The Moment I Knew

11 2 0
                                    

Gelo's Pov

Ilang linggo naring nakalabas ng ospital si Ain, Mild pa lang naman yung sakit niya kaya pinalabas na siya. Pero naawa parin ako sakanya, Dahil sa Ilang linggong yun ay naka ilang balik din siya sa ospital, Madalas kasi siyang nahihilo o di kaya ay nahihirapang huminga. Padami narin ng padami yung mga tinatanong niya. Pero kahit isa ay wala pa kaming sinasabi sakanya. Ngayon palang, Oo tama kayo ng nabasa. Sasabihin na nila tita yung kalagayan niya, Dahil kaylangan na niyang magpa treatment.

"Wuyyy! Ba't tulala ka diyan? Kanina pa ako salita ng salita dito eh di ka naman pala nakikinig" Nabalik ako sa kasalukuyan ng bigla nalang sumulpot si Ain.

"Ahh? Ano.. Marami lang kasi akong iniisip" Kinakabahang ngumiti ako sakanya.

"Sigurado ka? Para kasing ang tamlay mo kanina pa" Umupo naman siya sa tabi ko dito sa bench sa may park ng subdivision namin.

"Wala lang to. Excited lang talaga ako sa graduation" Teka anong oras na ba? "Teka Ain anong oras na?" Sabi kasi ni Tita na mamaya na niya sasabihin kay Ain para mapa treatment na siya.

"Huh? 4:53 Palang naman ahh?" Maaga pa naman pala. Ang usapan kasi namin ay 6:30,

"Ahh. Gusto mo ba munang maglakad lakad?" Nabobored narin kasi ako, Eh kanina pa kami nandito.

"Tara!" Masiglang sabi niya.

Lorraine's Pov

Yung kaninang tahimik naming paglalakad ay napunta sa pag uwi namin sa bahay. 6:00 narin kasi at medyo madilim na.

Pagkarating namin sa bahay eh nagpaalam na muna ako kay Elo para magpalit at maglinis ng sarili.

Humiga agad ako sa kama habang malalim na nagiisip.

Alam ko naman kung bakit nandito si Elo eh. Di ako tanga para di malaman yun. Kaylangan ko lang kumpirmahin. *sigh* Maglilinis na nga ako.

Gelo's Pov

"So kamusta ka naman Iho?" Tanong ni Tita, Nandito kami ngayong at tahimik na kumakain ng biglang nagsalita si Tita.

"Ok naman po ako" Simpleng sagot ko, Sa totoo lang ay kanina pa ako kinakabahan. Para kasing may namumuong tensyon sa amin.

"Mabuti naman." - Tita,

"Lorrain bakit di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Napatingin naman ako kay Lorraine, Dun ko lang din napansin na di pa nga siya kumakain.

"Oo nga anak kumain ka na at baka lumamig pa yung pagkain" Si Tita na napatigil rin sa pagkain niya.

"Busog pa po ako" Simpleng sagot ni Ain

"Pero wala ka pang kinaka—"

"May sasabihin po kayo diba?" Nagulat kami ng biglang nagtanong si Ain, P-pano n-niya nalaman?

"Uhh. Anak, P-pwede bang ku-kumain ka m-muna?" Kinakabahang sagot ni Tita.

Lorraine's Pov

Sa bose palang ni Mommy halata mo ng kinakabahan siya. Halata namang gulat yung mukha ni Elo at dad.

"Ang galing niyo" Hindi ko na matago yung sakit na nararamdaman ko. Simula't sapul pinagkaisahan nila ako.

"Ano bang sinasabi mo Lorraine?" Halatang di makatingin sakin si Dad.

"Bakit niyo tinago sakin to?" Onti nalang at sasabog nako. Di lang nako, Bakit ba nila ginagawa sakin to?!

"Ain, Di k-ka namin m-maintindihan" Pati si Elo, Tss. Bakit kasi di pa nila sabihin yung hinihintay kong sabihin nila?

"Itigil niyo na to! Nagsasalita kayo na para kayong walang alam! Bakit ba kasi di niyo nalang sabihin sakin?! Makikinig naman ako ahh?!!" Napatayo nalang ako habang isa isa ng pumapatak yung mga luha ko. Ang sakit kasi eh. Pamilya ko sila, Bestfriend ko si Elo, Pero bakit ginaganito nila ako?!

"Lorraine wag kang sumigaw!" Alam kong galit narin si dad dahil ngayon lang ako sumigaw ng ganto.

"Ain please huminahon ka muna" Napatingin naman ako kay Elo,

"Huminahon?" Napatawa naman ako ng mapait. "Sabihin mo nga! Pano ako hihinahon?! Niloko niyo ako! Nagsinungaling kayo sakin!! Alam niyo ba kung gano kasakit yun?! Bestfriend kita at magulang ko kayo!!" Tinignan ko naman si Mom na umiiyak, Pero si Dad alam kong nagpipigil lang siya.

"L-lorraine p-para rin n-naman to sa i-ikabubuti mo k-kaya di m-una namin s-sinabi" Nahihirapang sabi ni Mom, Para sa ikabubuti?! Hah!

"Sa ikabubuti?! Pero ano? Anong nangyari?! Lalong lang lumalala ang sakit ko!!" Ayoko na! Nahihirapan na ako. Bakit ba kasi sarili lang nila ang iniisip nila? Wala naman itong nadulot na mabuti!

"A-ain please tumigil ka na, Maawa ka naman sa mga magulang mo, Ginawa lang nila yun para sayo" Isa pa tong si Elo, "Akala ko ba mag bestfriends tayo?! Eh ba't ka nagsinungaling sakin?!!" Tinitigan ko siya na parang di makapaniwala sa mga ginawa niya dahil dun napayuko nalang siya.

"ENOUGH! ITIGIL MO NA TO LORRAINE!!" Nagulat ako ng sumigaw si Dad. Siya pa ang may ganang magalit? Bastos na kung bastos pero masama parin ang loob ko.

"Pano ako titigil?! Kung lah—"

*Paaakkk!!*

Napahawak naman ako sa pisngi ko at di makapaniwalang tumingin kay dad. "J-joseph!" Hinawakan naman agad ni mom si dad sa braso.

Halatang pati si Elo nagulat sa mga nasaksihan niya.

Lalo akong napahagugol upon realizing na nagawa nga akong saktan ni dad. "How could you dad? I hate you!" Yun nalang ang nasabi ko at tumakbo kaagad ako paakyat sa kwarto ko di ko na sila pinakinggan kahit na tinatawag pa nila ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ko nilock ko agad yung pinto at humiga at duon ko binuhos lahat ng iyak ko.

Alam ko naman kasi ehh, Pano nalaman? *sobs* Madali lang dahil sa tuwing dinadala nila ako sa ospital ay kung hindi si mommy ang maiiwan si Elo or dad. Kaya naging madali lang para sakin na malaman yung kalagayan ko. Sa una ay di ko talaga matanggap. P-pero pinilit ko parin kahit na h-hirap na hirap na ako. Ayoko lang ipakita d-dahil alam ko sa sarili ko na pati sila n-nasasaktan din sa mga nangyayari. Pag kaharap ko sila. Pinipilit kong ngu - ngumiti *sobs* at maging masigla kahit na sa loob ko hirap na hirap na ako.

"Ain! Please open the door" Alam kong si Elo yun, pero di ko pa sila handang harapin.

"Wag muna *sobs* ngayon please" Mahinang sabi ko kahit na alam ko na hindi niya ako naririnig.

"Ain please naman oh!" Ayoko!

T-teka! Pa-parang di a-ako m-makahinga?! Napatayo naman ako pero talagang di ko kaya kaya bumagsak ako sa sahig.

*Boooghss*

Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko. Di t-talaga ako ma-makahinga.

"Ain?! Ok ka lang?! Please Ain open the door!!" E-elo.

Gumapang naman ako papunta sa pinto pero di na talaga ako makahinga. Ang bigat narin ng paghinga ko.

"E-elo!" Di ko alam kung pano pa ako nakapagsalita sakabila ng di ako makahinga.

"Ain buksan mo to!!" Di-diko ko na k-kaya nanlalabo narin yung paningin ko.

"Sorry" Huling salita na lumabas sa bibig ko bago sakupin ng dilim yung paligid.

A Bestfriend's Tears (Short Story / Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon