Questions

14 1 0
                                    

Lorraine's Pov

Nagising nalang ako sa puting kwarto, Nilibot ko yung paningin at nakumpirmang nasa ospital ako dahil sa mga gamit at sa amoy ng gamot. Naramdaman ko namang parang may pumisil sa kamay ko kaya medyo napaupo ako. Si Elo pala, mukhang dito siya nakatulog.

"Uhh. Elo? Uyy? Gising na!" Niyugyog ko naman siya ng kaunti, Dahan dahan naman siyang napadilat,

"Sorry, Dito na ako nakatulog, Kamusta na nga pala ng pakiramdam mo? Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" Sunod sunod naman to kung magtanong parang engot lang.

"Ok lang ako, Tsaka di pa naman ako gutom." Tumango naman siya "Sigurado kang di ka pa gutom ah?" Unli rin siya ehh.

"Hindi nga! Nga pala ano bang nangyari? Ba't nasa Ospital ako?" Ang natatandaan ko lang kasi eh pauwi na kami nun ni Elo tapos malapit na kami sa may gate ng— "Nahimatay ka kasi nung pauwi na tayo" Sabi ko nga,

"Eh ba't parang di ka sigurado sa sagot mo? May di ka pa ba sinasabe?" Parang malungkot kasi siya, at Mukha naman siya naging tense nung nagtanong ako. Meron nga ba?

"A-ahh! Si-siguro yung parents m-mo nalang tanungin mo" Di talaga siya makatingin ng maayos sakin ehh. May mali talaga ehh.

"Ano ba kas—" Naputol yung sasabihin ko kasi napatingin ako sa pinto ng bumukas ito, ganun din si Elo.

"Mom! Dad!" Masayang sabi ko nung makita ko sila.

"Kamusta ang baby namin?" Niyakap agad ako ni Mom,

"Ok naman po." Nginitian ko naman si mom.

"Nga pala sweety may dala akong pagkain, Sigurado akong di ka pa kumakain" Sabi ni Dad, Dun ko lang din nakita yung dala niyang plastic na galing sa Mcdo. *Q* I Llove Fries!

"May Fries po ba?" Napatawa naman sila sa tanong ko pati si Elo,

"Hilig mo talaga sa Fries" - Elo.

"Oo naman si Ain pa kaya kumain na kayo, Ikaw rin Gelo alam kong di ka pa kumakain" - Mom, Fav din ni Elo yan kaya di yan tatangi.

"Uhh, Sige po" See? Matakaw kaya yan ^^v

Inayos na nila yung mga pagkain dito sa may bed ko, Oo nga pala may nakalimutan akong itanong.

"Uhh? Bakit nga po pala ako nandito?" Tumahimik naman sila pati si Elo, Tumingin naman si Mom kay Dad? O-Kay? Ano ba talagang meron?

"Siguro kumain muna tayo" Tss. Alam kong may itinatago sila saken.

"*sigh* Sige kakain na po muna ako"

Gelo's Pov

Siguro nagtataka kayo kung bakit ayaw pa nilang sabihin yung sakit ni Ain, Sigurado kasi silang masasktan lang siya. Marami pa naman siyang pangarap, Nakakalungkot ding isipin na ganun yung kalagayan niya. Natatakot rin ako na bak mawala siya sakin. *sigh* Ano ba tong pinagsasabi ko. Dapat di ako mawalang ng pag-asa, Alam kong gagaling siya, Dahil malakas siyang babae, Tiwala lang din kay God.

"Elo pwede ba tayong magusap sa labas?" Napatingin naman ako kay tita ganun din si Ain.

"Mom ba't kelangan sa labas pa?" Si Ain na ang nagtanong,

" Uhh, May sasabihin lang sana ako kay Gelo." Nagtaka naman si Ain, Ako rin nagtataka eh.

"Ehh? O–kay" Napatango nalang siya kahit naguguluhan.

Yung lumabas si Tita sumunod narin ako.

"Baket po tita?" Tanong ko ng makaupo na kami sa labas.

"Sigurado akong alam mo na ang sakit ni Lorraine." Napatingin naman ako kay tita, nakita kaya niya ako na nakikinig sa usapan nila?

"Alam kong alam mo na kaya don't give me that look Gelo" Ang seryoso naman kasi ni Tita.

"Opo. A-alam ko na po" Wala narin namang silbe kung magsisinungaling pa ako.

"Can i ask a favor then?" Huh? Ano kayang Favor yun? Seryoso kasi talaga si Tita eh.

"A-ano po yun?" Tumingin naman si Tita, Kinakabahan ako kay Tita nito eh.

"Wala kang sasabihin kay Lorraine hanggat di pa kami nakakakita ng donor niya" Nagulat naman ako sa sinabi ni Tita. Bakit naman ayaw niyang malaman ni Ain?

"Pero bakit tita? Karapatan niya pong malaman yun?" Nagtataka na talaga ako.

"Pleas Gelo, Para rin sakanya to" Napaisip naman ako, Di ako marunong maglihim kay Ain. Naramdaman ko nalang na tinapik ni tita yung balikat ko kaya napatingin nama ako.

"Ito lang Gelo please, Ayoko siyang masaktan" Aist! Nakaka awa naman kasi si tita eh.

"Pero tita, Di po ba na mas masasaktan siya pag tinago natin sakanya yung kalagayan niya?" Napailing naman si Tita at tumayo.

"I'll be going. Please promise me na di mo ito sasabihin sakanya kahit anong mangyari." Seryoso talaga si Tita, Wala akong nagawa kung di tumango nalang. ngumiti naman si tita. a faint one tapos umalis na.

Habang naiwan ako dito na nagiisip. ang tanging masasabi ko lang ay Baket?

~~~~~~~~~~~

Short update! Bawi nalang po ako :3

Pweds rin pong favor? Pa vote naman kahit 5 lang xD Para ganahan po akong mag update at para tignan kung may nagbabasa nito. xD  ^^v

A Bestfriend's Tears (Short Story / Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon