Nandito kami ngayon ni Maddy sa soccer field ng school, pareho kaming nakasalampak ng upo sa damuhan. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Luke habang breaktime pa namin.
"Alam mo Xeline hayaan mo na lang magmahal ang puso mo. Isa pa talagang kakambal ng pagmamahal ang masaktan."
"Its not always an excuse na kaakibat ng magmahal ang masaktan"
"For you to grow, to be strong, to learn from the experience."
"Tell me bakit ka pa mamahalin ng tao kung dadating din ang panahon na sasaktan ka din naman nya at iiwan. Lokohan ba yun?"
"Hindi naman ganun yun. And you will never understand hangga't kumakain ka ng ampalaya sa bitterness mo"
"Eh di kumain ng maraming asukal"
"Hay naku ang saya mo kausap girl"
"Masyado kang seryoso"
"Ako pa ngayon eh ikaw nga itong ang tagal makamove on sa mga heartache mo"
"Hello matagal na ko nakamove on. Wala na lang talaga akong tiwala sa mga lalake ngayon"
"Even if Luke is seriously in love with you?"
"Sa tingin mo totoo mga sinabi sya sakin?"
"Tignan mo ito, ngayon curious ka dyan"
"Sabi mo bigyan ko ng chance magmahal ang puso ko"
"Girl utang na inside naman common sense.
"Oo na"
"I know Luke will love you and take care of you. Give him the chance na ipakita nya yun sayo. Hindi yung pinangunguhan mo na ang mangyayari bukas"
"Thanks for advice girl"
"Tara na nga pumasok baka maunahan tayo ng prof natin"Tatlong buwan nang nanliligaw sakin si Luke. Nakikita ko naman ang effort nya sakin. Nababasa ko naman ang sinseridad nya. Kaya nagpasya na rin ako na sagutin sya. Besides alam ko na minamahal ko na sya.
"Xeline!" Tawag sakin ni Luke pagpasok sa school
"Hi Luke!"
"Good morning Xeline! Flowers nga pala for you"
"Grabe hindi pa ako patay binibigyan mo na ko ng bulaklak. Pero in fairness ang bango at magaganda, salamat ha"
"Hindi naman patay lang ang binibigyan ng flowers"
"Alam ko naman. Jinojoke lang kita"
"Pwede ba kita ayain magdate mamaya?"
"Oo naman. San ba?"
O diba kapag malandi ka, oo agad wag nang pakipot.
"Surprise yun eh"
"Ok sige, after school ba?"
"Oo pero ipapaalam muna kita sa parents mo"
"Believe din ako sa pakitang gilas mo ha, keep it up!"
"Anu na ba score ko?"
"Ummm 15% na"
"Grabe talaga sa 3months na lumipas 10% lang ang itinaas"
"Ayaw mo ata bawiin ko na lang"
"Ay hindi naman ayos nga yun atlis nag iimprove diba"
"Mabuti naman nagkakaindintihan tayo"
"I love you Xeline"
"Alam ko na yan"
"Hindi man lang kiligin kahit konti"
"More effort pa kasi"
"I love you na may kiss?"
"Sira! Dyan ka na nga baka malate pa ako"
"See you later sweetheart"
"Bye"Sa totoo lang, ang babaw natin mga babae. Konting iloveu lang nadadala na tayo. May ibigay na regalo parang end of the world na kiligin. Kaya minsan hindi natin nakikita yung katangahan natin. Sorry for the term pero aminin na natin na minsan nagbubulag bulagan na tayo dahil nagmamahal tayo kaya in the end tayo lang din ang nasasaktan. At wala din naman talagang kadala dala kaya pag may dumating sunggaban na hahaha! Peace!
Sinabay na ko ni Luke pauwi at hinatid muna nya ako sa amin. Uuwi muna daw sya para makapagbihis at makapagpaalam din sa mama nya.
Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna ako bago nagpasyang maligo at mamili ng simple ng damit. Naisip ko na maganda din itong pagkakataon para sagutin ko na sya. I'm starting to like him or maybe love him? Bahala na kung masasaktan uli. (Ayan tayo girl eh, pinangunahan mo na naman) nag flashback pa yung sinabi sakin ni Maddy. Tama nga naman dapat hindi ko isipin na masasaktan lang din ako. I must enjoy being inlove and be love with someone. Sarap din ng feeling na mainlove uli at kiligin.
"Xeline hija andito na si Luke bumaba ka na dyan" tawag ni mommy
"Hayaan nyo po syang maghintay mommy, pababa na din naman ako"
"Hey Xeline you're wasting my precious time, wag ka ng magpaganda masyado para sakin"
"Kapal mo din no" sagot ko habang pababa ako ng hagdan
"Nagpaganda ka pa eh pangit ka parin naman"
"Gusto mo ba idate mo na lang ang sarili mo ha"
"Enough na yan kids, baka langgamin pa kayo sa kasweetan nyo" sagot ni mommy
"Bye mom pakisabi kay daddy sinamahan ako ng alalay ko na mamasyal"
"Aba aba naman sa gwapo kong ito magiging alalay lang?"
"Asan ang gwapo Luke papatayin ko?"
"Wala nakaalis na. Tara na baka maabutan pa natin. Bye tita mommy"
"Sige hijo take care of my daughter ok"
"I will madam"Isa pang katangian ni Luke ay may pagkahumor sya. Kahit naiinis na ako sa kanya ay patatawanin nya lang ako.
Dinala ako ni Luke sa Japanese friendship garden sa tagaytay. Its was so relaxing and romantic. Naisip ko tamang lugar para sagutin ko na sya.
"Hope you will like the place"
"Oo naman. Its amazing place. I love the nature."
"Salamat naman at nagustuhan mo. Tara dun sa cottage dun tayo magdidinner"
"Ang romantic mo naman Luke"
"Buti naman napansin mo."
"Nag-eeffort ka ha."
"Syempre naman mapatunayan ko lang na talagang mahal kita"
"Why do you love me Luke?"
"Hindi ko alam basta when my eyes first saw you alam ko minahal na kita nun"
"Makapagbola talaga wagas ha"
"Seryoso naman kasi ako dito Xeline"
"Yun nga eh masyado kang serious dyan"
"Dahil seryoso akong nagmamahal sayo. Ikaw lang naman dyan ang hindi."
"Anung hindi ka dyan."
"Tara na nga kumain"
"Uy wag ka ng magtampo"
"Hindi ako magtatampo sayo"
"Talaga?"
"Kumain ka na lang dyan."
"Sorry na Luke. Mahal pa naman na kita"
"Wag mo nga akong binibiro"
"Seryoso ako I think I'm falling for you na Luke"
"Pinaglalaruan mo ata ako Xeline"
"So ayaw mo ha, sinasagot na nga kita pakipot ka pa"
"Talaga Xeline, gf na kita?"
"Oo na nga"
"Thank you Xeline. Lahat gagawin ko para sayo. I love you"
"I love you Luke"
"Can I kiss you kahit sa cheeks lang?"
"Sige pero sa cheeks lang ha"After we eat he gave me a bouquet of flowers and a couple ring. Nakatanaw lang kami sa taal. NASA likod ko sya habang nakayakap sakin ang mga braso nya. I feel secure and kilig. Masarap talaga ang may nagmamahal sayo lalo na kung mahal mo rin sya. Nawawala ang doubts mo. And I wish na hindi sya magbago sa pagmamahal sakin. Nagpasya na kaming umuwi dahil may pasok pa kami bukas sa school. I know Maddy will surprise at alam ko din na sasabihin nyang tama sya and hopefully tama nga sya.
As I lay myself sa bed ko nakangiti akong nakatitig sa kisame. Kinikilig pa ata ako hanggang ngayon. Hindi ko alam na ang makikilala ko sa coffee shop ay mamahalin ko ngayon. Pwede na ba kami sa my coffee prince? Di ba dun ko sya nakilala kaya coffee prince itatawag ko sa kanya. (Baduy!) Yan ng naisip kong isasagot ni Maddy sa kin pag sinabi kong coffee prince ko si Luke.

BINABASA MO ANG
afraid for love to fade
Romansaumibig ka at nagmahal ngunit bakit lage ka nalang nasasaktan. ganyan ba talaga ang kapalit kung tunay at tapat ka naman magmahal susuklian ka pa ng sakit at kataksilan? kaya bakit ka nila sisisihin kung mamuhi ka at mawalan ka na ng pag-asa. kung hi...