Summer

22 0 0
                                    

I. Summer.

“Friend, enjoyin mo muna yung summer na ‘to, baka di mo na maenjoy pag nag-college ka.”

Sabi yan ni Keira, Bestfriend ko since birth.Seryoso, since birth. Days lang tanda niya sakin at magbestfriends magulang namin.

“Ganun? Enjoyin na natin yung summer na ‘to”Sabi ko.

“Ay, balita ko may liga daw ngayon sa court, Ish!”

“Oo, yearly yan. Wala namang gwapo..”

“Gags, may bago daw na mga kasali ah?”

“Talaga? Sus, papangit naman ng mga yun eh.”

“Feeling mo naman maganda ka!”

“Oo na, sorry na. Tara tignan natin yung mga yun.”

Papunta na kami ng Basketball court ni Keira, maririnig mo na yung mga boses ng babae na nagtitilian, tila ba may isang Heartthrob na nasa Basketball court. Parang feeling ko, ang ga-gwapo nga ng mga kasali this year. Nagsitandaan na kasi yung mga dati. Pagdating namin ng court, ayun. Bagong mga mukha, bagong mga pangalan ang sinisigaw. Na-amaze ako masyado. Marami ngang pogi :)

Kaso, biglang tinamaan ako ng bola sa ulo.

*boink*

“Aray ko naman! Wala na nga ako sa loob ng court, nadamay pa ko! INGAT INGAT DIN KASI!”

Galit na pagrereklamo ko. Aba, masakit din matamaan ng bola no! Lalo na sa ulo ~_~

Nilapitan ako ng isang player, naka number 11 siya na Jersey. Hindi ko alam itsura niya. Nakayuko kasi ako. Minamasahe ko noo ko.

“Miss, I’m so sorry. May masakit ba sayo?! Ano ba kelangan ko gawin para makabawi sayo?”  Pagtatanong niya na talagang nag-aalala siya.

“Ah, hindi okay lang ako. Medyo masakit lang yung noo ko, baka may bukol ewan ko.” Sinabi ko yan habang minamasahe noo ko tapos di ko pa siya tinitignan.

“Ano ba gagawin ko para makabawi sayo? Ang lapad kasi ng noo mo eh.” Pang-aasar neto.

“Was that a compliment or an insult? Seriously?” Ayoko kasing inaasar noo ko.

“Wala miss, nakakatuwa ka.” Pagka-angat ko ng ulo ko, nakita ko siya.

O___O --- My face.

Ang pogi, grabe. Amputi. Parang Mario Maurer ang peg. Ganun mga tipo ko, mga papabol.

Pero, mukha siyang babaero.

Wala eh, Basketbolero~

Pero di ko dapat muna isipin yun, dapat makabawi itong lintek na ‘to!

Rebound. (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon