa hinamon niya eh di pa nga niya ako natatalo.

"Sige tara!" Hinila ko na agad siya at sabay kami na nag swipe ng card.

*Shoot!* *Shoot!*

Napatingin naman ako kay Ain. "Oh? Ba't ka tumigil?" Nakatayo lang kasi siya dun habang hawak hawak yung bola.

Napatingin naman siya sakin. "H-ha?" Tinignan ko naman siyang mabuti.

"Okay ka lang ba?" Parang kasi di siya mapakali eh.

"A-ah? Ano .. Gutom lang ako! T-tara na?" Binitawan na niya yung bola. Sabagay kanina pa kami hindi kumakain.

"Oo nga noh? Nakalimutan ko. HeHe!" Napakamot nalang ako sa batok. Di nga rin pala siya naka kain pag uwi niya.

-

"Sa Mcdo nalang tayo dali!" Hinili kaagad ako ni Ain sa Mcdo. Favorite niya talaga dito.

Dun kami umupo sa malapit sa counter. "Anong gusto mo?" Tanong ko kay Ain, Napa isip naman siya.

"Uhm. Gusto ko ng Burger, Medium fries, sundae at pepsi!" Takaw talaga nitong babaeng to.

"Takaw mo parin!" Ginulo ko nalang yung buhok niya tapos pumunta narin ako sa counter.

Di niyo pa ako kilala noh? Hehe. Ako nga pala Si Gelo Ariveles, Yang si Ain bestfriend ko na yan simula bata, Magbestfriend din kasi magulang namin kaso yung parents ko naman ay wala na, Nasangkot kasi sila sa Car Accident. *Sigh*

Ano ba to ang drama ko nanaman. Di ko tuloy namalayan na ako na ang sunod sa pila. Sinabi ko lang yung order ko at ni Ain tapos binayaran ko narin.

"Ang tagal mo naman gutom na kaya ako!" yan agad sabi ni Ain paglapag ko ng order namin.

"Sorry naman. Haba ng pila eh!" Umupo na ako tsaka inayos na yung kakainin namin.

Pagkatapos kumain eh naglakad lakad muna kami sa park malapit sa mall. "Ain napapansin ko lang. Parang tumataba ka ata?" Hinampas naman niya ako. Brutal talaga tong babaeng to.

"Anong tumataba?! Sexy kaya ako!" Inirapan naman niya ako.

"Oo na ikaw na sexy. Tara na nga bili tayo ng cotton candy dali!" Hinila ko agad siya sa bilihan para di na ako awayin. hehe

"Psh! Segway!" -Ain, Haha. Kabisado na talaga ako nito.

Lorraine's Pov

Kanina sa nung nasa Time zone kami, Hindi nanaman ako makahinga ng maayos diko lang sinabi ka Elo kasi alam kong magaalala siya kaya sinabi kong gutom nalang ako. Nung sinabihan naman niya akong mataba eh aaminin ko nainis din ako dun -3- Pero totoo naman kasi eh. Ambilis kong mag gain ng weight this past few days.

"Huyy!" Napatingin naman ako kay Elo na katabi ko dito sa bench.

"Baket?" Nagtatakang tanong ko.

"Your spacing out. Ang lalim ata ng iniisip mo?" Napansin niya siguro na tahimik lang ako.

"Ah! Wala to. Napagod lang ako. Anong oras narin oh?" Palusot ko nalang para di na magtanong.

Napatingin naman si Elo sa wrist watch niya. "Oo nga noh? Past 7 narin pala. Gusto mo na ba umuwi?"

"Oo pagod na kasi ako" Yun nalang nasabi ko pero sa totoo lang masama na talaga yung pakiramdam ko.

"Tara!" Hinila niya agad ako at inakbayan. Sinabayan ko nalang siya sa paglalakad.

Nasa gate na kami ng village ng parang nahilo ako napahawak naman ako sa ulo ko.

"Oh? Okay ka lang?" Tinignan ko naman si Elo na mukhang nag aalala yung mukha.

"Elo" Yun nalang nasabi ko bago nagdilim yung paningin ko.

Gelo's Pov

Nagulat ako ng bigla nalang mahimatay si Ain, Mabuti nalang nasalo ko agad siya.

"Uy?! Ain gising! Ano bang nangyayari sayo?! Wag ka namang magbiro ng ganyan!" Tinapik tapik ko naman yung pisngi niya ng paulit ulit pero di malakas. Kinakabahan na ako. Kelangan ko na siyang madala sa ospital. Kinarga ko naman agad si Ain papunta sa guard house.

"Sir? Ano pong nangyayari dito?"

"Kuya tumawag ka agad ng taxi dali!!" Nagmamadali namang lumabas yung guard. Ba't ngayon ko pa kasi naisipang di dalhin yung sasakyan ko? Tanga mo talaga Gelo!

"Sir nandito na yung taxi!" Isinakay ko agad si Ain sa taxi ng maayos bago nagpasalamat sa guard.

"Kuya sa St.Vincent Hospital pakibilisan lang po!" Habang papunta sa ospital ay tinawagan ko naman agad yung mga magulang ni Ain para ipaalam yung nangyari.

"Sir nandito na po tayo" Binuksan ko na agad yung pinto at kinarga na si Ain.

"Kuya mamaya na yung bayad!" Yun lang yung sinabi ko sa taxi driver at pumasok agad ako sa ospital.

Tumulong naman agad sakin yung mga nurse at doctors tapos dinala na nila si Ain sa Emergency room.

Naupo nalang ako sa labas ng emergency room at tahimik na naghintay at nagdasal na sana maging maayos na si Ain.

"Gelo?" Napaangat naman yung tingin ko sa tumawag sakin.

"Tita, Tito" Nagmano naman agad ako sakanila.

"Asan na ang anak namin? A-anong nangyari sakanya?" Sunod sunod na tanong ng Mama ni Ain na si tita Elise.

"Hindi ko rin po alam kasi habang naglalakad po kami bigla nalang siyang hinimatay" Pagpapaliwanag ko.

"Magiging okay rin siya kaya wag ka nang mag alala" Pag aalo ni Tito Joseph sa paiyak ng si Tita Elise.

"Excuse me. Sino po dito ang pamilya ng pasyente?" Napatayo agad ako ng marinig ko yung doctor.

"Ako ang mommy niya" Lumapit agad si Tita sa doctor kasama si tito.

"Okay na ho siya ngayon. Kelangan niya rin po ma admit ng pasyente ng ilang araw sa ospital para po makasiguro kami na tama ang mga naobserbahan namin." Paliwanag ng Doctor. "A-ano po bang sinsasabi niyo?" di ko na naiwasang magtanong dahil kinakabahan narin ako.

"If were not mistaken meron sakit sa puso ang pasyente" Nagulat naman ako sa sinabi ng Doctor. P-pano? Eh ang sigla sigla niya pano siya magkakasakit sa puso?!

"Pa-pano? Baka mali naman ho yung sinasabi niyo?" Si tito na ang nagtanong kasi si tita nagsimula ng umiyak. Ako naman natutulala nalang.

"I'm sorry pero siguro sa office nalang po natin ito pagusapan" Tumango naman sila Tita bago ako sinabihan na bantayan muna si Ain,

A Bestfriend's Tears (Short Story / Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon