Pagdating ni Luke sa bahay nila ay tinawagan nga nya ako habang gumagawa naman ako ng assignments ko. At may narinig akong may mga nag-uusap.
"Sweet, may mga bisita ata kayo?"
"A oo heart nandito kasi si ate laurice kausap sila mommy at lola"
"Baka magpuyat ka pa ha"
"Hindi naman ako ang binisita nya dito kundi si ate"
"Pero sabi mo kanina na close din kayo"
"Yah pero girl bonding yun at hindi ako kasali"
"A ok."
"Wag na magselos o mag-isip ha"
"Hindi naman, nagtatanong lang"
"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?"
"Patapos na then maghilamos lang ako at matutulog na. Ikaw?"
"After this maliligo muna ko bago matulog"
"Ok"
"I will call you before I close my eyes ok"
"Ok po"
"Bye for now. I will call you later"
"Sige, I love you sweet"
"Love u too heart"Pagkatapos ng pag-uusap namin any nag half bath ako. Niligpit ko ang mga gamit sa study table at inayos ang kama. Saktong paghiga ko ay nagtext na si Luke na matutulog na sya at ganun din ako. Kala ko ba tatawag sya. Baka inantok na rin kaya nagtext na lang.
Kinabukasan pagkagising ko ay nagtext na ko kay Luke at binati sya. Hindi ko na sya hinintay magreply dahil baka tulog pa. Mas maaga kasi ang schedule ko kesa sa kanya kaya mas nauuna din ako gumising at pumasok sa school. Pero simula nang naging kami ay sinusundo nya ako para maihatid sa school at sabay na kami papasok.
Pagkatapos ko maligo at nagbihis na ko ng school uniform. Inayos ko muna ang bag ko at tinignan ang phone ko kung may reply na si Luke pero wala pa rin kaya bumaba na ko para mag-almusal.
"Good morning ma, good morning dad" bati ko kina mommy habang nag-aalmusal na sila. Maaga din sila umaalis para magtrabaho.
"Good morning hija!" Bati ni daddy
"Good morning baby!" Bati din ni mommy habang may binabasa sa kanyang laptop
"How's school Xeline?" Tanong ni daddy na may hawak na dyaryo.
"Ayos naman po dad"
"How about Luke? Kamusta sya?" Tanong uli ni daddy na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Ayos din naman po sya?"
"What I mean is, di ba he's courting you? Kelan mo sya balak sagutin?"
"Dad naman nakakanervous ka kung magtanong?"
"Hon wag mo naman madaliin ang anak mo kung hindi pa sya ready for a relationship"
"Mom, dad sorry po pero kami na ni Luke"
"You see sinagot na pala nya. Its ok baby I know Luke loves you." Sagot ni mommy
"Don't be afraid to fall in love hija. Hindi pare-pareho ang mga nakakarelasyon."
"I know dad"
"Alam ko naman ang pinagdaanan mo bago mo pa nakilala si Luke and I understand you but always remember na hindi lahat ng lalake ay manloloko o sasaktan ka lang."
"And baby we never push you o ipilit na makipagrelasyon ka agad. Ang gusto lang namin, give yourself a chance to love and be love."
"Naiintindihan ko naman po kayo. At salamat po sa payo."
"Ok. Finish your food na para maihatid ka namin sa school"
"Wag na po dad susunduin naman ako ni luke"
"Oo nga pala. He's responsible and gentleman kaya boto ako sa kanya"
"Thank you dad."
"So pano baby aalis na kami. Take care ok, I love you" paalam ni mommy sabay halik sa pisngi ko.
"Bye dad, mom" nagkiss na rin ako kay daddyAt nang nakaalis na sila mommy ay dun ko lang naalala na tignan ang phone ko kung nagreply na si luke but sad to say wala pa rin kaya tinawagan ko na sya.
"Good morning sweet! Nagbreakfast ka na ba?"
"Good morning din heart. Sorry ha kagigising ko lang."
"Tinanghali ka ata samantalang maaga tayo natulog kagabi"
"Oo nga, napasarap ata ang tulog ko. Anyway ligo lang ako then punta na ko dyan ok."
"Osige. Hintayin kita"After 15 mins ay bumubusina na si Luke sa labas. Kaya naman kinuha ko na sang gamit ko at nagpaalam na sa katulong namin. Paglabas ko ng gate ay nakita kong may kasama na babae si Luke. At nang papalapit na ko ay nakilala ko agad ang babae na katabi nya nakaupo. Si Laurice.
"Hi Xeline!" Bati ni Laurice habang kumaway pa. Lumabas si Luke at pinagbuksan ako ng pinto sa back seat. Seriously? Sa back seat ang girlfriend at sa front seat talaga ang bestfriend? Hinayaan ko na lang.
"Hi!" Bati koHahalik sana si Luke sa kin pero umiwas ako at sumakay na sa loob ng kotse.
Nakita kong kumunot noo sya tsaka pumasok sa driver's seat."Am pasensya na Xeline ha dito na ko umupo. Tsaka sumabay na ko kasi madadaanan din naman yung condo ko"
"Ahm wala naman problema dun"
"Oo nga pala I bake some brownies for you. I'm sure you will like it." Sabay abot ng mini box sakin.
"Thank you ha sana hindi ka na nag-abala pa"
"Its ok."Habang nag-uusap kami ni laurice ay sya naman tahimik ni luke. Seryoso lang sya sa kanyang pagdadrive. Huminto lang kami sa tapat ng isang building na siguradong dun ang condo ni laurice. Nang makalabas na si laurice sa sasakyan ay nagpaalam na sya sa amin at dumeretso na papasok ng building. Hindi na ko lumipat sa front seat dahil tinamad na ko lumabas. Kaya naman tahimik na nag drive si luke.
"Sweet nagbreakfast ka ba?" Pagbasag ko sa katahimikan
"Nagcoffee lang. Ikaw?"
"Yah kumain ako kasi maaga naman ako nagising. Kumain ka muna pagdating sa school bago ka pumunta sa klase nyo"
"Yah sure"
"Can I ask something?"
"Oo naman, anu yun?"
"Dun ba sainyo natulog si laurice kaya nagkasabay kayo?"
"Hindi na sya pinauwi ni ate kaya dun natulog. Isinabay ko na paalis dahil uuwi na daw sya."
"Ah ok"
"Ikaw, bakit hindi ka man lang lumipat kanina dito?"
"Tinamad na ko lumabas"
"Ayaw mo ba akong katabi?"
"Hindi naman sa ayaw"
"Galit ka sakin?"
"Hindi"
"Then why? Iniwas mo ang mukha mo nung hahalik ako sayo. Ngayon naman hindi ka lumipat dito para tabihan ako"
"Don't make it a big deal sweet. I'm not mad at you"
"Ok fine."Dumating na kami sa school at pagkatapos nya mag park ay lumabas na ko. Medyo naiinis kasi ako sa kanya. Feeling ko may hindi sya sinasabi sakin pero ayoko nang magtanong pa.
"Sweet una ko ha 5mins na lang kasi before our class baka malate ako"
"Sige. Ingat sweetheart" sabay halik sa lips ko.
"Kumain ka muna ha sweet. Bye. I love you"
"Of course gutom na ko. I love you too"Nang makalayo na ko ay naramdaman ko parang babagsak ang luha ko. Call me paranoid pero malakas ang instinct ko na napuyat si Luke kaya tinanghali ng gising. At ang dahilan nun ay inaya muna sya nila laurice na magbonding sila, syempre babae yun at close friend pa kaya nakakahiya naman tanggihan. Ayos lang naman sakin kung ganun nga pero sana sinabi nya sakin, wala naman masama dun. Ang isa pang inaarte ko ay hindi man lang sya nagreply nung nagtext ako at hindi nya sinabing kasabay nya si laurice. Nag-uumpisa pa lang kami sa relasyon namin ay nasasaktan na ko. Pero naisip ko din na baka tamang hinala lang ako. Ewan ko din.
Sana mali ako.
BINABASA MO ANG
afraid for love to fade
Romanceumibig ka at nagmahal ngunit bakit lage ka nalang nasasaktan. ganyan ba talaga ang kapalit kung tunay at tapat ka naman magmahal susuklian ka pa ng sakit at kataksilan? kaya bakit ka nila sisisihin kung mamuhi ka at mawalan ka na ng pag-asa. kung hi...