5

16 2 0
                                    

"Totoo ba? Wait can I see the ring?"
"Maddy its just a couple ring hindi engagement ring kaya wag kang exaggerated dyan"
"Kahit na. Biruin mo yun parang alam nyang sasagutin mo sya kaya may nakahanda ng ganyan. You see he truly loves you girl"
"Oo na ang daldal mo"
"I'm happy for you girl, as in super. Finally nakawala ka na sa loob ng ampalaya"
"Baliw ka talaga."
"Yiee kinikilig ka no"
"Sino naman hindi kikiligin panay pambobola ang ginawa nun."
"Xeline naman nakakainis ka, hindi pambobola yun, express ng feelings yun"
"Whatever?!"

Well aminin ko may konting spark. Kinain ko rin ang mga sinabi ko. Sorry naman tao lang, babae lang nagmamahal. Pero taga mo sa pakpak ng uwak pag ako niloko uli hinding hindi na ko magmamahal uli at hindi na ko maniniwala sa mga lalakeng yan.

"Aray naman Maddy kung makabatok wagas" sambit ko pagkatapos nya akong batukan
"Kanina ka pa kasi tulala dyan. For sure iniisip mo na naman na panu kung lokohin ka lang ni Luke. Naku tigilan mo na babaita"
"Bakit ka ba ganyan kontrabida ka lage sa utak ko"
"End of discussion. Where's your coffee prince?"
"Padating na yun. Patapos na ang klase nila"
"Ang sweet mo naman pala, you're patiently waiting for your prince"
"Syempre naman"
"So panu girl, I'm going na."
"May date ka na naman"
"As usual. Magsa-shopping kami ni hendrix"
"Hendrix? Diba si Claude ang bf mo? Ay oo nga pala, one week expiration."
"Claude is not my bf. Just a special friend. I like him pero parang I'm not his type. Nakakafrustate"
"Really girl, naiinlove ka na kay Claude?"
"Kwento ko sayo next time ha I have to go na bye"
"Bye"

Pagkaalis ni Maddy dumating na din si Luke.

"Hi sweetheart!"
"Hi handsome coffee prince!"
"Sorry kung pinaghintay kita"
"Ayos lang. Hindi naman kelangan na lalake lage ang naghihintay. Dapat give and take."
"Sweet talaga ng sweetheart ko. Tara let's go, gusto mo ba kumain?"
"Pwede magstroll lang muna sa mall?"
"Yah sure. Pero after nun kumain tayo bago umuwi"
"Ok"
"I love you"

Lalo pa syang naging sweet and gentleman. Sana hindi sya magsawa at magbago dahil ayoko nang masaktan uli at kapag nangayari yun, ayoko nang  magmahal uli.

Namasyal muna kami sa mall at naglaro saglit sa isang arcade. Heto na naman ako, feeling teenager sa kilig. Magkaholding hands kami habang naglalakad. Medyo nauuna syang lumakad kasi pinagsasawaan kong titigan ang likod nya. Kahit pala nakatalikod gwapo pa rin sya. Matangkad, simple lang manamit pero lakas din ng dating. Tama lang ang tangos ng ilong at may sakto lang na singkit ng mata. Hindi maputi pero hindi naman maitim, slight kayumanggi. Ngayon ko lang napansin yun kasi hindi ako interesado sa outside look (weh?). Importante parin sakin yung attitude. Tinignan ko ang magkahawak naming kamay, in fairness malilinis naman ang kuko nya. Hehehe. Ang lambot ng kamay. I wonder marunong kaya sya maglaba.

"Hmm Luke?"
"Bakit sweetie?"
"Naglalaba ka sainyo?"
Haha hindi napigilan magtanong.
"Sa dami naman ng itatanong yan pa naisipan mo"
"Hehe wala lang. Pero ok lang kahit hindi mo sagutin"
"I do laundry kapag off ng maid."
"Lahat nilalabhan mo?"
"Hindi naman lahat. Bakit mo ba tinatanong?"
"Wala, ang lambot kasi ng kamay mo"
"Kala ko naisip mo na ako maglalaba kapag mag-asawa na tayo"
"Grabe naman imagination yan sweetie"
"Aba malay ko ba"
"Kain na tayo sweetie, hungry na tyan ko eh" sambit ko habang himas himas pa ang tyan"
"Naku sorry baka sabihin ni tita mommy ginugutom ko ang misis ko"
"Magtigil ka nga dyan Mr Bargaza"
"Masusunod po Mrs Xeline Barzaga"

Tumigil na kami sa pagkukulitan ng pumasok na kami sa isang restaurant. Habang hinihintay namin ang inorder naming pagkain may lumapit na babae sa amin.

"Hi Luke! How are you?" Bati nung girl na kahit simpleng make up ay nagsusumigaw ang pagkamestisa nya. Mahabang maalon ang brownish hair nya at may balingkinitang katawan. Tumayo si Luke para makipag beso.
"Hey Ate Laurice! Nakauwi ka na pala"
Ate? Baka kapatid nya pero bakit hindi sila magkamukha tsaka bakit parang magkalapit lang ang edad nila.
"Yah kahapon lang ako nakadating."
"Ah talaga. San ka ba ngayon?"
Ehemm ehemm bakit parang nakalimutan ata akong ipakilala.
"Well magkikita kami ngayon ng ate mo"
What? Hindi pala sila magkapatid. So it means kaibigan ito ng ate nya.
"Ah. Nga pala I want you to meet my girlfriend Xeline"
Napansin rin pala nya na nag-eexist ako dito.
"Oh hi Xeline! Nice to meet you."
"Sweetie si ate laurice best friend ng ate ko"
"Hello! Nice to meet you too" at naglahad ako ng kamay para makipag shake hands
"You want to join us ate?"
"No, thank you. Kakain din naman kami mamaya ni Francine. I gotta go na"
"Ok. Nice to see you again"
"Me too Luke" sabay halik nito sa pisngi ni Luke.
Medyo nakaramdam ako ng selos. Pero dapat masanay na ko dahil mukhang natural na sa kanila yun.

Nakaalis na sya nang dumating na yung food namin at tahimik lang akong kumakain. Habang si Luke ay pasulyap sulya sakin.

"Ang tahimik naman ng sweetheart ko. May problema ba?"
"W-wala naman sweetie, gutom lang."
Sambit ko sabay nakapeace sign ako.
"Pansin ko lang tumahimik ka nung galing dito si ate laurice, nagseselos ka ba?"
"May dapat ba akong ikaselos Luke?"
"Nagseselos ka nga, tignan mo nga tinawag mo ko sa pangalan ko"
"Sorry. Mukha kasing super close nyo."
"Bestfriend sya ni ate francine. Isa pa one yr lang ang tanda nya sa kin. Halos sabay lang kami lumaki dahil minsan na syang tumira sa amin."
"Bakit wala ba syang pamilya?"
"Meron. Family friend namin sila. Childhood friend nila daddy ang parents nya."
"So bakit sya tumira sa inyo?"
"Nag-aaral kami nun at yung parents nya nagpunta sa ibang bansa para sa pagtatayo ng negosyo."
"Ah ganun ba kaya pala may pabeso beso pa kayo ha"
"At yun ang pinagselosan mo no?"
"Oo hehe sorry ha"
"Gusto mo ikaw lang ang hahalik sa pisngi ko?"
"Hindi naman sa ganun"
"Its ok sweetie. Now finish your food na para maihatid na kita sainyo. Ayoko umuwi tayo ng gabi may pasok pa tayo bukas"
"Ok sweetie"
"Always remember that I love you at ikaw lang"
Sambit nya habang hawak ang kamay ko at pinisil pisil pa. Tumango na lang ako.

After our date hinatid na nya ako sa amin. Nagstay pa muna sya sa bahay para makipag kulitan sakin at magkasabay kami mag dinner sa bahay.

"May assignment ka ba sweetie?"
"Yup. Maybe later gagawin ko bago matulog."
"Uwi na ko para makapagpahinga ka na at makagawa ng assignmet but don't stay up late ha, wag magpupuyat"
"Yes general masusunod"
"That's good. Alis na ko. I love you"
"I love you too. Text mo ko kung nasa bahay ka na"
"Tatawag ako. Bye."

afraid for love to fadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon