×3× Familiar Faces

17 4 0
                                    

“You just proved to us that you can’t be trusted.” Saad ko sa nakatungong si Shadow. Nagagalit ako ngayon kasi muntik nang mapahamak si Dom dahil sa kanya. In the first place, bakit nga ba kasi kinaibigan ni Dom yang anino na yan. Isa talaga siyang isa’t-kalahating tanga.

“Hindi ko naman alam na gagawin ni Red yun kay Dom.” Sabat niya. I sighed.

“Yun na nga eh Shadow, just by your presence pwede kang mangpahamak ng tao ng hindi mo man lang nalalaman.” Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. Si Dom naman ay nakatungo habang naka-hawak sa braso ko ng mahigpit.

“Layuan mo na kami ni Dom.” That’s my decision. Kapag ako ang nag-desisyon, wala nang makakapigil sa’kin dahil pinaninindigan ko ang bawat desisyon na iniisip ko. Naka-tungo pa rin si Shadow samantalang si Dom ay hinawakan ako ng mas mahigpit.

Tumalikod naman na ako pero humiwalay si Dom sa’kin saka lumapit kay Shadow at bumulong. Lumingon naman ako sa direksyon nila. “I’m sorry.” Saad ni Dom. Tumango naman si Shadow at ngumiti saka hinalikan si Dom sa noo. Napailing naman ako. Srsly, pangatlong chapter palang tapos may namumuo nang love story?! Kaloka ha.

Hinayaan ko nalang muna sila at nauna na sa classroom. Pagkarating ko sa classroom ganun pa rin. Parang zoo. Batuhan ng papel dyan, arm wrestling naman doon, batuhan ng lampaso dyan, yung iba naman nage-espadahan gamit yung walis. Napabuntong-hininga naman ako. Para sabihin ko sa inyo, eto na ang pinaka-maayos na section sa fourth year. Kung ganito na kagulo dito, mas malala sa iba, lalo na ang Power Section. Kaya ayokong mapunta doon. Mamamatay muna ako bago makapunta doon. *roll eyes*

I’m heading towards my chair ng may biglang lumanding na lampaso sa ulo ko. Argh! “Who the hell did that?!” Napatahimik naman ang lahat. Sh*t. Ang sakit ah.

“I said who the hell di-“

“Ako? Hahaha.” Panga-asar na komento ni Clove. Dahil maganda ako, I remain calm. Hindi dapat ako ang naiinis, dahil siya ang iinisin ko. Tinaasan ko siya ng kilay at humakbang palapit sa’kanya. Tinaasan din niya ako ng kilay pero halata naman sakanya na natatakot siya.

“Bakit mo naman iyon ginawa Clove?” Tanong ko habang humahakbang pa rin papalapit sa kanya.

“Because you’re trying hard to be the queen bee in this school even if you’re not. Hindi ka naman maganda. Maputi ka lang.” Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi niya. It’s f*ckin’ obvious that she’s insecure of me. Ang ganda ko kasi.

“Obvious naman diba? Kaya nga Snow ang tawag sakin kasi maputi ako. Kaya ka naman insecure sa’kin, kasi maganda ako. Tatanungin kita ha? Tanga ka ba o sadyang dense ka lang?”

“You’re a b*tch Svea.”

“And so are you Clove. Mas matindi nga lang ako.” I smirked. Nakipagtitigan lang ako sa kanya habang nakangisi ng nakakaasar. And boom, binawi na niya ang gaze niya and stormed out of the room. Tama nga ang sinabi ni Dom. I pisses someone just by glaring at her.  

-

Natapos na rin ang tinatawag nilang “Get-To-Know-Each-Other-Day” na nauwi sa “Get-To-Piss-Someone-Day” dahil nag-ring na ang Academy Bell at nagsisi-uwian na rin ang ibang estudyante. Kinuha ko na ang backpack ko at lumabas ng classroom pero nararamdaman kong nakatingin sa akin si Clove at ang mga pets niya. Napangisi ako. Mukhang wala kaunti lang ata ang makakasundo ko this school year. Nauna na si Dom, ewan ko ba dun, nagmamadali.

Dumiretso naman ako sa Registrar’s office para makuha yung schedule ko which is nasa dulo pa. Tinamad akong kunin kaninang umaga dahil sa Adrielle na iyon. Ang tanga nung schedule ano? Lumapit na sana siya sa akin kanina pa, edi sana walang problema.

“Miss, can I have my schedule? Svea Sarmiento.” Tumango naman yung babae at hinanap yung schedule ko sa computer para maipa-print na niya. Wala pang limang minuto eh tapos nang mag-print. Nagpasalamat ako sa babae at umalis na.

Habang naglalakad ako ay nakuha naman ng atensyon ko ang isang bakanteng room. Ang room na ito ang tinatawag nilang The Further. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan ang pangalan ng room na iyan. Wala pang nakakapasok sa room na iyan maliban sa Black Stallions at Student Council President. Tinted kasi ang glass ng bintana nila kaya hindi mo makita kung anong meron sa loob. Nakaka-curious nga kung anong meron sa loob. Pero naalala ko naman ang kasabihang, “Curiosity killed the cat.”

Talagang mamamatay ako kapag pinasok ko ang room na iyan, paano ba naman kasi, kay Redwayne Nicholov ang room na iyan so malamang mamamatay ako kapag pinasok ko iyan. Pinipihit ko palang siguro yung doorknob patay na ako.

Naglakad na ako palabas ng academy pero biglang sumagi sa isipan ko si Red. Ano yung sikreto niya? Na baka daw may alam kami kaya dapat ng tapusin ang buhay namin? Iniisip ko talagang demonyo siya dahil wala siyang konsensya, wala siyang awa na tipong ang umiiyak na si Dom ay parang wala lang sakanya. Masama rin kaya ang pamilya niya o sadyang naimpluwensiyahan lang siya ng academy?

“Ferdrique?

Napahawak na naman ako sa noo ko dahil sumakit bigla. Pero hindi yun mahalaga. Isang magandang babae na nasa 30’s. Paano niya nalaman ang pangalan ko? “B-bakit po?” Tanong ko sa kanya. Makikita mo kasi sakanya ang pagkagulat niya.

“W-wala. Sige. Aalis na ako.” Saad niya at sinundan naman siya ng mga bodyguards niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mag-laho siya sa paningin ko. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati pa. Pero hindi ko alam kung saan at kung kailan yun. I shrugged. Naglakad nalang ulit ako pauwi.

“Nandito na po ako.” Sigaw ko pagkapasok ko ng mumunting bahay namin. Kala niyo mayaman kami ano? Na-ah. Mahirap lang ako pero maganda pa rin naman ako. Angal kayo? Hmp. *flips hair*

Pumunta ako sa kusina at tama nga ako nandito si Aling Victoria, nagluluto ng hapunan. Tinanong ko naman kung nasaan si Kent at sinabi niyang nasa kwarto raw nagpapahinga. Tulog pa pala yung makulit na batang iyon. Parang kapatid ko na rin si Kent. Pero hindi talaga, ni hindi nga kami magka-dugo eh. Ang parents ko? Hindi ko alam. Hindi ko sila kilala. Wala akong maalalang kahit isang imahe ng mukha nila.

Pero yung babaeng nakabungguan ko kanina. She looks really familiar as if I’d already met her but I don’t have any freakin’ idea where and when to think na alam pa niya ang pangalan ko. Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa nangyayari. I sighed at humiga na sa kama. These day is really a tiring day.

 ∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

-YEOLRI'S NOTE:

Nag-post ako ng dalawang chapters ngayon kasi masipag ako. Hihihi. Wala lang.

(Chester Smith biglang sisingit)

Chester: Anong sinisipag?! Sinungaling ka! Eh tamad na tamad ka ngang mag-update sa story ko! Hindi porket mas love mo si Snow pinapabayaan mo na ang ganda ko! Ugh! I hate you author! *flips hair then walks out*

Sa mga hindi nakakakilala kay Chester Smith, basahin niyo po yung story niya kung may time po kayo. “Wanted: Rebound Girlfriend”, just click the external link. Thanks! Mwah. xx. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon