Chap. 17 - "Did I Do Something Wrong?"

18 1 0
                                    

John's POV~

Kakatapos lang ng try-outs for soccer and right now nag-uusap na yung soccer team kung sinu-sino ang mga tatanggapin nila for the team. Sana makapasok ako, I am really aiming to be part of the team since nung pumasok ako sa school na'to. 

Maya-maya may lumapit sakin na dalawang babaeng schoolmates namin at kinausap nila ako. 

"Ahh.. Umm... Hello, your name is John right?" Sabe nung babaeng naka-pony tail

"Yes, and you are?"

"My name is Mira at eto naman si Jane." Sabay turo niya sa kasama niya

"Ohh nice to meet you. Umm... Do you need something?"

"Ummm.... Pwede ba kaming magtanong?" Hmmm? Ano naman kaya yun?

"Sure, go ahead."

"Ano kasi... Kayo ba ni Blair?" Huh? Anong kami ba ni Blair?

"Huh? What do you mean?"

"Ehh kasi may kumakalat na rumor dito sa campus naten. Sabe kasi nila you are now going  out with Blair. And as what we can observe mukhang totoo nga kasi lagi kayong magkasama and you two are really close with each other."Whaaat? I didn't know that.

"Hahahaha don't be ridiculous. Syempre hindi noh. Ano ba kayo? Mag-best friend lang kami ni Blair kaya ganun nalang kami ka-close. At isa pa, I am in love with someone right now so I can't go out with Blair."

"Ahhh... Ganun ba? S-sorry akala kasi namin kayo na." They said habang nakatungo sila.

"No it's okay. You shouldn't believe in those kinds of rumors." I smiled after saying that.

"O-okay. Umm... Sige mauna na kami. Sorry again." 

"Okay :)"

Ano namang klaseng rumor yan? Just because close kami ni Blair aakalain na nila na kami na. Naku mga tao nga naman ngayon. Naniniwala nalang basta sa mga usap usapan kahit hindi naman totoo. Tsssssk.

Okay enough of that. I-aannounce na nila kung sinu-sino ang mga matatanggap sa soccer club. Please sana matanggap ako /cross fingers/

"John Silvestre you are accepted." Yay! Natanggap ako! Natanggap ako!

My, this might be my lucky day since kanina pang puro magaganda ang nangyayari sakin. Una, uuwi na si Tricia from Canda. Next is tanggap ako sa soccer team. Well ano pa kayang susunof? This day keeps getting better and better.

So after announcing the accepted players sinabe nila na magsa-start na daw agad ang training namin this Thursday. Kaya naman daw maaga kaming magte-train kasi magkakaroon daw kami ng friendly game next week with the other school. Mukhang packed talaga ang schedule namin this month ah.

Well nevermind that. Pagkatapos nun nagpalit na'ko ng damit kasi pawis nako because of the try-outs at dumaretsyo ako sa student council para puntahan si Blair. Sasabihin ko sa kanya ang good news. Pag-dating ko sa student council...

"Ummm... Excuse me. Nandyan ba si Blair?" I said pagpasok ko ng room.

"O John, wala si Blair dito actually kaka-tapos lang niya ng mga duties niya dito kanina kaya pinayagan ko nang umuwi siya." Sagot sakin ng president. I think his name is Claude?

"Ahh... Ganun ba sige pasensya na sa abala. Mauna na'ko."

"Ahh sige."

Hmmm... Nasan na kaya si Blair? I guess I'll have to look for her. Inuna ko siyang hanapin sa library pero wala siya dun. Nung tinignan ko naman sa rooftop wala rin siya. Tinignan ko na rin kung kasama niya sila Alice at Lea pero sabe nila hindi pa daw nila nakikita si Blair. Hindi naman kaya umuwi na siya?

A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon